Kabanata 23: Timbre

23 2 0
                                    



Kabanata 23

Timbre

Natapos ang pangtalong klase na puno ako ng iritasyon. Bukod kina Craigan at Jarvis may mga iba't ibang uri pa ng bulaklak ang inaabot sa akin. Pero lahat ng iyon ay tinanggihan ko. Alam kong disappointed sila sa lagi kong ginagawa. Pero wala sila magagawa dahil ayoko.

"Leanna bakit halos lahat siguro ay parang tinatanggihan mo?" Panghihinayang ni Aljaee.

Huminga ako ng malalim.

"Basta ayoko." Wala sa sarili kong sabi sa kanya.

"Ayaw mo? Halos lahat ng mga kasama mo ay tinatanggap iyon! Pero ikaw, hindi!"

Nag aayos na ako ng mga gamit sa harapan ng locker. Lahat ng mga gamit na hindi ko magagamit ay binalik sa loob at si Aljaee naman ngayon ay nangungulit sa akin.

"Naiinis kasi ako kapag may nakikita ganong bagay. Basta! Tinatanggap naman ng iba diba? Mabuti na rin iyon para hindi masayang!" Dahilan ko.


"What? Naalala mo ba yung Ex mo? Kaya ka naiirita? God! Dagdag sa vote iyon kung pinapakita mong gusto mo rin sila." Aniya sabay kunwaring sasabunutan ang kanyang sarili.


"Wala akong Ex. Wala rin ako balak mag karoon. At kung ipakita kong gusto ko sila, paano kung hindi na nila ako tigilan? Ayoko mapaasa ng tao kaya iyon nalang ang tangi kong ginagawa. Wala naman mali don. Ang mali ay pinaglaruan ko sila."

"Walang mali para dumami ang voting!" Mariin niyang bulong. "Kapag nakita nila tumatanggap ka. Masasayahan sila sa ugali mo, then. Hindi na sila lilingon sa iba pa dahil nakita nila na ikaw yung perfect para sa kanila!"

Umirap na lang ako. "Hayaan mo sila. Nasa kanila naman ang desisyon."

Sinabi kasi kanina ni Miss Lacerda ang tungkol sa voting nang natapos ang pangalawang klase. Pina-alam lamang ang mga napili at sa lunes pa ang botohan. Hindi ko alam kung saan nang gagaling ang mga inaabot nilang rosas. Haloween na ba ngayon?

Puro irap na nalang si Aljaee sa akin habang hinahalungkat ko ang bag. Nasaan ba yung pills na inabot niya. Nang nakuha ko iyon, binuksan ko ang zipper sa loob ng bag at doon siniksik yung box ng pills. Baka mamaya ay magtaka si Natalia sa akin kung bakit may ganon ako.

"K! Fine! Nandiyan na boyfriend ko. Yung sinabi ko, gawin mo!" Tinalikuran na ako ni Aljaee at lumapit sa hindi pamilyar na lalaki.

Hindi ko alam kung susundin ko ba ang kanyang sinabi. Hindi niya kasi naiintindihan. Kasi siya may boyfriend at ako ay wala. Nasanay na ako naa wala umaabot sa akin, except sa mga kaibigan kong mga babae. Nakakakilabot kasi kapag yung hindi mo kilalang o kahit kilala mo na ay bigla ka nalang aabutan ng bulaklak. Parang bigla ka nalang magugulat sa inaasta nila. Basta! Hindi ko tatanggapin iyon. Hayaan ko sila kung ano ang gusto nilang isipin.

Natapos ko na ang huli kong klase. Natapos na wala man lang nakakausap. Kahit si Craigan ay hindi na ako pinapansin. Hawak niya lang magdamag ang white roses na sana ay iaabot sakin.

"Leanna. Sa monday, pilitin mo tumanggap kung gusto mo makasali. Sayang yung offer." Bilin ni Aljaee nang nakalabas na ako sa silid.

Tama siya. Kailangan ko nga tanggapin iyon. Dahil masasayang lang yung offer. Pipilitin ko na wala sakin iyon.


Naglalakad ako sa hallway na nakayuko. Hawak ang bag, hindi nakatali ang buhok ko. Dahil sawang sawa na ako pagsabihan ni Heloise.

Nang nakarating sa main gate ng school, kung saan nag sisilabasan na ang iilang kotse. Nakita ko si Craigan na nakaupo sa khaki bench magisa. Nakayuko at nakadekwatro ng upo. Merong puno matuwid na nakatayo sa kanyang likod. Sa bawat hampas ng hangin ay nalalagas ang damo. Pinagmamasdan ko siya, alam kong di niya ako makikita dito. May kinuha niya sa gilid niya, napagtanto kong puting rose iyon. Iniikot niya ang roses, pagod niya iyon tiningnan. Hinawakan niya ang isang petal at inuhulog iyon sa sahig ng isa-isa. Nahahampas iyon ng hangin, ang bawat petal ay nasasalubong sa mga paa ko. Pero nakatuon ako sa kanya. Tumingala siya ng ilang sandali at yumuko ulit. Binato niya ang rose na may iilang petal pa doon. Luminga siya at madali ko iniba ang diretsyon ng aking paningin.

The First Kiss of My Last Lover | CompleteWhere stories live. Discover now