Kabanata 41: Only

24 2 0
                                    


Kabanata 41

Only

Iniisip ko parin ang mga sinabi sa akin ni Aria, pakiramdam ko ay alam niya na ang tungkol sa amin ni Craigan. Ngunit ayaw niya akong diretsuhin. Hindi ako sigurado, dahil inamin ko namang sa kanyang harapan na wala akong boyfriend.

Tahimik lang akong nakaupo sa labas ng school, iniisip ang bagay na iyon.

"Hoy Leanna, kanina ka pa tulala!" Napakurap ako at nawala ang aking iniisip ng kinalabit ni Natalia ang aking braso. Halos makalimutan ko na kasama ko pala siya.

"Sorry. Ano iyon?"

"Ang tanong ko, kung kamusta na sina Lola, kamusta na yung bahay?"

"Okay naman sila. Pati yung bahay, buo parin."

"Mukhang may pinoproblema ka ha? Saan ka na pala nakatira ngayon? Sinagot mo na ba si Craigan o tuluyang mo na talagang binusted?"

Napangiti ako nang narinig ang pangalan ni Craigan.

"Sagutin mo! Ano? Kayo na?" Niyugyug ni Natalia ang balikat ko.

"Oo sinagot ko na siya. Nakatira ako pasamantala sa condo niya." Sagot ko.

"Shit! Hindi ako makapaniwalang may boyfriend ka na rin ha? Matagal ka pala bago mainlove sa isang tao? Bakit pasamantala? Ayaw mo ba don? Boyfriend mo naman siya?"

"Hindi naman kami mag asawa. At babalik ako sa tinatrabuhan ko at mag rerenta ako ng dorm rito."

"Leanna, madadag lang iyon sa gastusin mo. Iyan ang rason mo para lang di tumira don? Ang baba naman. Mas okay don, wala ka na gagastusin, tanging pag aaral mo nalang."

Bumuntong hininga ako. "Ang totoo kasi, binayaran na ni Craigan ang lahat ng bayaran ko dito sa paaralan. Di ko alam na ginawa niya iyon."

"Anong problema don? At least ay kaunti nalang problema mo. Pangkain mo nalang, pero alam ko namang pinapakain ka non." Tumawa siya. "Baka inaway mo iyon dahil sa ginawa niya?"

"Hindi na rin ako nakipagtalo, wala na rin naman akong laban kapag gusto niya talaga gawin iyon."

"Maswerte ka dahil nadagdagan ang nagmamahal sayo. Kaya wag ka na maroblema ng ibang bagay."


Ngumiti ako. "Kamusta na kayo ni tita don? Okay naman kayo? Ikaw, may trabaho ka na ba?"

"Ganoon parin. Madalas umiinom si mama. Nakahanap na rin ako ng trabaho, waitress sa isang fast food. Syempre naghahanap parin ako ng mas mabuti don."

"Masaya ako na may mabuti ka na ring trabaho. Pupuntahan ko lang si Craigan, sabihin kong nandito ka na."

"Leanna, pasensya na. Hindi na ako magtatagal. May trabaho pa kasi."

"Ayos lang. Mag ingat ka." Niyakap niya muna ako bago ako tuluyang dumiretso sa old library para sunduin si Craigan.


Parang palaging walang dumadaan dito sa hallway na 'to, kung saan patungo ang old library. Mabilis akong pumasok sa loob, natattkot na baka mahuli ako.

"Craigan?" Tawag ko na hindi gaanong malakas.

Tuloy lang ako sa paglalakad, nang may biglang humawak sa aking likod kaya ako napasandal sa shelves. Halos hampasin ko si Craigan sa kanyang ginawa dahil sa nabigla ako. Nakita kong gusto niya matawa ngunit ngumisi lang siya.

"Umuwi na tayo, nagmadali na si-" bigla niyang hinalikan ang aking labi, nanlaki ang aking mata. Sa kanya ay unting unting bumagsak at pumikit.

Pumikit ako para mas madama ang kanyang labi. Hinawakan ko ang kanyang batok para mas dumiin ang kanyang halik sa akin.

The First Kiss of My Last Lover | CompleteWhere stories live. Discover now