Kabanata 49: Luha

11 2 0
                                    



Kabanata 49

Luha

Patuloy ako naglalakad sa daan. Yakap ko ang aking sarili sa kaunting ilaw na lugar. Walang mga dumaraan ni isang sasakyan sa kalsada. Hindi ko natandaan ang daan. Napatulala na lang ako sa paligid at nang nakita ang isang tindahan ay nag tungo ako don.

Bumili ako ng malaking coat para matabunan ang buo kong katawan. Malayo na pala ang nilakad ko. Umalis na kaagad ako doon nang nakita ang taxi na tumigil at may bumaba.

Sumakay ako roon. Alam kong wala na akong mapupuntahan. Ang tanging paraan nalang kung saan ako makakapunta sa bahay ni Natalia, kay tita.

Patuloy paring sumisigaw ang mga huling sinabi sa akin ni Craigan. Hinilig ko ang ulo ko sa salamin. Nakita ko roon kung paano nanaman tumulo ang luha ko.

Kailangan ko iyon balewalain. Kailangan ko iyon kalimutan. Kahit ngayon lang. Madaling isipin ngunit ang hirap gawin. Napakahirap gawin.

Sinabi ko sa driver na hindi na mismong sa tapat ng bahay ni tita kami tumigil. Sa isang kanto, na hindi naman kalayuan. Doon ako bumaba. Hinawi ko ang naiwang luha sa aking pisnge. Humalukipkip akong naglakad.

Nakita kong nakabukas ang ilaw sa loob. Bukas rin ang pinto. May kotseng nakatigil sa harapan nang bahay. Hinanda ko na ang sarili ko sa susumbatin ni tita pagkabalik ko.

"Where is she?"

"Sorry 'ho tita pero hindi kasi sinasagot ang mga tawag ko." Narinig kong boses iyon ni Natalia na mukhang may bisita sa loob. Mas lalo ako kinakabahan dahil nahihiya akong humarap.

Kumatok ako sa pintuan, marahan akong pumasok sa loob na hindi sinusulyapan ang nakaupo sa gilid pero nakikita ko sila sa gilid nang aking mga mata.

"Leanna!" Napatalon ang hininga ko dahil sa sigaw ni tita Nira.

Wala na akong gana makipagusap pa. "Wag 'ho kayo mag alala. Babayaran ko ang renta ko bukas. Hindi rin ako magtatagal rito."

Nakita kong nanlaki ang ang mata ni tita sa bungad ko. Napatayo yung bisita sa gilid.

"Leanna-"

"Magpapahinga muna ako." Putol ko kay Natalia. Na hindi susulyapan ang bisita.

Dumiretso na ako papunta sa taas. Nakita kong nakababa na ang dalawang kama. Binagsak ko ang katawan ko. Kinuha ko ang unan roon, pinulupot ko ang aking braso at kinuyom ang malambot na unan sa katawan. Nagsimula nanamang pumatak ang luha ko. Hindi ako sanay. Hindi ako sanay na walang katabi. Hindi ako sanay na walang kayakap. Hindi ako sanay na wala sa tabi ko si Craigan. Kumirot lalo ang puso ko nang naalala ang halik ni Craigan sa aking noo tuwing niyayakap ko siya. Hinampas ko ng mariin ang unan. Binaon ko ang aking mukha sa unan kung sakali mawala ang kirot. Pero ayaw talaga, kahit anong pigil ko ay kailangan ko ilabas. Hirap na akong huminga dahil sa patuloy na pagiyak. Parang gusto ko palitan ang puso ko dahil sa sobrang kirot, parang may naputol na ugat don dahil sobrang sakit.

Narinig kong may kumatok sa pintuan. Hindi ko iyon pinansin. Tulala ako sa bed side table na may lamparang patay ang ilaw. May pumasok na kaunting liwanag galing sa pinto.

"Leanna. May gustong maki-"

"Please hayaan niyo muna ako. Hindi rin ako magtatagal rito." Hikbi ko. Nakatalikod sa pintuan. Gusto ko muna sa mapagisa. Sa madilim. Na walang nakikita para walang parte sa akin ang maalala ko.

"Pwede ka dito magtagal. Hindi ko alam bakit ka umiiyak ngayon. Maiiwan muna kita. Nandito lang ako kung gusto mo nang makakausap."

Narinig ko ang paglabas ni Natalia nang hindi ko siya pinansin. Ayoko muna makipagusap kung kanino. Masama ang loob ko, napakasakit rin ng loob ko.

The First Kiss of My Last Lover | CompleteWhere stories live. Discover now