Kabanata 21: Puyat

24 2 0
                                    




Kabanata 21

Puyat

Si Natalia ang bumungad sakin. Nakapulupot siya ng kumot ng dinatnan ako. Halata sa kanyang mukha ang pagodd at antok.

"Saan ka galing?" Mariin niyang bulong at sumulyap ng isang beses sa hagdan bago binalik ulit ang tingin.


"Yung ka trabaho ko kasi hindi pumasok. Kaya ako muna ang gumawa." Dahilan ko.


Bumuntong hininga siya. "Seryoso? Akala ko madaling araw ka na uuwi! Akala ko may nangyareng masama sayo! Wag na wag lang maglalakad mag isa! Leanna. Maganda ka at inagatan mo naman ang sarili mo!"


"Sumakay naman ako ng tricycle. Pero hindi ko pinapunta dito. Okay lang ako." Dumiretso siya sa sofa ang akala ko ay wala na siyang balak papasukin ako. Dahil sinermonan niya na kaagad ako, napangiti na lang ako.


"May tinira akong pagkain diyan. Matutulog na ako. Night!" Paalam ni Natalia at madaling tinahak ang hagdanan.


Hindi na ako kumain at nilapag na lamang iyon sa refrigerator. Wala akong gana at tinatamad na ako dahil sa sobrang antok.


Nakakapagtaka bakit ako dinala ni Craigan doon? Hindi ba, binaba niya na ako sa may kanto noon? Bakit hindi niya iyon natandaan? Sadyang lasing ba siya at nakalimot o gusto niya lang akong inisin ngayong gabi.


Umiling na lang ako. Matutulog nalang ako mabuti pa. Kaysa isipin ang mga pinag gagawa niya.


"Leanna! Leanna! Gumising ka na. May pasok ka pa!" Naramdaman kong niyuyugyog ang aking balikat. Dumilat ako at nakita si Natalia na ilang beses ako sinabihang gumising.


Tumayo ako at may tualyang nakasabit sa kanyang balikat. Nagtaka siya na hindi ako maagang nagising ngayon.


"Umuwi ka pa ng gabi, a? Mag ayos ka na!" Bilin niya at inabot ang tualya sakin.


Antok na antok ako. Parang ayokong pumasok dahil lang sa antok. Gusto kong bumagsak sa kama. Nakakainis ka talaga Craigan. Nang dahil sayo antok parin ako. Parang buong oras akong tulala at hindi naibsan ang antok ko. Maligo at magkape ako kung sakaling mawala.


Naliligo ako kahit lamig ng tubig ay antok parin ang nararamdaman ko. Na pwede akong matumba dahil ang mga mata ko ay ayaw munang umangat. Kumurap ako at huminga ng malalim bago nag banlaw.


"May pagkain na don sa baba. Mag almusal ka. Ilang oras ka lang nakatulog. Sa sunod wag ka na pumayag." Sabi ni Natalia habang nag aayos ng buhok at sinesermonan ako habang nakatingin siya sa salamin.


Wala akong ganang makipagusap. Parang bawat salitang lumalabas sa aking bibig ay mas lalo akong tinatamaan ng antok.


Pagkababa ang bumungad sa akin ang ingay galing sa labas. Hindi na ako magugulat kung iyon ang araw-araw kong madadatnan. Sanay na ako sa mga nakikita kong sugal at hiyawan nila tuwing nanalo o natatalo. Binalewala ko iyon at dumiretso sa lamesang may pandesal na sa lapag.


Embes sa mesa dahil gutom na ako. Nag tungo ako sa counter para gumawa ng kape. Halos gusto ko na ibuhos lahat ng caffeine sa aking baso para lang magising. Kapag ginawa ko iyon, baka hindi na ako makatulog.


"Pumasok ka! Mauuna na ako." Bati niya nang tumayo ako sa hapag dahil tapos na akong kumain. "May pera ka pa ba?" Humina na ang kanyang tono ng tinanong iyon.

Tumango ako. "Mag ingat ka."

"Sigurado ka, a?" Ngumuso ang mapula niyang labi at alam kong may pupuntahan nanaman ito. Wala akong ideya kung saan siya naghahanap o nagtatrabaho kung ano.

The First Kiss of My Last Lover | CompleteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon