Kabanata 4: Burger

27 2 0
                                    



Kabanata 4

Burger

Sa basketball court nalang ang pinili kong mag tambay. Nakaupo sa upuan. Nanonood sa nag lalaro. Meron din nakaupo ngunit kakaunti lang. Meron roof ang court kaya hindi mainit dito tumambay.

Kinuha ko ang aking notebook. Dito nalang ako mag sasagot dahil tahimik pa. Naririnig ko ang pagdribol ng bola. Sa pangalawang row lang ako ng court. Pula din ang mga bench. Merong tao din sa ka row kaso mas malayo sa akin.

Yumuko ako at may takas na buhok pumunta sa aking harap. Suminghap ako at tinanggal ang tali. Nilugay ko ang aking buhok, nanatiling nakayuko. Binabasa ang mga tanong sa notebook.

Narinig ko ang pagtigil ng dribol. Tiningnan ko ang aking harapan. Nakita ko sila nakatingin sa akin. Natigilan ako at biglang kinabahan. Lumingon ako sa aking likod ngunit walang tao ako lang nakaupo sa pwestong ito.

Lumunok ako at umiwas sa limang lalaking pinagtitignan ako. Tinali ko muli ang aking buhok, ginawa ulit na ponytail. Saka itinuloy ang pagsulat.

Tiningnan ko ulit ang aking harapan. Nakaupo sila doon at nakitang nagbubulungan at nag tatawanan habang sinusulyapan ako. Kumunot naman ang noo ko sa kanila.

Hindi ko alam kung ano iyon o may iba silang pinaguusapan. At yung feeling ko lahat sila ay nakatingin sa akin, lagi ako pinagmamasdan, pinaguusapan. Hindi ko alam, pero iyon ang nararamdaman ko.

Siguro dahil sa inis ko kay Craigan na may kababalaghan nangayayre kapag kasama ko siya. Gusto siyang iwasan ngunit lagi siyang sumusunod sa akin. At yung mata niya, tuwing nakikita ko na may salamin siya. Naalala ko.

Pumikit ako ng mariin at pinilig ko ang aking ulo. Meron pa ako ilang minuto para sa susunod na klase. Wala akong cellphone o relo para malaman ang oras. Siguro malalalam ko nalang dito kapag umalis na ang iilang estudyante. Hindi lang ako sigurado.

Tapos ko na sagutin ang unang tanong. Binasa ko muli ang pangawala. Hindi ako makapagisip ng sagot. Huminga ako ng malalim, tumingin sa paligid kasabay ang pagtapik ng pen sa aking ulo. Kung sakali may pumasok sa isipan ko ang sagot.

Nakita ko ang lalaki na nag papalit na ng kanilang jersey. May dumating din na tatlong lalaki at nag agawan ng bola. Merong apat na nakaupo sa gilid, pinagmamasdan sila. Ngunit ang isa doon sa akin ay nakatingin, hindi ako siguro kung sa akin.

Tumayo yung nakatingin sa akin. Tinapik pa ng isang lalaki ang kanyang paa. Hindi niya iyon pinansin. Umambang pupunta sa pwesto ko, tumigil kaagad siya at parang may nakita kung ano sa likod ko.

Lumingon ako. Halos mapatalon at muntik na mabitiwan ang pen saka notebook nang nakita ko siya. May hawak siyang paperbag sa kanang kamay sa kaliwa naman ay papercup. Merong nakapulupot sa kanyang leeg at nakita ang itim na camera sa puson niya.

Gusto kong umirap, ngunit hindi ko magawa dahil makatingin siya sa aking mga mata. Umupo siya at inilapag sa tabi ko ang kanyang hawak.

"Dito ka, kakain?" Tanong ko.

Kinuha niya ang paperbag. Binuksan at naamoy ko kaagad ang burger. Bigla ako nakaramdam ng gutom, lumunok ako.

"Yeah! Sabay tayo." Kinuha niya ang isang piraso na nakabalot ng plastik, tinaggal niya iyon at kumagat doon. Humarap siya sa mga nag lalaro.

Pinagmasdan ko siya. Nakuha ng atensyon ng aking mga mata ang kanyang panga. Bawat pag nguya niya. Hindi ko maiwasan tingnan, dahil perpekto nito at sa pantay ng guhit.

"Ayaw mo?" Bigla siyang bumaling sa akin. Umiwas kaagad ko ng tingin. Paano ako makakasulat ng maayos nito, kung katabi ko siya?

Hindi ko siya pinansin at yumuko muli. Binasa ng isang beses ang tanong.

The First Kiss of My Last Lover | CompleteWhere stories live. Discover now