Kabanata 62: Sinungaling

12 2 0
                                    



Kabanata 62

Sinungaling

"Leanna?" Tawag ni mama sa may tapat nang pinto. Marahas ko lamang yung sinara hindi na-lock.

Bumuga ako nang hininga at nawala ang pagkatahimik nang aking isipan.

"Ma please! Kung paguusapan natin tungkol kay Craigan . . . please wag ngayon . . . o mas mabuting kalimutan niyo ang pangalan na yon please!"

Kumatok si mama sabay tulak sa pinto. Hindi ko siya sinulyapan. "Anak hindi. I know you broke up with your boyfriend. Your dad . . . didn't mean to offend him—"

"You judge him." Sabi ko.

"I know. I know. Alam kong nasa tamang edad ka na para magkagusto. Embes pagaanin namin ang loob mo, mas pinili namin sisihin ka. I'm sorry."

"You didn't blame me! Si Craigan 'ho ang sinisisi niyo."

"Emerson look what you did. Galit siya sa atin. Kausapin mo siya. Inuuna mo ang galit mo, akala mo tama ang nahuhula mong mangyayare."

"Okay! It's my fault! Dahil ayaw ko siyang makitang nasasaktan! Ayaw kong makitang nasasaktan kayo." narinig ko ang pagdabog na hakbang sa hagdan at pagsara nang pinto ni mama.

Pati sina mama ay nagaway narin. Hindi ko na alam kung ano gagawin ko. Bakit ako naiinsulto sa sinasabi nila tungkol kay Craigan? Bakit ko siya pinaglaban kung sumuko naman siya na mahalin na ako. Harapan at klaro niyang sinabi yon sakin na talagang papasok sa utak ko.

Dapat pumasok nalang ako kaysa makita sila nagaaway nang dahil sakin. Magpalit ako ng damit at kinuha ang shoulder bag. Nag desisyon na dalawin si Lola sa bagong tirahan nina Natalia. Basag pala ang cellphone ko kaya hindi ko mapapaalam na pupunta ako sa kanila.

"Ms Leanna saan kayo pupunta?" harang ng bodyguard sakin.

"Dadalawin ko si Lola at ang pinsan ko. Hindi ako pupunta mag-isa, magpapahatid ako sa inyo." tumango siya at pinasakay sa sasakyan.

Bumaba ako ng sasakyan. Nakitang bukas ang pinto. May gate na harang bago tuluyang makapasok. Nagdoorbell ako na nasa gilid lang. Lumabas si Natalia at nagmadaling pinagbuksan ako ng gate. Niyakap niya ako kaagad. Bago na ang tirahan nila, at sila rin nagaalaga ngayon kay Lola.

"Biglaan naman ang punta mo? Hindi ka man lang tumawag."

"Nasira kasi cellphone ko. Hindi na ako nakapagpaalam." Di-diretso na siya sa trabaho dahil nakasuot na niya ng uniforme.

"Papasok na ako sa trabaho. Kung alam ko lang sana hindi na ako nagaayos."

"Bakit naman? Ayos lang naman sakin, kailangan mo magtrabaho."

"Nandito kasi si mama. Baka hindi kayo magkasunduan sa loob. Wala ako dito."

"Wala mangyayare. Ako bahala. Titiisin ko, sadya ko talaga dito ikaw at si Lola." sabi ko.

Tumango siya. "Papasok na ako. Bye."

Tinanggal ko yung suot na sapatos bago humakbang papasok sa loob. Nakaupo si Lola sa wheelchair, naririnig ko sa paligid ang mga lumang kanta. Kaharap niya yon, pinapakinggan.

"Lola!" Mahina kong sabi at lumuhod sa harap. Hinawakan ko ang kanyang kamay, hindi bumaba ang tingin niya at sa radyo parin nakatingin. Hininaan ko nang kaunti ang kanta at hinarap siya. Kumunot ang noo niya dahil sa ginawa ko.

"Lola! Si Leanna 'to! Yung apo niyo na iniisip noon na maging model." nakangiti kong sabi.

"Leanna? Model? Ano yon?"

Nanghina ang tibok ng puso ko. "Yung tinuturing niyong anak noon, La?"

"Wala akong anak. Di kita kilala." sabi ni Lola at pilit inaabot ang radyo para ibalik ang lakas. Inabot ko sa kanya at pinalakasan.

The First Kiss of My Last Lover | CompleteWhere stories live. Discover now