Kabanata 54: Expecting

15 2 0
                                    






Kabanata 54

Expecting

Pinagmamasdan ko ang aking mga gamit na nilapag sa aking kama. Tinititigan iyon.

"Sweetie no. Please no." Napalingon ako at nakita si Ms. Rina umiiling palapit sakin. Umupo siya sa kama. Kinuha ang bagahe kong nakapag. Binalewala ko iyon at ang tunuon nang pansin ang aking luha na natira sa mukha.

"Hindi po ako aalis. Inaantay ko lang ang permiso ninyo." Pabulong kong sabi, di makatingin sa kanya.

"Di ako papayag. Hindi ka aalis. Anak, hindi ka namin iniiwasan."

"Patawarin niyo ako sa mga nasabi ko." Mas yumuko lalo para di makita kahit anong parte nang kanyang katawan.

"Bakit pakiramdam ko mas lalo akong nagiisa? Tuwing hindi ko kayo nahuhuli. Natatawa nga ako minsan sa sarili ko, e. Kahit sarili ko, di ko maintindihan. Kapag gusto ko lumayo yung tao, nasusunod. Kapag gusto ko bumalik, hindi ganon kadali. Parang may mali, hindi, may mali talaga sakin."

"Kami ang may kasalanan dahil lumalayo kami sayo kung san ang kailangan mo nang kasama-"

"Hindi 'ho. Kasalanan ko. Dahil hindi ko binigyan nang halaga ang ginagawa niyo. Hindi ko kayo binigyan ng halaga. Hindi ako karapat-dapat halagahan."

"Anak, hindi. Hindi." Hinawakan niya ang aking palad, hinaplos niyo iyon. Parang may kumurot sakin para maiyak muli. "Mahalaga ka samin. Importante ka. Gusto ko mabigyan ka nang magandang buhay. Pa-para hindi ka magsisi na kami ang mga magulang mo na walang ginawa para sa anak. Gusto ko matuwa ka, na tanggapin kami."

"I'm sorry. I'm sorry, ma. Hindi ko kayo tinanggap. Sorry." Hindi ko na napigilan ang luha kong unting unti bumabagsak. Nahihirapan ako maghabol nang hininga dahil nakayuko ako. Natatakot ako makita ang kanilang ekspresyon.

"Emerson . . ." Tawag niya. Narinig ko ang yapak niya patungo sakin. Pumalit siya sa inuupuan ni Mrs. Ortega.

"Sweetheart?" Hinawakan niya ang aking buhok, kung saan ko tinatago ang aking mukha. Hinaplos niya iyon at naramdaman kong nilipat niya sa aking likod. "Look at me." Marahan akong umangat nang tingin.

"I'm sorry, pa." Hikbi ko.

"No. I'm sorry. Ako ang nagdesisyon na iwasan ka. Masakit sa akin dahil iniiwasan ko ang anak kong di ko kasama nang ilang taon. Umiwas kami dahil sinisisi namin ang aming sarili, dahil sa amin kaya mo 'to ginawa. Tinangka mong tapusin ang buhay mo dahil sa amin. Kung di ka lang namin iniwasan. Sana di mo to nagawa."

"Dahil sakin, sinisisi niyo ang sarili niyo. Nagsisisi ako dahil nasaktan ko kayo. I'm sorry." Yumuko muli ako.

"Sweetheart don't feel bad! We are fine, if you're fine." Tumango ako. Tumayo si Mr. Ortega at niyakap ako. Niyakap ako nang tatay ko. Napapikit ako. Pinulupot niya ang kanyang braso sakin. Tumulo muli ang luha ko at nakita ko si Mrs. Ortega, ang mama kong ngumingiti sa akin. Yumakap rin siya sa amin. "I miss you crying in my arms when you're still a baby."

Parang lahat nag bara sa puso ko ay unting unti nawala. Nawala ang bigat, parang natapon na iyon. Nawala ang pagkabigo at tuluyang nakahinga nang maayos. Hindi na ako iiyak. Ito na yung huling luhang papatak simula ngayon. Kakalimutan ko ang lahat, ang tanging aalalahin ko yung mga taong mahal ko at patuloy ako minamahal.

Nakatulog ako na walang bigat sa aking puso. Dala parin ang ngiti at saya kasabay ang pagpikit nang aking mata. Napadilat lang ako ng may nagkatok sa aking pintuan. Humarap lamang ako sa pwesto nang pinto para makita iyon.

The First Kiss of My Last Lover | CompleteWhere stories live. Discover now