Kabanata 14: Magbasa

23 2 0
                                    


Kabanata 14

Magbasa

Malapit na matapos ang aking trabaho. Ilang oras na lang ay makakauwi na ako. Nakakaramdam na ako ng antok, bumabagsak na ang mga mata habang nakaupo sa tapat ng counter. Tumayo ako at kumurap-kurap kung sakaling magising. Luminga linga ako sa paligid para malaman kung may costumer bang tahimik.


Naroon parin sila Craigan. Kasama niya parin si Aria na nakahilig sa upuan. Inaantay ang pagalis ni Craigan ngunit ang mga mata ni Craigan ay nasa laptop lamang.


May tumayong costumer sa tapat ng inuupuan nila Craigan at Aria. Busy pa ang iba kong kasama sa ibang gawain. Kaya't ako ang dumiretso don. Dala ang spray at towel.


Nang nakarating sa mesa. Naramdaman ko ang titig ni Craigan sakin. Hindi ako susulyap ron. May natapong kape sa mesa.


"Craigan! Ano ba! May balak ka pa bang umuwi?" Boses ni Aria iyon.


"Can you just go home? Busy ako, Aria."


Narinig ko ang bahagyang pagtawa ni Aria. "Busy? Busy for what, Craigan? . . . Wow! . . . . Just wow! Ngayon ka lang naging busy! Huh?"


"Please, Aria. Just go home! Kung inaantay mo ako, I'm sorry. Hindi pa ako uuwi."


"What?! I'm so bored right now! Hindi ka man lang nagulat na ako ang unang nangyaya sayo?"


Nalaglag ang panga ko at naramdaman kong bumagsak ang aking panga sa mesang pinupunasan. What the shit? Ibig sabihin, madalas nila ginagawa ang . . . . Yung bagay na iyon? Mas binigalan ko pa ang pag linis sa mesa.




"Could you please be quiet?! Nandito tayo sa labas, Aria!" Mariing bulong ni Craigan.


"Quiet? Bakit? Natatakot ka ba na may makaalam na kagaya mo ay may ganitong ugali?" Hamon ni Aria.


Narinig ko ang marahas na hampas sa mesa nila Craigan. Napatalon ako sa gulat. Nakita ko ang iilang taong lumingon dahil sa ingay na iyon.


"Just wow! Craigan! Ngayon ka pa talagang nahiya! All these years, ngayon mo lang na-realize ha?" Tumawa si Aria.


"Find someone else to play with, Aria. I don't want to play anymore. I want to take . . . . . Someone."

"Someone? Sawa ka na? Sino nanaman ang bagong taste mo? Yung kausap mo sa library nung pumunta ako? Ha?"


What? Wait? What the hell? Ako ba ang tinutukoy ni Aria? Napatigil ako sa paglinis. Paano ako nasali sa usapan nila? Nag lilinis lang ako sa library, at ako lang naman ang tanging tao nandon. Hindi ako sigurado kung saang library, pero ramdam ko na ako iyon. Stop asking yourself, Leanna!


"What the fuck are you talking about? Go home!"


"No, Craigan! Gusto ko makausap ang-"


"Go home, Aria! Please go home!"


"Okay! Fine! You bastard!" Narinig ko ang yapak ni Aria na paalis.


"Fucking hell! Fucking damn it!" Bumuntong hininga ni Craigan.


Napaawang ang bibig ko dahil sa sumbatan nila dalawa. Napalunok ako ng ilang beses. Hindi ko alam na napatigil ako sa pagaayos ng mesa. Nakita ko rin mga tao na nasa kanila ang atensyon. Hindi ko akalain na ganoon sila mag away kapag hindi nagawa ang gusto.



Pinunasan ko ng mabuti ang mesa at lumipat naman sa kabila. Iniiwasan ang mesa ni Craigan. Nag kukunwaring walang narinig tanging trabaho lamang ang focus.


The First Kiss of My Last Lover | CompleteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon