Kabanata 34: Lasing

17 2 0
                                    





Kabanata 34

Lasing

"Hmm . . . akala ko ba wala ka ng mangliligaw kasi parang halos lahat ay binusted mo siguro para sa kanya 'no?" Sabay nguso niya kung saan, alam kong tinutukoy ni Ron si Craigan. Nauna kaming naglakad dalawa, si Craigan ay sumusunod lang sa amin na nasa likod parin dala ang timba. "Yung totoo, bakit ayaw mo ba talaga sa lalaki?" Noon pa ito tinatanong sa akin ni Ron.

Hindi ko inaakala na bigla nalang pumasok sa aking isipan ang isang kasinungalingan - kasinungalin na wala akong crush - na hindi ako nagkagusto noo pa. Nagkagusto ako sa kaklase kong lalaki na hindi ko na matandaan angpangalan.

Wala naman siya ginagawa, hindi ko siya nakakausap pero iba ang nararamdaman ko kapag sumusulyap siya sakin. Grade 8 kami non, sinabi ko sa pinsan kong si Natalia at sa iba ko pang kaibigan ang nararamdaman ko. Dahil naguusap usap kami, na kailangan umamin. Pero isang araw, bigla nalang lumapit ang lalaking iyon sakin, kinabahan, nagtaka, lumakas ang hininga ko. Hindi ko malimutan ang pag amin niya rin sa aking harapan. "Crush mo ako? Crush rin kita." Diretso ang pagkabanggit niya. Gwapo siya, may crush rin yung iba sa kanya. Yung mga kaibigan ko maraming hinahangaan pero ako, iisa lang. sa totoo, ayoko umamin sa ibang tao ang nararamdaman ko. Dahil alam ko na ang pwedeng mangyare, iiwasan ka niya, iiwasan ka nalang bigla dahil sa kakahiyang humarap sayo.


Nang nalaman kong may crush rin siyang iba, ay iniwasan ko siya. Nagselos ako non, dahil sabi niya crush niya ako, para sakin ay relasyon na iyon na ako lang. Lalaki siya at alam kong marami siya makikitang babae na pwedeng hanganan. Lagi kaming nag uusap noon pa, kahit hindi niya pa alam na crush ko siya. Nahihiya ako palagi, na gusto siya nasa akin lang yung atensyon. Pero nung nangyare iyon ay tuluyan niya na rin akong iniwasan.


Umiyak yung kaibigan ko dahil hindi na daw siya crush ng crush niya. Mabuti nalang hindi ko iniyakan iyon dahil maliit lang na bagay lang iyon. At doon ko napagtanto na hindi marunong makuntento ang lalaki.


Natatandaan kong may mangliligaw sa akin noon. Pumayag ako, dahil bata pa naman kami nung may crush at alam kong walang seryoso sa mga panahon na iyon.


Palagi niya ako nililibre ng pagkain, isa lang siyang mangliligaw ko. Nung isang araw ay aabutan ko siya ng sandwich ay nakita ko may iba siyang inaabutan ng bulaklak. Nahuli niya ako non, para akong nasaktan kahit hindi naman kami. Naiiyak ako, na parang tanga, na parang nasa relasyon. Binusted ko na siya sa araw na yon, may mga nanligaw ulit sakin at halos lahat iyon ay busted. Dahil hindi pa nga kayo ay may iba na palang inaabalahan.


Kaya lumaki ako at dumating na ng college na walang hinahangaan. Kahit artista, pinipigilan ko ang sarili dahil baka masanay ulit. Dahil ang rason ko takot masaktan, paano kung siya ang inspiration ko, at nasira niya ako, mawawala ang lahat. Guguho lahat ng inspiration ko. Ayoko pati lahat ng mga pinalano ko ay guguho at sasayangin sa pagiyak. Kaya ayon ang nagpapalakas sa akin na wag muna mag boyfriend o pumasok sa relasyon kung wala pa ako napa-plano sa buhay, dahil kapag may plano na, handa na masira ang puso, kung sakali wasakin niya ang nararamdaman ko ay handa na ako. Palagi akong handa, palagi kong iniisip na handa ako sa lahat ng aking pinagdadaanan.


Bahala na kung sila masaktan, at mahalaga ay naligtas mo ang sarili mo. Limitasyon lang ang pagmamahal, dahil kapag inubos mo iyon sa iba, baka wala ka na mabibigay sa sarili mo ay tanging luha nalang.


Hindi ko sinagot ang tanong ni Ron. Iniiwasan, tanging ako lang nakakaalam ng mga nakaraan ko noon. Hindi na naalala ng dati kong kaibigan at pinsan ko na may crush ako noon, kapag ipaalala nila iyon; baka bumalik ang panghuhusga ko sa lalaki.


Biglang pumasok sa isipin ko si Aria, ang babae ni Craigan. Sinasabi niya sa akin na wala sila, pero paano kung sila, baka bumalik ang dating naalala ko; yung mangliligaw ko ay meron na palang iba pero patuloy parin ang pangliligaw dahil gusto niya kaming pagsabayin. Muntik lang ako matisod dahil sa naiisip.



The First Kiss of My Last Lover | CompleteWhere stories live. Discover now