#SMASP 35: Sweet John Paul

8.9K 413 51
                                    

"Anong naisipan mo at niyaya mo kong kumain?" Tanong ko kay John Paul habang inaayos ang mga inorder namin sa mesa.

"Wala lang. Ang aga pa kasi kanina. Nakakatamad naman umuwi. Wala naman akong gagawin sa bahay. Kaya ayun. Naisip ko na yayain na lang kita. Hehe. Salamat ah." Pagpapaliwanag niya.

"Ayyy, ang bait. Haha. Salamat din at ako ang napili mong yayain. Hahaha. Dapat sinama natin si Ivy eh."

"Naku wag na yun. Malakas yun kumain. Baka kulang ang one thousand."

"Grabe siya! Hahaha."

"Kumusta naman kayo nung Kenjie? Boyfriend mo na yun?" Walang pasintabing tanong ni John Paul. Na-shock ako ng bahagya. Bahagya? Hahaha.

"Ha? Hindi ah. Tropa lang kame nun."

"Eh bakit lagi kang binibigyan ng bulaklak?" Seryosong tanong nito.

"Eh kasi maganda ako eh. Hahaha. Chareng. Ewan ko dun. Natutuwa lang daw siya sakin. Pero di naman siya nanliligaw."

"Ahhhh."

"Ikaw? Kumusta ka naman?" Tanong ko sa kanya.

"Ayos lang. Two weeks na lang final exams na namin. Kaya nakaka-stress na. Hehehe."

"Nako kaya mo yan. Isipin mo na lang na sa pasukan 4th year ka na. Konting kembot na lang."

"Yun nga din iniisip ko eh. Ikaw? Diba plano mo rin mag-aral. Gawin mo na. Sayang ang panahon. Mag-enroll ka na sa pasukan."

"Oo nga eh. Kung kakayanin. Mag-eenroll talaga ako. Hehe."

"Kaya naman eh. Ako nga oh. Self Support. Nangungupahan pa ako ah. Survive naman."

"Sabagay. Ang galing niyo nga eh. Nakakabilib."

"Nako kaya mo rin yan. Ikaw pa ba. Anong kukunin mong course?"

"Syempre course ng magaganda. Marketing. Hahaha."

"Nice."

Kung ano ano pa ang napag-usapan namin tungkol sa kanya kanyang buhay. Puro ako lang naman ang nagkwento eh. Haha.

"Uyyyy! Busog na ako! Hahaha." Sabi niya habang hinihimas ang tyan niya.

"Hoy hindi pwede. Ubusin mo yang sundae. May dalawa pa! Hahaha."

"Hindi ko na talaga kaya. I-take out na lang natin. Hahaha."

"Sige ikaw bahala. Tara na!"


-


"Ang lamig!" Nasabi ko paglabas namin ng Mcdo. Busog na busog ako. Kaloka.

"Wait lang ah. Jan ka lang." Paalam ni John Paul at naglakad palayo.

"San ka pupunta?" Sigaw ko rito.

"Basta antayin mo ko saglit lang." Sabi niya at nagpatuloy na ito sa paglalakad.

Sa di kalayuan ay may nakita itong batang kalye at iniabot ang bitbit na sundae. Ang sweet talaga ng isang ito. Pagkaabot ay naglakad na ulit pabalik sa kinatatayuan ko.

"Ang sweet mo naman." Nakangiting salubong ko sa kanya. Kainis bat parang naiiyak ako?

"Hehehe. Sayang naman kasi. Kaya ibigay na lang kesa itapon diba? Saka minsan lang sila makatikim ng ganon. Hindi kagaya natin, kahit anong oras kaya natin bumili." –Seryosong sabi niya habang nakatingin sa malayo saka sumulyap sa akin.

Si Malakas at si Pabebe - BxB (COMPLETED)Where stories live. Discover now