#SMASP 3: First Day

15.1K 622 51
                                    

[JUSTINE]

On the wings of love,

Up and above the clouds

The only way to fly.

Pagtunong ng cellphone ko. Marahan ko itong kinapa para pahintuin ang pagtunog.

Is on the wings of love.

On the wings...

Ilang segundo pa at napatay ko na ang alarm tone. Oo, alarm clock ko yun. Idol ko si Regine eh.

Thank you Lord. Umaga na pala, parang kelan lang eh naghahanap pa lang ako ng trabaho, at heto nga. Ngayon na ang unang araw ko sa trabaho bilang isang service crew sa isang Kilalang Fastfood Chain dito sa Pilipinas at maging sa ibang bansa.

Maaga akong naghanda, naligo at nagpaganda para sa unang araw ko sa trabaho. Umalis si Mama kaya ako na lang muna ang nagluto at naghanda ng aming kakainin. Matapos kumain ay umalis na ako, alas onse na ng tanghali. Ala-una pa naman ang pasok ko pero hindi ko maiwasan ang maexcite, saka isa pa, unang araw ko ngayon sa trabaho kaya nakakahiya naman kung malelate ako.

Unti unti na akong kinakabahan. Kahit kasi malayo pa ay nakikita ko na ang KFC, at marami na akong namumuong katanungan sa isipan ko. Makakaya ko kaya ang magtrabaho? Tatagal kaya ako? Kakayanin kaya ito ng ganda ko? May pogi kaya silang Crew? Bagay kaya kami? Magkakalove life na kaya ako? Dito ko kaya yun mahahanap! Bahala na nga! Dito ako dinala ni Lord kaya siguro may purpose kung bakit andito ako ngayon. Baka andito na ang lalaking iibigin ko. Hayyys. Destiny. Hindi ko maiwasang kiligin.

"Haaay nako Justine, saka na muna ang kalandian, trabaho muna tayo te." Sabi ng inner self ko.

Nasa tapat na ako ng entrance ng store ng lalong lumakas ang kaba ko. Haay, ano ba tong nararamdaman ko? Kinakabahan ako. Kaya naisipan ko munang pumunta sa kalapit na mall. Mag-iikot ikot muna ako at para na rin makapag-retouch. Tutal maaga pa naman at marami pa akong oras. Matapos maglagay ng simpleng make-up ay nagtungo na ako sa Store. Haay. Ito na talaga. Be good to me KFC.

"So Good Afternoon po. Welcome to KFC." Masayang bati ng Gwardiya.

"Good Afternoon din po. Kuya, first day of work ko po ngayon dito sa KFC, anjan na po ba si Mam Aya? Siya daw po kasi ang hanapin ko eh. Siya po kasi ang nag interview sa akin." Sagot ko naman.

"Ay, mamaya pa yun Ganda, upo ka muna dun oh." Sabay turo sa akin dun sa may table sa dulo.

"Sige po, salamat po." Sabi ko sabay tungo sa tinurong mesa.

Mula dito sa kinauupuan ko ay nakikita ko ang mga ibang crew. Mukha naman silang mababait. Sila ang mga makakatrabaho ko sa loob ng ilang buwan, sana naman ay maging kaibigan ko silang lahat.

Maya maya pa ay dumating na si Mam Aya. Sinabi nito na magbihis na ako ng uniform at sumunod sa opisina. Hmmm. Bagay naman pala sakin tong uniform. Unisex.

"Good Afternoon po Ma'am" Bati ko kay Mam Aya.

"So Good Afternoon Justine, welcome to KFC Family. Sorry ha, Medyo busy ako ngayon eh, 'lika, ipapakilala kita sa mga magiging katrabaho mo." Sabi niya saka hinawakan ako sa likod habang naglalakad.

"Sige po Ma'am."

"Dito tayo sa Kitchen Station. Ito si Samuel, at yung isa naman sa dulo ay si Gino. Sila ang mga cook natin, sila ang nagluluto ng chicken at tagaluto ng mga gravy, rice, soup, at iba pa."

Si Malakas at si Pabebe - BxB (COMPLETED)Where stories live. Discover now