Panimula

112 3 0
                                    

Panimula

Nandito ako sa aking kwarto. Inaayos ng mabuti ang buhok dahil kakatapos ko lamang maligo. Nakasuot ako ng simpleng blouse at dark blue pants. Madaling madali ko kinuha ang shoulder bag at may narinig akong tinatawag ang aking pangalan.

"Leanna!" Rinig ko ang sigaw galing baba. Kaagad ako bumaba para puntahan kung saan nang galing iyon.

Bumungad sa akin si tita na nag susugal sa salas. Naamoy ko kaagad ang usok ng sigarilyo. Lumapit kaagad ako kay tita Nira na nakaharap sa mga baraha. Meron siya kasamang dalawang babae kasing edad niya din.

"Bakit niyo po ako tinatawag?" Tanong ko. Nanatiling nanonood sa kanila. Bumaling siya sa akin. Tiningnan ako ulo hanggang paa. Kumunot kaagad ang kanyang noo.

"Saan ka pupunta? Bakit nakapormado ka?" Tanong ni tita Nira at binalik ang mga mata sa hawak na baraha.

"Mag eenroll po ako ngayon. Mag sisimula na kasi ang klase next week. Makakahabol pa ako." Simple kong sinabi at nilingon ang pinto.

Nakita ko ang aking pinsan na nag tatangal ng sapatos. Halatang may pinuntahan ito. Umupo kaagad siya sa upuan. Nang nakita niya ako ay ngumisi lamang siya sa akin.

Bumaling muli ako kay tita Nira. "May pera ka na pala. Saan ka nakakuha?"

Ginapangan ako ng kaba sa kanyang tanong. "I-Inipon ko po ito. Last month pa. Hindi ko alam kung kakasya. Pero maghahanap ako ng trabaho pagkatapos kong mag enroll."

"Mabuti naman kung ganoon. Kailangan ko din ngayon ng pera." Nilingon niya ako at nanlaki ang mga mata sa kanyang sinabi.

"Tama lang kasi ang pera ko. Kung may sobra ibibigay ko sa inyo." Bumaling ako sa pinsan ko na ngayon ay pinagmamasdan na kami.

"Bakit kailangan mo pa mag aral? Wala naman magagawa yang pag aaral mo. Hindi ka naman yayaman! Nag sasayang ka lang ng pera!" Iritadong sigaw ni Tita Nira. Halos mapatalon ako sa bigla niyang pag sigaw.

"Tita. Hindi naman ako nahihinayang sa pera. Pangarap ko talaga mag aral at pangarap ko rin gawin ang gusto kong trabaho. Wala pong sayang doon." Diretso ko iyon nasabi kahit kabadong kabado na ako.

"Ano bang klaseng trabaho ang gusto mo? Pwede ka naman mag trabaho diyaan, a? Wala na nga tayo makain at pag aaral mo pa talaga ang inaalala mo!" Mariin siyang simigaw sa akin. Parang walang tao sa kanyang harapan. Ang mga kalaro niya ay nanonood lamang at wala silang pakealam sa nang yayare.

Lumapit ang pinsan kong si Natalia. Hinaplos niya ang aking likod. Nanginginig na ang buong katawan dahil sa takot na anong gawin ni tita dahil sa galit siya. Nakita ko ang iilang alak ng bote sa gilid ng kanyang upuan. Ngayon ko lamang iyon napansin. Kaya niya nasabi iyon kasi lasing siya.

Pumikit lamang ako ng mariin. "Ma! Meron ako sobrang pera. Ako na lang ang bibigay sa inyo." Narinig kong sinabi ni Natalia at dumilat ako sa narinig.

Hinawakan ko ang kanyang braso para pigilan sa pag abot ng pera. Nakikitira lamang ako sa kanilang bahay kaya wala akong karapatan mag reklamo kung ano yung hinihingi niya.

Lumaki ako walang magulang sa aking tabi. Iniwan lang nila ako kay tita Nira. Malaki ang utang na loob ko kay tita Nira dahil siya lang ang bumuhay sa akin. At kahit minsan nararamdam kong may ina ako. Sanggol pa ako nang iniwan at kahit maramdaman o makita ang tunay kong magulang hindi ko man lang naranasan.

Kinuha ko ang bulsa ang pera at inabot kay tita. Matalim ako tiningnan ng pinsan ko sa ginagawa. Tinanggap naman kaagad ni tita Nira ang pera. Hinila ako ni Natalia palayo doon.

"Sayo na itong pera," Sabi ni Natalia. Hindi ko iyon tinanggap sa kanyang kamay. Kaya ko kumita ng pera. Hindi ko kailangan humingi.

Kinuha niya ang kamay ko at inilagay ang pera. "Idagdag mo na ito. Wag ka ng mag bibigay kay mama."

The First Kiss of My Last Lover | CompleteWhere stories live. Discover now