Kabanata 46: I Wanted

19 2 0
                                    




Kabanata 46

I Wanted

Hindi ako makatulog. Parang mas gusto kong haplusin ang katawan ni Craigan hanggang kinabukasan. Gusto ko madama ang init ng kanyang katawan. Humilig muli ako sa kanyang braso.

Pinasadahan ko ng tingin ang kanyang tattoo. Tinirace ko ang infinity sa kanyang dibdib. Napapangiti ako tuwing naalala ang pagamin niya ng nararamdaman niya at ang pagpapakita ng kanyang tattoo sa akin kahit nag sisimula palang siyang nangligaw.

Umangat ako ng tingin, nanliit ang aking mata nang nakita na kanina pa ako pinagmamasdan ni Craigan. Nakatitig sa akin na akala ko'y natutulog na.

"Gusto ko yung tattoo mo." Sabi ko at patuloy parin sa pagtrace. "Parang gusto ko rin mag pagawa."

"Mas masakit yon kesa sa ginagawa natin palagi." Tumawa siya kaya kinurot ko ang tagiliran niya.

Dumaing siya sa kurot ko pero hindi parin nawawala ang tawa. Humiga ako sa kanyang dibdib at hinaplos niya ang aking buhok.

"I wish you didn't have to go to work tonight."

Huminga ako ng malalim. Ito yung una na walang ibang bagay inaalala kung di siya lang. Siya lang na kasama ko. Na hindi nawawala ang paningin sa kanya.

"Magpapaliwanag nalang ako bukas. Gusto ko pang makasama ka."

Bumuntong hininga siya. "Gusto mo na bang umuwi o mas patagalin pang kasama ka rito?"

Umangat ako ng tingin sa kanya. Tumaas ang palad ko galing sa dibdib patungo sa kanyang leeg. Hinalikan ko ng marahan ang labi niya. Kapag mabagal ang halik ko ay parang naiilarawan ko ang sulok at pakiramdam ng kanyang labi. Humalik rin siya pabalik sa akin.

"Siguro ay kailangan na natin umuwi para hindi tayo mahirapan dito." Ngumisi ako.

Kumunot ang noo ni Craigan at ngumiti. Sinuklay ko ang kanyang buhok dahil gumulo.

"I'm really tired. We can do it again uhm maybe . . . next week. I need to recharge. But i-if you can't wait . . . okay, then. I will do it."

"I know, hindi naman tayo uuwi para gawin ulit iyon. Alam kong pagod ka na, at tumigil ka muna sa pag gym hm?"

"Alright. But if you're horny again." Tumawa siya. "Just touch my-" Hinalikan ko na kaagad ang kanyang labi para maputol ang kanyang idudugtong.

"Stop. Mas makakapagpahinga tayo kapag umuwi na talaga." Sabi ko.

"Wait. Wear my clothes." Bumangon siya at may kinuhang bag na nasa back seat lang.

Bunuksan niya iyon at inabot sa akin ang tshirt at shorts. "Pasamantala mo lang isusuot yan." Inamoy ko iyon at napangiti. Kahit araw-araw ko masuot ang gamit niyang damit ay ayos lang sa akin. Pero ang inabot niya ngayon ay hindi pa nagagamit.

Isunuot ko na ang kanyang tshirt at tinulungan niya pa akong isuot iyong short. Umiwas ako ng tingin nang napagtanto na hinawi niya ang kumot sa kanyang katawan. Napapalunok ako habang naririnig na inaayos niya ang sinturon. Sumulyap nalang ako sa kanya nang sinuot ang kanyang sando. Kinuha ko yung gamit na tshirt niya at pinunasan ang kanyang noo at mukha.

Inayos niya ang upuan para bumalik iyon sa dating pwesto bago niya pinaandar ang sasakyan. Hindi ako magsasawang alalahin ang nangyare rito sa sasakyan. Parang gusto ko muli maulit iyon para lang makita ang Iritasyon sa mukha ni Craigan.

"Craigan pwede ba tuwing umaga, wag ka magsuot ng boxer. Sana rin may suot kang sando o ano para matabunan ang katawan mo." Naalala ko kasi kapag nakikita siyang ganon sa umaga ay iba ang nararamdaman ko. Gusto ko lang gawin ang hiling ko, kahit iyon lang. Hindi ko masasabing kaya ko minsan pigilan ang sarili ko.

The First Kiss of My Last Lover | CompleteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon