Kabanata 22: Pills

24 2 0
                                    


Kabanata 22

Pills

"Hindi ba ang sabi ko sayo tigilan mo na ang pagtali ng buhok!" Napatalon ako sa boses ni Heloise. Mabuti na lamang hindi ko naitapon ang hawak na kape. Mabilis akong napalingon sa kanya.


Umirap siya sa akin at tinaasan ako ng kilay. Napakurap na lamang ako.


"Nakalimutan ko." Sabi ko at walang balak tanggalin iyon sa kanyang harapan. "Pupunta na ako sa klase ko."


Tumango siya at inubos ko na ang kape. "Tanggalin mo na yan mamaya. Sa Monday na ang voting! So, enjoy your weekend.

"Oh, sa monday na?" Ulit ko at nanlaki ang mga mata.

"Uh yes!" Tumango siya. "Tigilan mo ang pagtali sa buhok. Para iboto ka nila! Magkita tayo mamaya sa old library. Bah bye! Bibili lang ako ng coffee."

"Anong meron sa old library?" Doon ako natigilan. Nang naalala si Craigan lalo na't iyong rason ang nasabi ko sa kanya. Napalunok ako.

"Basta! Punta ka nalang!" Madali akong tinalikuran ni Heloise.

Tumango ako bilang tungon sa kanyang pag alis. Wala akong pasok bukas kaya ang aabalahin ko ay ang trabaho. Hindi ko alam bakit hindi ako kinabahan sa balita ni Heloise tungkol sa voting. Pero doon sa library, doon ako nagtaka. Bakit hindi nalang sa rest room at bakit doon pa? Hindi ko alam, basta susunod na lang ako.

Hindi pa pala kami nag kakaayos ni Craigan. Humingi ako ng pasensya sa kanya, hindi ko alam kung tinanggap niya iyon. Kakausapin ko nalang siya para mag sorry ulit? Hindi ko alam o hayaan na lamang siya.

Nang nakaapak sa loob ng classroom. Si Craigan ang unang nahagip ko. Seryoso ang mukha. Nakatingin siya sa kawalan. Nasa may second row siya nakaupo. Hindi ako makapagdesisyon kung tatabi ba ako o hindi. Wala siyang katabi. Tanging siya sa tatlong bakante. Mas magagalit siya kung tatabi ako doon kaya napagdesisyunan kung sa third row akong uupo, kaharap siya.

May babae akong katabi na seryosong nagbabasa sa libro. Nasa may unang row sa upuan at ako naman ay pangatlo.

"Leanna!" Napalunok ako sa boses ni Jarvis at umupo sa tabi ko. Ngumiti siya sa akin at nilapag niya sa kanyang hita ang kanyang bag.

"Hi!" Ngiti kong pilit.

"Is anything wrong?" Tanong ni Jarvis at kumunot ang noo sa akin.

"Huh? Wala. Bakit?" Nag kibit balikat ako. Ngumiti siya at may nilabas galing bag. Nakita kong inabot niya sa akin ang red rose. Kumunot ang noo ko.

"Pa-para maging . . . Okay ka." Tiningnan ko lang ang isang pulang rose. Leanna, kumalma ka. Wag ka gumawa ng gulo sa classroom. Ilang beses kong sinabi bago uminit ang ulo ko.

"Uhm . . . Salamat pero hindi ko kailangan niyan." Ngiti ko.

Ngumuwi siya at tumango. "Ganoon ba?" Yumuko siya at inilapag ang bag sa sahig. Huminga ako ng malalim.

"Wala akong hilig sa mga lalaki. Kaibigan lang." Sabi ko sa kanya. Binalik niya na lamang ang rose sa bag niya.

Alam kong naririnig iyon Craigan. Pero hindi siya lumingon. Bakit naman siya lilingon kung alam niyang ako naman iyon. Naiinis siya sakin. Kasalanan ko rin naman iyon.

"May boyfriend ka na ba?" Disappointed ang tono ni Jarvis nang tinanong iyon.

Tumango ako. "Wala. Wala rin akong balak magkaroon."

The First Kiss of My Last Lover | CompleteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon