Kabanata 60: Nightmare

14 2 0
                                    




Kabanata 60

Nightmare

Bumili ako ng pagkain na pangisahan lamang. Hindi pa ako nakakain, inunahan ko muna bilhan si Craigan. Nasa tapat ako ng pinto, pinagiisipan kung kakatok ba ako o iiwanan sa pinto niya. Pero kapag iniwan ko, paano kung tanungin niya bukas bakit ako umalis kaagad. Mas mabuting harapan ko na lamang iaabot.

"Hi!" Bumaling ako sa kaliwa, nakatayo ang lalaki at pinupunasan ang kanyang buhok.

"Uhmm.. Hi?" Kumunot ang noo ko, nawala sa pagiisip.

"Parang madalas ka nalang nagdadala ng pagkain sa kanya, nangliligaw ka ba?" natatawa niyang tanong.

"Hindi, ako ang bumili nito, bumili ka ng sarili mo at dumiretso ka na sa kwarto mo."

Kumatok ako sa pinto dahil ayaw ko na makausap pa ang lalaking to. Kumatok ako sa pinto. Naroon parin siya sa gilid, pinagmamasdan ako para alamin kung sino hinahanap ko. Nakita ko sa gilid ng aking mata na gumalaw siya sa kanyang tinatayuan, sumulyap ako at mabilis siyang sumandal sa pader, malapit na ang distansya niya sakin. Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy sa pagkatok.

Bumukas ang pinto, bumungad sakin si Craigan na basa ang buhok. Kakatapos lamang maligo. Lumapit siya sa bukana ng pinto, tiningnan ang ang dala ko at sumulyap sa gilid.

"Calvert?"

"Ku-kuya?"

Napakurap ako. "Kapatid mo siya Craigan?"

Tumango si Craigan na nanlalaki ang mata. "Anong ginagawa mo dito, paano mo nalaman na nandito ako?"

"Ano ba ang ginagawa dito? Ngayon ko lang nalaman na nandito ka."

Gumuhit ang iritasyon sa mukha ni Calvert. Ngayon ko lang napansin na halos magkamukha sila ni Craigan. Di ko napansin kanina dahil magkalayo kami.

"Hindi ka natutulog sainyo?" tanong ko kay Calvert, mukhang nasa highschool palang siya.

"I'm writing, writing a novel. Ayaw ko ng maingay lalo na't marami don pinoproblema. That's why I'm here."

"Oh may napublish ka nang book?"

Umiling si Calvert. "Wala pa."

"Nagugutom na ako." parinig ni Craigan nanatiti parin nakatayo don.

"Mauuna na kami." paalam ko.

"Sandali anong pangalan mo?" pahabol niyang tanong.

"Leanna." sabi ko bago sinara ang pinto.

Hawak na ni Craigan ang binili kong pagkain. Umupo siya sa mesa at mabilis kinuha para makakain kaagad. Kanina niya pa siguro inaantay ang dadalhin kong pagkain.

"Craig," tawag ko, lumalapit sa kanya. "Baka huli na ang pagdala ko ng pagkain sayo rito. Marami kasi ginagawa sa klase, at may kailangan pa akong tatapusin. Malapit na kasi, alam mo naman siguro yon diba?"

Napatigil siya sa pagkain at umangat ng tingin sakin. "Marami naman palaging ginagawa."

"Alam ko, pero doble na ngayon. Baka hindi na ako makadala sayo kasi kailangan ko muna tapusin."

Dismayado ang naging ekspresyon niya. Umiwas siya ng tingin, napaawang ang aking labi. Tumingin muli siya sakin at ngumiti. "No problem... salamat rito, mabuti hindi mo ako sinanay." Yumuko siya at kumain.

"Palagi kang pumasok, bago ka dumiretso sa klase at umuwi wag mong kalimutan na bumili ng pagkain. May ipon ka pa ba?"

"Hindi mo kailangan alalahanin yon."

The First Kiss of My Last Lover | CompleteWhere stories live. Discover now