Kabanata 37: Pay

18 2 0
                                    


Kabanata 37

Pay

Ginulo ni Craigan ang kanyang buhok. Tumaas ang kilay at nakaawang ang labi. Parang hindi naniniwala sa aking pagbiglang pag amin sa kanya.

"Stop kidding. I'm not drunk, are you real Leanna or just testing me? Really? Sinasagot mo na ba ako?" Hinawakan niya ang kanyang batok, napakurap kurap sa akin. Naguguluhan parin.

Hindi ko alam na hindi siya ganon ka bilis kaagad maniwala. Dahil siguro ay ilang beses na siyang umayaw at umasa sa akin at ayaw niya muli maulit iyon sa kanya kaya siya maguguluhan kung totoo ba yung kausap niya sa harapan. Hindi parin nawawala ang aking ngiti habang pinagmamasdan siya, ngayon ko lang siya nakitang naguguluhan ng ganito. Parang yung bagay na nahihirapan sagutin at ngayon lang nahanap na hindi naman sigurado sa sagot.

"Yes, Craig. Sinasagot na kita."

"I don't think so. If you're really saying yes, touch my body, any part of it. I want to make sure." Umatras siya ng bahagya.

Lumapit ako sa kanya at ang una kong hinawakan ang kanyang dibdib. Inangat ko ang aking mukha sa kanya. Ang kanyang mga mata ay may halong totoo o hindi makapaniwala sa nangyayare.

Naramdaman kong gumapang ang kanyang kamay sa aking leeg, pumikit ako. Kahit alam kong may mga tao sa palagid ngunit wala na ako magagawa. Mas gusto kong pumikit dahil doon ko lahat nararamdaman ang kanyang halik.

Naramdaman kong dumapi ang malamig na labi sa akin. Hindi ko mapigilang ngumisi, at patuloy parin siya sa paghalik sa akin.

Gumapang ang aking kamay sa kanyang leeg. Naramdaman ko ang kanyang Adam's apple na napalunok siya. Tumigil siya kaya napadilat ako.

"Leanna I love you." Ang kanyang palad ay tumigil sa aking likod, hinalikan niya ang aking balikat.

"I love you too, Craig." Sabi ko.

Hindi ko alam kung paano humalik, kung alam ko lang ay hahalikan ko ulit siya. Nilapit ko ulit ang aking mukha kahit hindi ko alam ang gagawin kung paano sisimulan. Mahina siyang tumawa.

"You really don't know how . . ." Bulong niya, hinawakan niya ang aking noo. Hinawi ang takas na buhok at nilapat niya ang kanyang mukha palapit sa akin. Hindi ko hinayaang pumikit ang aking mga mata.

Dahang dahan bumabagsak ang kanyang mata hanggang sa tumama ang kanyang labi sa akin. Hinawakan ko ang kanyang batok para mariin kong maramdaman. Ako pa ang hindi nakahinga sa sarili kong tulak, binawi ko ang aking kamay sa kanyang batok.

Niyakap ako ng kanyang braso at mas diniin sa kanyang katawan. Narinig kong dumaing siya at ako. Ang kanan kong kamay ay nasa dibdib niya na tumigil, at kaliwa ay nakayakap sa kanyang leeg.

Unting unti dumilim ang palagid, parang kami lang ang taong narito. Hanggang sa unting unti rin ako napapikit.

Naramdaman ko ang ulo niya sa aking leeg. "We need to go home. I can teach you later." Naghahabol siya ng hininga, kahit ako. Nahihiyang tumingin sa tao dahil sa nangyare kanina.

"Siguro uhm . . ." Umangat siya ng tingin sa akin. Hinalikan ang aking noo. Hinaplos ang aking buhok sa likod. "Tapusin nalang natin ang laro?"

Ngumuso siya. Kanina e halos ako ay ayaw na maglaro, at halos siya ay gustong gusto. Pero ngayon ay nag baliktad na dahil sa aming halik. Ayaw kong umuwi pa, at hindi muna ako tatabi sa kanya matulog. Lalo na't sinagot ko na siya, natatakot ako baka may iba siyang balak.

"Just one game?"

Tumango ako. "Isang game nalang."

"Alright. Then let's go home after that." Ngumisi siya at hinawakan ang aking kamay pabalik sa loob.

The First Kiss of My Last Lover | Completeحيث تعيش القصص. اكتشف الآن