Kabanata 64: Diamonds

22 2 0
                                    


Kabanata 64

Diamonds

Nang natapos ang klase ay sinabi sa akin ni mama kung saan gaganapin ang aking debut. Nag tungo ako pagkatapos umuwi sa bahay sandali.

Pumasok ako sa venue, nakita ang lahat patuloy inaayos ang mga mesa sa loob. Maraming tao pinakuha si mama para mabilis maayos lahat ang kailangan.

Nakita ko si mama pinagmamasdan ang paligid. Kahit ang kisame at mga ilaw dapat maayos lahat. Nakita ko sa dulo nito, kung saan banda si mama nakatayo ay ang mahabang hagdan. Lumapit ako, at kumaway si mama nang nakita ako.

"Leanna!" Hinalikan ko si mama sa pisnge.

"Ito yung anak ko, si Leanna." sabi ni mama sa babae na parang siya ang may hawak ng event.

"Ms. Leanna, ayos lang ba kung ituro at ipaliwanag sayo kung paano?"

"Oo naman 'ho. Walang problema." sumunod ako sa kanya, paakyat sa hagdan. Maraming hahakbangin, nakakatakot siguro bumaba na rito na suot ang gown, dahil nakita ko parang malaking gown ang aking susuotin.

Nang tuluyan na nakaakyat may nakita akong couch roon. Lumingon ako sa baba, at nakita halos lahat ng mga nakaupo roon at makikita ako dito sa taas.

"Dito ka uupo, aakyat ka rito."

"Hindi ba mahirap umakyat rito? Dahil yung gown, hanggang sahig yung haba."

"Wag kayong magalala. May hahawak ng gown para maayos kang makaakyat rito."

Tumango ako. Sana hindi madulas ang hagdanan.

"Kung saan ka pumasok kanina, sa wooden double doors; diyan papasok ang nineteenth roses, aakyat sila rito, at dito sasayaw."

"Yung nineteenth candles?" tanong ko.

"Pagkatapos nila ibigay ang gusto nilang sabihin dito sila dadaan para iabot ang candles."

"Sa baba sila magsasalita, at aakyat lang para iabot sakin?" paninigurado ko.

"Yes. Ito yung tatandaan mo, aakyat ka rito, mauuna ang nineteenth candles, susunod ang nineteenth roses. Pagkatapos nito, pwede ka na bumaba kasabay ang huli mong sinayaw. Ikaw mag de-desisyon kung sasabay ka."

"Salamat sa pagpapaliwanag." nagsisimula na rin nila ayusin ang carpet patungo sa dulo ng hagdan. Pinagmamasdan ko ang lugar, hindi na makapaghintay na tuluyan na makita ang tunay na ayos rito.

"Lahat ba ng inimbitahan mo, siguradong pupunta?" tanong ni mama. Kanina pa ako tulala sa mga nagaayos.

"Hindi pa 'ho nagagawa ni Heloise ang invitation. Sisiguraduhin kong makakapunta sila lahat."

Yumuko ako sa aking bulsa nang naramdaman ang pag vibrate ng cellphone.

Heloise:

Nagawa na ang invitation card. Tapos na rin magawa ang gown. Pumunta ka nalang dito sa Nirvana Designs. Hindi ako pwede umalis rito dahil may ongoing designs pa ako.

"Ma, nag text si Heloise. Nagawa niya na daw 'ho ang gown. Pupuntahan ko muna 'ho." paalam ko kay mama at pinayagan naman niya ako makaalis.

"Heloise!" tawag ko nang nakita siyang nakayuko, siya lang mag-isa na nandito.

Umangat siya ng tingin. "Leanna, ito yung invitation cards. One hundred cards, kung sino pa ang bibigyan mo ng invitation." Binigay niya sa akin ang nakabalot na kahon. "Ito yung sinobrahan kong card, para makita mo kung ayos na ba sayo 'to." nilapag niya yon sa harapan ko. Purple ang kulay ng invitation card, nakapulupot ang infinity roon. Napatigil ako.

The First Kiss of My Last Lover | CompleteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon