#SMASP 23: Unpredictable John Paul

8.6K 482 14
                                    

Vote muna please. Salamat po. Enjoy reading.

----

Panalong-panalo talaga ako tonight. Imagine, may mga tip na, may flowers pa. Parang kinabog ko na ata ang lahat ng mga nag gagandahang bakla sa loob ng bar na ito. Ako na! Me na me na talaga. Pak!

"Bakla, bitiwan mo na yang bulaklak at tumagay ka na." Bulalas ni Terrence.

"Oo nga! Yung cocktail drink mo mainit na! Hahaha." -Lito

"First time niya kasi na makatanggap ng flowers! Hahahaha." Nako ayan na naman si John Paul. Konti na lang eh sasaktan ko na yan. Kanina pa yan asar ng asar.

"Oh ano naman? First time ko naman talaga ah. Super thankful talaga ako sa Kenjie na yon." Sagot ko kay John Paul habang kilig na kilig pa sa hawak kong bulaklak na binitawan ko rin naman.

"First time daw! Nyayyy!"

"Wag ka ngang ano jan. Kanina ka pa ah." Inis na sabi ko na nagpangisi na naman sa kanya. See! Ganyan talaga siya. Ang lakas niyang mang-asar.

Kaming lima ang magkakalapit ng upuan kaya kami kami lang din ang magkakausap. Yung iba naming mga kasama ay may kanya kanya ding pinagkakaabalahan.

"Cheers tayo guys!!!"  Ivy.

Sabay-sabay naman kaming nag-angat ng baso at tumayo. "Cheerssssss!!!!"

"Regine!!! Regine!!!" Napakalakas na sigaw ni Terrence.

"Whoooooooo!!!" Sigaw ko rin na umagaw ng atensyon ng mga kalapit naming table. Hahaha. Bakit ba! Dedma na lang. Hahaha.

"Uto-uto! Hahahaha."  Bulalas na sabi ni John Paul. Ewan ko ba! Trip talaga ako ng kumag na to eh.

"Tse! Panget!" Sabi ko na lang. Hahaha. Wala na kasi akong maisip. Kesa naman murahin ko siya. Baka masuntok ako. Hahaha.

"Itong mukhang to? Panget? Wow!" Sabay kindat sakin at nag pogi sign! Letse. John Paul ano ba! Hahaha. Wag kang ganyan. Marupok ako.

Matapos ang cheers na iyon ay kanya-kanya na ulit balik sa mga pinagkaka-abalahan at nagpatuloy sa pakikipagkwentuhan. Si Gino naman ay tahimik lang na nakikinig sa aming mga katabi niya.

"Wait lang, mag CR lang ako ah." Haggard na ako eh. Makapagretouch na rin. At isa pa, kanina pa ako naiihi, ilang baso na nga naman ang naiinom ko.

"Tara sabay na tayo! Kanina pa ko naiihi eh!" Sabi ni John Paul saka tumayo at sabay na kaming nagtungo sa CR.

Pagkarating sa CR ay sa pambabae ako pumasok. Bakit ba! Hahaha.

"Ay wow! Ang kapal! Hahaha." Bulalas niya ng makitang papasok ako doon.

"Bakit ba! Alangang jan ako mag-cr sa panlalaki. Tingnan mo nga suot ko. Hahaha."

"Oo na! Bilisan mo na! Antayin kita." Sabi niya saka pumasok na rin sa CR nila. Ang sweet niya sa part na yun ah. Hahaha. Antayin daw.

Naloka ako. May pila mga ate! Hahaha. Dedma lang. Kaya ko pa naman tiisin. Pagkaihi ay nagretouch muna ako at lumabas. Sa loob pa lang ng CR ay kita ko na si John Paul na nakatayo at nag-aabang sa di kalayuan. Nakasimangot siya. Ewan ko ba jan. Kanina nakangiti, tapos ngayon naman nakasimangot.

At sakto paglabas ko sa CR ay saktong labas din ni Kenjie sa CR ng mga lalake. Magkatapat lang kasi ang mga pintuan.

"Uyyy Justine! Ikaw pala yan." Bati niya sa akin saka sumabay na sa paglalakad ko papunta sa kinaroroonan ni John Paul.

Si Malakas at si Pabebe - BxB (COMPLETED)Where stories live. Discover now