#SMASP 22: Shine

8.2K 471 17
                                    

Vote muna please bago magbasa. Enjoy reading. Pa-play na lang po ng multi-media kung gusto niyo. Hehehe.



[JUSTINE]





Dahan dahan nang nagsisimula ang pagtugtog ng banda, naririnig ko na ang umpisa ng awitin. Humihina na rin ang kanina'y napakalakas na sigawan at palakpakan tanda na handa na silang makinig sa aking pag-awit.

Pumikit na lang ako, para kunwari concert talaga. Astig pala pag naka-mic stand. Lakas talaga maka-concert. Idagdag pa ang kalasingang nararamdaman ko ngayon kaya tila wala na talaga akong hiyang nararamdaman, aangkinin ko na ang gabing ito! Akin ang gabing ito. Akin. Inhale! Pikit! Game!

There I was alone in the shadow
Couldn't find my way
Then you came in

"Stop! Stop!" Bigla akong nasamid! Okray! Huminto naman ang banda sa pagtugtog. Kahiya!

"Pakitaas naman ng konti ang tono kuya, masyadong mababa!" Palusot ko na lang. Nakakahiya naman kung sasabihin kong teka lang dahil nasamid ako. Hahaha. Umubo ako ng pasimple to clear my throat.

"Go Justine!" Sigaw ng mga kasamahan ko sa trabaho. Nag-thumbs up na lang ako bilang pagtugon.

Tumugtog ulit ang mga banda.

"Okay na ba?" Tanong ng pianista.

"Pakitaas pa po ng konti!" Grabe ang yabang ko! Hahaha.

Tugtog ulit.

"Okay na po. Game! From the top! Hahaha."

Nagulat ako ng biglang namatay lahat ng ilaw ngunit patuloy pa rin sa pagtugtog ang banda, grabeng dilim, pati ang mga tao ay hindi ko marinig at maaninag. Hindi kaya nahimatay ako, bahala na.

Sakto bago bumukas ang bibig ko para kumanta ay bumukas ang isang napakaliwanag na ilaw. Spotlight!

"Wowww. Astig!" Rinig kong sigaw mula sa audience.

Shet! Kinikilabutan ako. Parang gustong mabali ng mga takong ko.

"One.. Two.. Three..." Rinig kong bilang ng pianista sa likuran ko.

There I was alone in the shadow
Couldn't find my way...

Tahimik lang sila. Syempre ako nakapikit, hindi ko alam kung saan ba nanggagaling ang lakas ng loob ko.

Then you came in
And brought along the sunshine
Now you're here to stay

Grabe, parang ginaganahan talaga ako. Feeling ko talaga eh nasa MoA Arena na ako o di kaya'y nasa Araneta Coliseum. Ang liwanag ng spotlight na sa akin ay nakatutok. At ang audience area naman ay nababalot sa kadiliman, tanging ang pwesto ko lamang ang nagliliwanag. Shine na shine talaga ako! Haha.

You make me shine, shine
Like the stars in the heavens
Shine, shine
You keep me shinning through

Rinig ko pa ang mahinang pagsabay ng mga audience sa akin. Hahaha. Parang gusto kong itutok sa kanila ang mic at sumigaw ng 'Kayo naman! Sabay sabay!' Hahaha. Natawa na lang ako sa naiisip ko.

Shine, shine
With the light that you give in, it's true
I'm shinning on, all because of you

Palakpakan ang mga tao. Nakakaloka, ang taas ng tono, kung di ba naman kasi ako baliw eh, dapat hindi ko na pinataasan pa. Hayaan na ngang mapatid ang litid ko kakabirit.

Si Malakas at si Pabebe - BxB (COMPLETED)Where stories live. Discover now