Kabanata 45: Hotter

24 2 0
                                    



Kabanata 45

Hotter

Hindi na kami nakalabas sa bilihan ng mga damit dahil itong lugar and binilinan kong puntahan ni Craigan. Hindi ko inaasahang magagalit siya dahil sa pagiwan ko sa kanya.

Ramdam ko ang pawis sa aking palad habang hawak ang cellphone ni Natalia.

Si Natalia ay kalmado habang tumitingin sa paligid. Habang ako ay hindi makakalma kung kahit saan luminga dahil kinakabahan ako na bumungad sakin ang galit na ekspresyon ni Craigan. Naiisip ko palang ay parang nanginginig na ang sikmura ko.

Kailangan ko magisip ng palusot at paraan para mapawi kaagad ang galit niya.

Umupo ako at tumingin sa labas, may mga taong dumaraan at pinagmamasdan sila sa salamin namamagitan.

"Wala ka bang balak tumingin? Ang gaganda ng mga damit rito. Ako maglilibre sayo wag ka mag alala." Kumindat sakin si Natalia at may hawak na isang hanger mukhang iyon na ang kanyang napili.

"Tumawag kasi si Craigan. Mukhang galit sa akin."


"Ha? Paanong galit? Nagpaalam ka ba o tinakasan mo? Nako mamaya ay pati ako nito malagot!" Sabi niya sabay kuha ng cellphone sa kamay ko. Tiningnan niya iyon ngunit nabura ko na ang text ni Craigan.


"Nagpaalam ako. Nagiwan pa nga ako ng note."


"Nagiwan ng note? Bakit? Dapat kinausap mo ng harapan hindi iyong sa note lang."


Kinagat ko ang aking labi. Ayoko mag bigay kung anong ideya kay Natalia. Inaalala ko palang ay ramdam ko na ang paginit ng aking mukha.


"Mahimbing kasi siyang natutulog kaya hindi ko na inistorbo."


Tumaas ang kilay niya. "Baka naman ay natataranta ka lang. Hindi naman siguro magagalit kaagadd iyon. Nag paalam ka naman kaso gamit ang note. Magpaliwanag ka nalang o kausapin mo ng kalmado para kumalma siya."


Tumango ako. At inabot niya ulit sa akin ang kanyang cellphone. Tiningnan ko iyon, wala naman nag text o tumawag galing kay Craigan. Pinahawak niya lang sa akin iyon.


Pumikit ako ng mariin at kasabay ang pakiramdam kong mariin nakapulupot sa aking bewang. Muntikan ko lang sana mabitiwan ang cellphone ni Natalia kung hindi ko ginamit iyon bilang sa suporta. Napalunok ako at naramdamang may dumapong malambot na bagay sa aking balikat. Dumilat ako at napagtanto na nandito na siya.


"Craig?" Pinilit kong hindi manginig ang aking boses.


"I love you too. If you're going to said that again. Sigaruduhin mong nasa harapan kita. I want to feel your lips while saying you loved me." Naramdaman kong dumapo ang kanyang hininga sa aking leeg. Paano ko masasabi ng paulit ulit na mahal ko siya, kung makahalik siya sa akin ay halos hindi na makawala ang hininga ko. Tono pa kaya ng boses ko?


"I'm sorry. Hindi ako nag paalam ng maayos sayo. A-alam kong pagod ka. Kaya hindi na kita ginising para diretso na yung pahinga mo."


Naramdaman ko ang kanyang umbok sa aking likod. Habang dinadama ang init ng kanyang hininga banda sa aking leeg.


"What did you buy?" Tanong niya sa malamig na tono ngunit mainit ang kanyang hininga.

Pakiramdam ko ay galit o nagtatampo siya. Dahil iniiwasan niya ang dapat pagusapan namin.

"Wala akong binili, sinamahan ko lang si Natalia."

Wala na si Natalia sa paligid. Nakita ko siya kanina dumiretso sa dressing room. Wala naman empleyadong nagiikot kung nasan kami ni Craigan na nanatiling nakayakap sa aking likuran.

The First Kiss of My Last Lover | CompleteWhere stories live. Discover now