Kabanata 51: Exist

15 2 0
                                    





Kabanata 51

Exist

Nagtungo ako sa Coffeehouse. Hindi ko nanaman pinasukan ang ilan kong klase. Nakita kong nanglaki ang mga mata ng ilang mga katrabaho ko. Dahil ngayon lang ako bumalik muli rito. Alam kong nagtaka sila sa pagkawala ko dahil hindi ko man lang ako nakapagpaalam. Nakita ko si Manager Yahir sa counter na may kinakausap na bagong empleyado.

Kinabahan ako nang nakita siya. Kinakabahan akong harapin siya dahil nawala nalang ako na hindi man lang siya nakausap. Nahihiya ako kung ano isipin niya, ngunit kailangan ko parin siyang makausap.

Taas noo akong naglakad sa counter para hindi mautal mamaya sa pagpapaliwanag.

Nagulat ang ekspresyon ni Manager Yahir nang nakita ako pagkasulyap niya. Nawala ang kaunting kaba ko ng nakitang hindi siya sumimangot.

"Manager-"

"Leanna! Kamusta? Bakit hindi na kita nakikita rito?" Maligayang bungad niya. Siguro ay ayaw niya muna ako salubungin ng inis. Kahit sino man ay maiinis kung ilang araw hindi pumasok ang empleyado.

"Marami 'ho ginagawa dahil yung schedule ko iba na. Sorry hindi ako nakapasok. Pumunta ako rito para ipaalam na . . . magreresign na 'ho ako." Malaking ngiti ang pinakita ko. Nawala ang maligaya niyang mukha at pagtataka ang pumalit.

"Dito tayo magusap." Sumunod ako sa kanyang opisina. Umupo kaagad ako pagkadating. Habang siya nakatayo akong hinaharap. "Dalawang empleyadong nagresign kahapon. Hindi ko inaakalang pati ikaw." Kaya pala hindi galit ang pangbugad niya.

"Sorry 'ho talaga kung biglaan. Sasabihin ko sana isang araw pero . . . marami akong ginagawa."

"Naiintindihan ko . . . naiintindihan ko hija. Iyon lang ba ang rason?" Tanong niya.

Marahan akong tumango kasama ang ngiti. Ayokong sabihin ang tunay na rason. Ayokong ipaalam ang pinagdadaanan ko.

"Kung may alam akong nangangailangan ng trabaho, ituturo ko nalang po rito." Iyon nalang ang sinabi ko nang napatigil siya.

"Meron kang kaunting sweldo. Sandali kuhain ko lang." may binuksan siyang kabinet at inabot sa akin ang maliit na puting envelope.

"Uhm salamat pero sa kasama ko nalang ibigay yung pera. Dahil sa pagovertime nung nawala ako." Dahil alam kong hindi bayad yung overtime. Kahit ilang oras ka mag trabaho ay iyon parin ang sweldo.

"Alam kong kakailanganin mo 'to."

"Mas makakatulong yan sa kanila. Mas magagamit nila yan." Giit ko.

Tumango nalang siya at binalik ang envelope. Umalis na ako sa opisina pagkatapos magpaalam. Nagorder ako ng isang kape at umupo malapit sa pintuan nang Coffeehouse. Naroon ang kotse na naghatid sa akin, iniwan ko muna doon ang envelope. Hindi ko alam kung gagabihin ako.

Isang oras na akong nagaantay. Hindi pa gumagabi. Maliwanag parin ang labas. Nakatulala ako sa salamin. Nandoon parin yung sasakyan alam kong hindi iyon aalis kung nanatili ako sa labas.

Nakita kong lumabas ang dalawang lalaking nakasuit sa driver sit. Sumulyap sulyap sa paligid habang ang isa ay may kausap sa cellphone. Nang nakita nila ako ay naglakad sila papasok sa loob. Lumapit sila sa akin. Kung papauwiin man nila ako ay tatanggihan ko. Ayaw ko pang umalis. Haharapin ko si Craigan. Dahil alam kong ito na yung huling beses pang makausap siya.

"Miss Leanna can we take a break?"

Nakahinga ako ng malalim. Ang akala ko ay pinapauwi na akoo

The First Kiss of My Last Lover | CompleteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon