Kabanata 1: Craigan

54 2 1
                                    

Kabanata 1

Craigan

Ang desisyon muna akong umuwi. Nilakad ko lamang papunta sa bahay. Ayaw kong mag gastos kahit kaya naman ng mga paa ko.

Naroon parin sila tita sa salas na naglalaro parin. Pero iba na ang kanyang kasama na parang ngayon ko lamang iyon nakita. Dire diretso akong pumasok sa loob.

"Kamusta enrollment, ano nakahabol?" Tanong ni tita Nira nang nagpatalon sa akin sa bigla niyang sinabi. Bumaling ako sa kanya, ni hindi niya man lang ako nililingon.

"Nakahabol naman po. Bukas na din ang simula ng klase." Simple kong sinabi.

Bumaling siya sa akin. Nakatingin sa hawak kong plastik bag. Tumaas ang isang kilay niya, hindi ko alam kung bakit.

"Nasaan ang ang ibang gamit mo?"

Nanginig ang labi ko. "Hindi pa ako nakakabili. Pero maghahanap ako mamaya ng trabaho, mamayang tanghali."

"Sus! Maghanap ka na talaga. Sana kayanin mo ang bayaran roon. Dami mong arte! May kolehiyo naman doon sa atin, bakit hindi ka nalang umuwi ngayon?"

Lumunok ako. Oo may kolehiyo roon. Pero mas gusto rito, gusto rin maranasan dito sa maynila. Gustong gusto. Kahit ngayon lang.

Hindi ko pinansin si tita at dumiretso na sa hagdaan para mag ayos. Hinayaan niya naman akong talikuran siya at mas mabuti kung ganoon.

Pumasok ako sa loob ng kwarto at naroon si Natalia sa taas ng bunk wooden bed na nakatalikod sa pintuan na tinatayuan ko, napagtanto kong natutulog nga siya nang hindi niya ako nilingon sa pinto.

Umupo ako sa ibaba ng kama. Nag iisip kung saan banda dito mag hahanap. Isang linggo palang kami dito. Hindi ko pa naiikot ang buong siyudad ng maynila.

Humiga ako ng sandali. Nag iisip pa rin. Kahit anong trabaho nalang ang papasukan ko, hanggang sa makaipon. Hindi naman mali ang desisyon ko na; pumasok sa malaking eskuwelahan hindi ba?

Tumayo na ako sa kama. Nag sasayang lamang ako ng oras. Walang mangyayare kung manatili akong nakahiga. Hindi na ako nag palit ng damit, malinis parin naman ito at hindi pa madumi kahit papano.

Napagtanto kong hindi pa pala ako kumakain. Hindi ko alam kung may tirang pagkain, hindi ko din alam. Humarap ako sa salamin, naging magulo ang buhok dahil sa paghiga kanina.

Nakita ko sa reflection ang pag galaw ni Natalia habang nakatalikod parin. Bigla siya humarap, magulo ang kanyang buhok, long eyelashes, with thin arms and thin legs.

Habang ako, dark eyes, long eyelashes, messy black hair and pale lips. Nag lagay ako ng lipstick, pink lipstick.

"Morning!" Dumapa siya sa kanyang kama at nanonood sa akin.

"Tanghali na!" Sabi ko at inilagay ang lipstick sa bulsa.

"Nakapag enroll ka?"

Bumaling ako sa kanya. "Oo, hindi nga lang ako nakabili pa ng libro. Kailangan ko pang ipunin."

Bumuntong hininga ako.

"Paano yung mga notebooks?"

"Kaunti lang naman yung sulat, dinala ko rin yung mga dati kong notebook, iyon nalang ang gagamitin ko."

Umupo ako sa platik chair at humarap sa kanya. Bumaba siya sa itaas ng kama na may wooden ladder. Dumiretso siya sa kama ko at doon umupo.

"Pangarap mo talaga yan, no?" Suminghap siya. "Gusto kita tulungan sa pagaaral mo, para dadag sa ipon."

Nanlaki ang mata ko at umiling kaagad. "Salamat. Hindi mo na kailangan gawin iyon. Kailangan mo rin ng pera, kaya ko ang sarili ko." Ilang beses kong rason sa kanya, para tigilan ang pag pipilit niyang tumulong sa akin.

The First Kiss of My Last Lover | CompleteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon