#SMASP 76: Meet and Greet

8.5K 509 87
                                    

OOPSSSS! VOTE MUNA BAGO BASA. Pwede na siguro to. Tyagain niyon na lang po. Hahaha. Pasensya na ngayon lang nai-post busy talaga sa Thesis. Malapit na kasi ang defense. Naawol na nga ako sa work. Hahahaha. Enjoy reading.

PS: Magcomment kayo please para may mabasa naman ako at ganahan naman ako mag-update. Hehehe. Salamat po. :)

----

[JUSTINE]


"Hahaha. Magkapatid kami ni John Paul! Kuya ko yun! Hahaha. Kaya nga magkamukha kami diba? Diba lagi mo nga sinasabi dati na magkamukha kami? Kasi nga magkapatid talaga kame! Hahahahahaha." Windang na windang talaga ako sa sinabi niya.

All this time! Hindi ko man lang nalaman! Sa mala-detective conan kong mga galawan hindi ko man lang natuklasan. Parang ayaw tanggapin ng utak ko ang impormasyon.

"Ahhh talaga! Eh ano yung mga sinasabi mo sakin dati about sa magulang mo na ganito ganyan? Tas sabi mo may kapatid ka pa?" Naguguluhan pa rin ako.

"Hahaha. Imbento ko lang lahat yun! Hahaha. Syempre. Ayokong malaman mo eh. Kaya nga di ako nagsusuot ng ID pag magkasama tayo. Makikita mo totoo kong pangalan. Hahaha."

"Hahahaha. Walangya ka! Pa-Kenjie Kenjie Madrigal ka pang nalalaman! Hahaha. San mo naman nakuha yung pangalan mong yun! Hahaha. Kainis ka. Niloko mo ko! Hahahaha."

"Hahaha. Oyyy yung mga sinabi ko sayo noon na gusto kita, totoo yun! Saka lahat ng mga pinakita ko sayo totoo yun. Ang hindi lang totoo, yung ginamit kong pangalan. Yung mga kwento ko about sa family ko. Hahahaha. Baka kasi makahalata ka. Saka ko na ipapaliwanag kung anong purpose kung bat ako naging si Kenjie Madrigal. Hahaha. Madrigal, middle name namin yun. Yung Kenjie. Ken second name ko + Je sa Jeremy. Pangit naman kung Kenje. Parang bisaya. Kaya ginawa ko na lang Kenjie. Hahaha." Paliwanag niya. Hindi pa rin ako kuntento! Hindi pa rin ako makapaniwala.

"Magpaliwanag kayong dalawa sakin mamaya ha!"

"Hahaha. Oo naman. Walang problema."

"Hindi talaga ako makapaniwala. Kainis. Hahaha. Naaalala ko tuloy lahat ng mga pinagsamahan natin. Naloloka ako Kenjie! Ay Jeremy. Ano ba yan. Ano bang itatawag ko sayo! Hahaha."

"Hahaha. Kahit ano. Kung saan ka komportable. Tara na!"

Ngiting ngiti naman si John Paul ng makita ang naguguluhan kong mukha. Nakapagbihis na ito at nakasando na lang. Ang sarap eh. Kainis!

"Anong tinatawa tawa mo jan?" Masungit na tanong ko. Napatingin pa sakin ang kasambahay nila.

"Hahaha. Sabi sayo magugulat ka pag nakita mo kapatid ko eh! Hahahaha." Sabi nito habang nginunguya ang hawak na tsitsirya.

"Gulat na gulat nga Kuya! Hahaha." Sabi ni Kenjie. Gosh hindi ako sanay na kuya ang tawag ni Kenjie kay John Paul.

Totoo ba to o panaginip lang? Pwede ko bang silipin ang kotse ni John Paul? Baka nandun ang katawang lupa ko at nananaginip lang pala ako.

"Eh sinong di magugulat!!! Hindi pa ko magugulat kung si Kingkong ang kapatid niyan ni John Paul eh! Hahahahahaahaha."

"Nyay ang korni! Hahaha." Sabi ni John Paul tas tumawa silang dalawa.

"Mamaya magpaliwanag kayo saking dalawa ha! Nakakainis kayo. Sige na nga! Aaminin ko na sa inyo. Kapatid ko si Liza Soberano!"

"HAHAHAHAHAHAHAHA." Nagtawanan na naman silang dalawa. Nakakainis.

"We're here!" Sigaw ng mama ni John Paul. Kasunod nito ang Papa nila. Gwapo rin. May pinagmanahan naman pala ang dalawa.

"Dad, nabili mo ko cake?" Tanong agad ni John Paul.

Si Malakas at si Pabebe - BxB (COMPLETED)Where stories live. Discover now