#SMASP 34: Getting Closer

8.2K 393 31
                                    


Alas tres na ng madaling araw ng makarating kami ni Kenjie sa bahay namin. Pagkaparada ay niyaya ko muna siyang magkape, hindi naman ito tumanggi kaya sabay na kaming naglakad papasok sa bahay.

"You know! I really enjoyed the night! Thank you talaga Justine! Hehehehe." Bulalas nito na tila galak na galak.

"Shhh! Ang lakas ng boses mo. Tulog na mga kapitbahay. Oo, ako rin naman, I enjoyed the night rin naman. Salamat ah." Suway at sagot ko rito habang kinakapa ang susi sa bag ko.

"Haha. Ayyy oo nga, sorry, nakalimutan ko. Feeling ko kasi maaga pa."

"Loko ka! Teka nga, pahawak nga nito saglit." Sabi ko sabay bigay sa kanya nung binigay niyang bulaklak at paper bag kanina para susian ang gate. Tahimik naman niya itong inabot.

"Ayan! Tara na! Come in! Hehehe." Pagyaya ko rito ng mabuksan ko na ang gate.
Pagkapasok ay naupo agad ito at nilapag ang hawak niyang bulaklak at paperbag sa mesa. Ako naman ay dumeretso sa CR. Kanina pa kasi ako ihing ihi. Kaloka.

"Oh, lagay mo na yan dun sa vase niyo. Nadagdagan na naman sila. Hehe."

"Oo nga eh. Maraming salamat dito sa roses ah. Saka kainin na natin tong chocolate! Hindi ko naman to kayang ubusin eh."

"Ha?" Takang tanong nito.

"Sabi ko kainin na natin tong bigay mong chocolates! Hahaha. Bingi lang?" Sagot ko naman.
"Hahahahahahaha. Sorry na! Sige nagugutom na rin ako eh. Buksan mo na." Nakangising sabi niya.

Agad ko namang binuksan ang paper bag at kinapa ang laman nito.

"Bat ka natatawa jan?" Tanong ko kay Kenjie habang nasa loob ng paperbag ang kamay ko.

"Wala, bilisan mo na! Kainin na natin yang chocolates! Hahaha." Natatawang sagot nito.

"Ito na nga diba! Excited? Excited? Hahaha. Nako natunaw na ata. Oh baka natapon." Sagot ko ng may makapa na oily sa loob nito. Kaya inilabas ko na sa paper bag ang isang puting box. Lalo namang lumakas ang tawa ni Kenjie.

"Hahahahahahaha. Buksan mo na, ang tagal naman eh. Hahaha." Natatawang sabi niya.

"Walangya ka!!! Ano to! All this time? Akala ko Chocolates! Hahaahahahaha. Ano to???" Tanong ko habang binubuksan ang karton.

"Liempo!!! Hahahahahahaha. Manloloko ka!!! Hahahahahaha." Natawa na lang ako ng makita ang laman ng kahon.

"Hahahahahaha." –Kenjie

"Hahahahahahahaha." –Ako.

Medyo napahiya ako ng konti ah. Buong akala ko talaga chocolates! Nakailang sabi pa naman ako sa kanya na salamat sa bulaklak at chocolates! Nakakahiya!

"Hahaha. Kaya pala sabi mo kanina salamat sa flowers and chocolates! Kaya nagtataka ako eh. Hahaha."

"Eh kasi naman, akala ko talaga chocolates to eh! Diba ganun ang binibigay pag Valentines! Hahahaha."

"Hahaha. Akala mo lang yun. Hahahahahahaha. Unique nga diba? Flowers at Liempo! Hahahahaha."

"Hahahahaha. Tara na! Kainin na natin tong Liempo mo! Hahahahahahaha. Nakakaloka!"

"Hahaha. Sorry na! Laughtrip pa rin ako sayo eh. Wala naman akong sinabing chocolates yan ah! Hahaha." -Kenjie

"Hahahaha. Baliw ka! Wait lang. Initin ko muna! Ang lamig na eh." –Ako.

Si Malakas at si Pabebe - BxB (COMPLETED)Where stories live. Discover now