Kabanata 38: Thought

18 2 0
                                    



Kabanata 38

Thought

Hanggang sa nakauwi ay iniisip ko parin ang tungkol sa pag-aaral. Alam kong wala na dapat ako problemahin don, hindi lang ako nakapaniwalang ginawa ni Craigan iyon kahit hindi pa kami. Kahit kami ay hindi ko siya papayagan gawin iyon kapag alam kong iyon ang kanyang plano. Ngunit mahirap siya pigilan, dahil kapag gusto niya talaga gawin ay magagawa niya sa isang desisyon niya lamang.

Babayaran ko iyon sa kanya, sa ayaw't at gusto niya. Alam kong pwede niya pag initan ng ulo iyon, ngunit kapag ako nagalit hindi ko alam kung sasabayan niya ba ako.

"Leanna are you going with me?" Pa ulit-ulit niyang tanong, nakaupo siya sa kama. Kakatapos niya lamang maligo, hindi pa siya nag bibihis. Nakatualya lang. "Pwede kang sumama sa akin, doon ka na mag aral."

"Craig, alam ko. Mag iipon muna ako para pag dating don ay may matirhan na kaagad ako. At hindi pa tapos ang usapan tungkol sa pag aaral ko."

Kailangan ko kalmahin ang usapan. Ayoko palakihin iyon, dahil hindi naman ganon ka tindi ang ginawa niya pero mali parin iyon sa akin.

"Then, you can live with me."

Umirap ako. "Hindi tayo mag asawa, at ayaw kong may kasama." Lalo na't ikaw na bigla nalang ako susugurin.

"Ayaw ako kasama? Pero palaging magkatabi sa kama? Natatakot ka ba sakin?" Tumayo siya, galit na ang ekspresyon.


Mabilis akong umiling. Hindi ko alam kung ano pa ilalabas ng aking labi. Wala na akong masabing dahilan. Parang halos lahat ay nasabi ko ngunit hindi gumana sa kanya.


"Matulog na tayo. Pagod tayo sa laro at hindi tayo magkakaintindihan parehas dahil pagod tayo." Sabi ko para tapusin ang usapan.


"Leanna, isang hindi at iling mo lang kaya ko pumigil. Kaya ko mag pigil kapag ayaw mo. Sawayin mo lang ako, titigil kaagad ako. Kung ayaw mo halikan kita, umiling ka lang." kinagat niya ang kanyang labi. "Hindi ako basta-basta papasok ng walang permiso sayo, Leanna." Ngumisi siya at napagtanto ko na hindi niya kaya mag seryoso sa usapan namin.

Hinawakan niya ang aking bewang at umiling kaagad ako. Kumunot ang kanyang noo. "Kung ayaw mo tumira sa matataas na lugar. Bibili tayo ng bahay, bibilhan kita basta sumama ka lang sakin pag uwi. Hindi ako mag aaral kapag di ka kasama."


"Mas lalo akong hindi sasama kapag bumili ka ng bahay." Pumikit ako ng mariin, dahil sa mapupungay niyang mata. Pinapaamo ang nararamdaman ko. "Sige, Craig. Sasama ako, pero pasamantala lang ako titira sa condo mo."

Dumilat ako at nanlaki ang kanyang mata. Mabilis siyang tumango. "Damn. I know you can't live without me huh?" Sabi niya at mabilis hinaplos ang kanyang labi ang aking labi, mabilis na halik at tinalikuran niya kaagad ako.


Susundan ko sana ngunit nag tungo siya sa likod ng kabinet at nakita kong binaksak niya ang tualya. Shit! Wala na ako nagawa kundi tumalikod na rin don. Hindi ko alam bakit dito pa siya mismo sa kwarto ko nag bihis at hindi na nag bihis sa banyo.

Kinabukasan hindi ako inaga ng gising. Wala na ako katabi at si Craigan pa ang nauna sa akin. Tinanggal ko ang kumot saking katawan, bumungad sa akin ang kanyang bagahe na nasa gilid at ang mga gamit niyang nasa kama kong inaayos. Napagtanto ko na kailangan ko na rin ayusin ang mga gamit ko.


Mas pinili kong lumabas at hanapin siya. Nang umapak ako sa sala ay nakita ko siya sa labas na hawak ang isang tangkay na may dalawang mangga nakasabit. May kinakain pa siyang isa, nakatagilid siya sakin at tanging shorts lamang ang kanyang suot. Talagang hindi niya hilig mag suot ng damit kapag nasa loob lang siya huh?


The First Kiss of My Last Lover | CompleteWhere stories live. Discover now