Kabanata 13: Take

26 3 0
                                    


Kabanata 13

Take

Humiga ako sa kama at pinasadahan ng tingin ang orasan. Inantay ang oras ng trabaho. Hindi ako inaantok dahil madalas tumatama ang aking antok ng one A.M ng umaga.


Wala pa si Natalia kaya mag isa ako sa kwarto, tulala sa orasan. Nilabhan ko ang uniform kahit walang sigaruduhang matutuyo iyon bukas.


May kumatok sa pinto. Bumungon kaagad ako para pagbuksan iyon ngunit siya na nauna ng nakabukas. Nakita ko si Natalia na pula ang labi at may puting bilog na hikaw sa magkabilang tainga. Dire diretso siya pumasok at isinara ang pinto. Niyakap niya ako ng saglit at kumalas kaagad. May dala siyang paper bag at dumiretso sa kama ko.

Kumunot ang noo ko dahil nagtataka kung saan galing ang mga inuuwi niyang gamit.


"Sabi na nga e! Nakauwi ka na! Kamusta yung school?" Tanong ni Natalia, nanatili ako nakatayo sa tapat ng pinto.

"Okay naman. Nag aantay ako ng oras para makapagtrabaho na."

"Oh?" Natigilan siya. Inilapag niya sa kama ko ang ang dala. "Hindi ka pa pagod?"

Umiling ako. "Kaya ko pa naman." Umupo na din ako sa kama. "Saan galing yan?"

"Huh? Syempre sakin. Wait! May ibibigay ako sayo! Alam kong magugustuhan mo 'to." Madaling madali niya hinalungkat ang malaking paper bag. Wala akong ideya kung ano ang laman non.

May inilabas siyang dalawang plastik at inilapag iyon sa hita ko. Nakita ko ang pink na sando at maikling na blue shorts. Nalaglag ang panga ko at bumaling kaagad sa kanya.


"P-para saan 'to?" Nagtataka kong tanong. Hindi ko alam bakit niya nanaman ako binigyan ng gamit.


"Leanna! Luma na mga damit . . . Natin! H'wag mong sabihin na tinatanggihan mo iyan." Tumawa siya.


Tiningnan ko lamang nasa hita ko. "Natalia okay pa naman yung mga damit ko. Kaya ko pa pag tiyagaan iyon. Inuhin mo amg sarili mo kaysa-"


Tumikhim si Natalia kaya napatigil ako. "Mag pinsan tayo kaya dapat magtulungan. At simpleng bagay lang naman iyan. Hindi bagay sayo ang lumang damit!"


Umiling ako. Sobrang sobra na ang binibigay ni Natalia sakin. Hindi ko alam kung ano mababalik ko sa kanya. Pasalamat na lamang ako na mabait si Natalia at hindi siya nagmana sa kanyang ina.

Kahit anong pilit ko na ibalik iyon sa kanya, iisang dahilan lamang ang kanyang ibinibigay sakin na 'mag pinsan kami' sa totoo, hiyang hiya na ako sa kanya.


"Huli na 'to ang pagbibigay mo ng gamit. May trabaho rin naman ako."


"Argh! Ayaw ko kasi na ako lang ang may bagong gamit. You know, para na rin kitang kapatid." Ngumiti siya.


Buong buhay ko siya lang ang tanging kasama ko. Laging kakampi, laging nag tutulungan. Kaya kapatid na rin ang turing ko sa kanya.


Nag ayos ako ng saglit at sinuot ko ang white buttoned down shirt at blue jeans. Nang hiram ako kay Natalia ng jacket. Pinahiram niya din ako. Dahil maglalakad lamang ako patungo sa trabaho, para hindi ako ginawin.


Nakaupo si Natalia sa upuan. Pinapanood akong nag aayos. Ilang minuto bago yung oras ko. Masyado akong maaga nag ayos, dahil ayoko mag gastos ng masasakyan.


"Oh my god! Ang ganda mo sa suot na yan!" Lumapit si Natalia at hinaplos ang buhok ko. Tumingin rin sa salamin habang nag lalagay ng kaunting lipstick.


The First Kiss of My Last Lover | CompleteWhere stories live. Discover now