Kabanata 16: Lakas

18 2 0
                                    


Kabanata 16

Lakas

Umupo si Craigan sa mesa dala ang tray sa harapan ko. Iritado ang kanyang ekspresyon. Wala naman ako masamang binanggit kanina.


"Leanna!" Narinig kong tawag sakin ng pamilyar na tono. Luminga kaagad ako at nakita si Jarvis na basang basa ng pawis. Nakahubad na siya ngayon, hindi ko maiwasang tingnan ang kanyang katawan. Pero naalala ko ang katawan ni Craigan, mas makisig pa kaysa sa kanya.


"Jarvis! A-akala ko absent ka kanina." Umangat ako ng tingin sa kanya. Ngayon ko lang na-realize kanina pa ako nakatingin don.


Ngumisi siya. "Hinanap mo ako?"


"May gusto siya itanong. Hindi ka niya hinanap." Mariing singit ni Craigan sa amin. Napalunok ako dahil sa kanyang tono kaya sumulyap ako sa kanya. Namumula ang kanyang labi, hindi ko alam kung saan siya nakatingin. Sa likod ko o sa akin?


Mabilis akong sumagot bago pa mag bangayan ang dalawa. "Oo. Napansin ko lang na wala ka . . . " wala ako maisip na rason dahil kanina pa nga ako kinakabahan! Naiinis na ako! "Kaya nagtaka lang ako." Ngiti ko.


"Woo . . . Thanks! Ngayon ko lang naramdaman na may naghahanap sakin." Kinindatan ako ni Jarvis. Yumuko ako para ubusin na ang kinakain.


Narinig ko ang mariing bahagyang pagtawa ni Craigan. "Don't expect too much . . ."Kinuha ni Craigan ang tinidor at tinutusok tusok sa kinakaing steak. "Speed . . . Kill."


"Slow . . . Ly . . . Kill." Mariing sabi ni Jarvis.


Bumuntong hininga ako at tumikhim. Ayaw kong may gulong mangyare sa harapan ko.


"Kumain na tayo. Ikaw, Jarvis. Kumain ka na rin baka may training ka pa mamaya."


"Yes. Leanna. You're right. Kailangan na talaga kumain, dahil . . . Baka huling kain niya na 'to."

"Dude. Bakit ang laki ng problema mo sakin?"

Umangat ng tingin sa kanya si Craigan. Ibinagsak ang hawak. Marahas siyang tumayo. Napatayo rin ako.

"Dude! Baka nakalimutan mo, sino may mas malaking kasalanan satin?!" Hamon ni Craigan.


"Dude . . . No I mean. Craig and Jarvis. Uhm . . . Kumain na tayo mas mabuti pa." May iilang estudyante na nakatingin sa amin. Halos lahat nasa amin na ang atensyon.



"Craigan matagal na iyon! Bakit natatakot ka ba-" Naputol na si Jarvis nang bilang lumipad ang kamao ni Craigan sa kanyang labi. Marahas na bumagsak si Jarvis. Pumagitna kaagad ako don. Narinig ko ang tilian at yapak patungo sa amin.


Nang nakita ko ang mapulang dugo sa labi ni Jarvis kaagad ako lumapitt don. May iilang kaklase ko rin lumapit sa amin.


"Fuck! Tangina!" Daing ni Jarvis at hinawakan niya ang kanyang labi. Tinignan ni Jarvis ang daliri at nakitang may dugo nga ang labi.


"OH MY GOD! Ano nangyare, Leanna?"


Tinulungan si Jarvis tumayo ng mga kaklase niyang lalaki na kasama sa training kanina. Umatras ako para makadaan sila. Yung iba nilang kaklaseng nakajersey, nasa harapan ni Craigan para hindi na mag away muli.


"Craigan!" Sigaw ni Jarvis. "Duwag ka! Natatakot kang malaman niya iyon!"


"Lumapit ka dito, tingnan natin kung sino duwag!" Sigaw pabalik ni Craigan. "Babala palang yan Jarvis. Wag mo akong sisimulan! Dahil tatapusin kita!" Lumapit ang guard at staff ng cafeteria dahil sa gulong nagaganap. Sumulyap ako kay Craigan, inaawat ng tatlo niyang kaklase at isa don ay kinakausap siya, kinukumbinsihin umawat dahil aaktaong susugod pa si Craigan.



The First Kiss of My Last Lover | CompleteWhere stories live. Discover now