Kabanata 3: Sorry

26 2 0
                                    


Kabanata 3

Sorry

Umupo ako sa labas ng hallway. Pinagtitignan ako ng iilang estudyanteng lumalabas. Siguro nag tataka sila bakit mas pinili kong umiyak kesa sa matuto!

Hindi ko akalain na mas matindi pa pala ang guro dito desa doon sa amin dati. Pununasan ko ang mga luha sa aking pisge.

Nakakatawa, nakakatawa dahil iniiyakan ko na hindi ako nakapasok sa unang klase. Siguro kung hindi ako ang pinalabas, ay hindi mag iiyak rito, baka ang pakiramdam nila ay parang nanalo sa lotto.

Tumayo na ako at pinagpag ang uniform. Mabuti nalang hindi nabasa ang aking suot. Pero meron iilang tulo nang dahil sa luha.

Papasok na lang ako sa susunod kong klase kesa sa tumambay dito ako mag damag. Sayang lang ang pinaghirapan ko kung gagawin ko iyon.

Kinuha ko muli sa bulsa ang papel. Hindi ko kabisado ang mga susunod kong klase kaya lagi ito nasa bulsa ko. Sasunod ay tatandaan ko na ang mga ito.

Isang klase nalang ay pagkatapos ay sa canteen na ang diretso namin. Ito na yata ang pinakamalas na unang pasok ko sa buong buhay!

Nagsimula na ako maglakad sa hallway. Ilang hakbang lamang patungo sa isang silid kung saan ako pinalabas. Kasabay noon ang paglabas ng iilang estudyante.

Mas binilisan kong mag lakad hanggang sa nag tungo sa susunod na klase. Ako ang unang nakarating doon, umupo ako sa dulong kanan. Nakita ko sa gilid ng aking mga mata ang pagpasok nila, hindi ako sumusulyap roon.

May tumabi sa aking babae kaya nakahinga ako ng malalim.

"Leanna!" Narinig ko ang tawag galing kung saan. Hindi ko iyon pinansin, kinuha ko ang scheduled. Kunwaring may binabasa kung ano roon.

Narinig ko muli ang ingayan muli nang dahil sa paglipat at pagupo ng upuan. Hindi ko nililingon kung sino man ang katabi ko, nanatili akong tahimik.

"Hey, miss. Can we change a seat?"

Nalaglag ang panga ko nang nalaman na sino iyon. Kita ko sa gilid ng aking mga mata. Sumulyap ako roon, nakaupo siya at pumapagitna sa amin ang babae na hindi ko kilala.

"Sige..." Hindi nag dadalawang isip na sinabi ng babae. Tumayo kaagad siya pati si Craigan. Umupo kaagad si Craigan at tumayo ako para itulak ang upuan palayo sa kanya.

Umupo muli ako, hindi na muli siya tiningnan. "Sorry..." Narinig kong bulong siya. "S-sa akin ka ba. . . Mmm . . . Galit?"

"Baka sa guro ako galit." Yumuko ulit ako.

"I already said, I'm sorry. H-hindi na kita kakausapin-"

"Mabuti naman."

"I mean, kapag nandito tayo sa classroom-"

"Anong tawag diyan? Kumakanta ka ngayon?" Hindi ko parin siya tinitingnan.

"What a girl." Marahan siyang humalakhak. Bumaling ako sa kanya at doon humupa ang kanyang tawa. "Alright. Okay, sorry again. Hindi kita kakausapin dito-"

"Mag hanap ka nalang ng iba mong kausap." Nanlaki ang kanyang mata at tumawa muli. Kumunot ang noo ko at umirap.

"Sorry-Wait. Why are your eyes so red?" Umiwas kaagad ako ng tingin. "You cried? Bakit ka umiyak?"

Hindi na ako bumaling sa kanya. Yumuko muli. Hindi ko alam na namumula pa pala ang mga mata ko. Hindi ko siya pinansin, nanatili ulit ang mga mata sa papel.

The First Kiss of My Last Lover | CompleteWhere stories live. Discover now