#SMASP 70: Big Bang (Part 1)

7.1K 502 93
                                    

Vote muna bago magbasa! Hehehe. Salamat po. Ü

Keep on commenting guysss! Labyowww. Enjoy reading!!! :D


----

[MICKEY]


Isa isa na kaming pumasok sa venue. Sadyang napakalaki ng Main Door. Parang malaking pintuan ng simbahan na dinekorasyunan ng 1950's na style. Sadyang napakaganda. Nakapila kami rito sa labas para isa isang pumasok. Mula dito ay maririnig mo ang mga lumang awitin. Talaga namang halos lahat ay pang 1950's.

Pagkabukas pa lang ng main door ay nilakaran na namin ang napakahabang red carpet na kung lalakarin mo hanggang sa dulo ay sa stage ang bagsak mo. Sa magkabilang side ng red carpet na nilalakaran namin ay ang mga round tables na nakalaan para samin. Sadyang napakalaki ng pinagdausan nitong Big Bang Party. Tamang tama para sa lahat ng employees ng KFC sa lahat ng branches dito sa Laguna. Nakakatuwa dahil may red carpet. Siguro ay isa rin kami sa maglalakad mamaya jan ulit kapag nagsimula na ang programa. Syempre mga manager muna at mga Big Boss. Hahaha.

Katabi ng mga round tables na pinuwestusan namin ay ang tables para sa branch nila John Paul. Nakita ko na rin sila Ivy at Lito. Naroon na rin si John Paul kasama si Steph. Tsk. At talagang magkasama silang dalawa ha. Kasama rin nila ang isa pang matangkad at gwapong lalake. Ayun siguro si Gino. Siya nga ata. Nakainuman na namin yan dati eh. Hahaha.

Sa taas ng stage ay mayroong malaking screen. As in malaki, tamang tama para makita kahit na sa dulo ka pa ng venue nakapwesto. Dahil na rin siguro sa lawak ng lugar na ito kaya nilagyan ng ganyan para makita namin ang mga nangyayari sa stage. Napakasusyal naman ng party na ito.

"Pre! Ano bang meron ngayon? Akala ko naman ay simpleng party lang ito. Parang masyadong pormal ata?" Tanong sakin ni Angelo.

"Hindi ko alam pre. Ang alam ko lang. Parang launching ng bago nating uniform. Saka parang celebration na rin sa mga achievements ng KFC. Sa mga bagong open na branches. Saka para sa launching na rin ng bago daw nating Brand Ambassador."

"Ahhh. Sinong bagong brand ambassador?" -Tanong niya ulit.

"Hindi ko kilala yun eh. Basta yung lalaking artista. Yung matanda na. Siya na ata yung mga susunod na lalabas sa mga commercials natin. Parang siya na yung magiging Lolo sa mga susunod na commercials."

"Anong lolo?" Takang tanong niya ulit. Tukmol talaga to eh.

"Eh di lolo. Diba yung logo natin. Si Lolo. Yung may ari ng KFC. Siya na ata ang magiging Lolo ng KFC dito sa Pinas."

"Ahhh. Aabangan ko na lang sa mga bagong commercials. Hahaha. Astig ng event na to Pre. Di ko talaga inaasahang ganito kasusyal. Tingnan mo naman. May screen na sa may stage. Meron pang screen dun sa may taas ng main entrance." Agad naman akong napatingin doon at nakita ko nga ang isa pang screen dun. Tsk. Talagang pinagkagastusan.

"Oo nga no. Hindi ko napansin yan kanina."

"Ganda ng suot mo pre ah. Puting puti. Hahaha. Saka ang astig ng suspender mo. Hahaha."

"Syempre pre. Si Lolo ang inspirasyon ko dito sa suot ko. Hahaha."

"Lolo mo?" Seryosong tanong niya.

"Tungaw! Si Lolo! Yung may ari ng KFC. Bobo nito eh. Hahaha." Ano ba naman to si Angelo. Kabwisit kausap!

"Hahaha. Nice. Baka ikaw pa ang manalo mamaya. Hahaha. Pre! Tingnan mo. Parang parehas kayo ng suot ni John Paul. Hahaha. May sumbrero lang siya. Daig ka pre. Hahaha."

Si Malakas at si Pabebe - BxB (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon