Kabanata 43: Umiwas

25 2 0
                                    




Kabanata 43

Umiwas

Parang 'tong araw na 'to ang pinakamarami akong ginawa. Dahil pakiramdam ko sobrang pagod ko dahil nanatili parin ang sakit ng aking katawan pagkagising nang lunes.

Maaga akong nagigising para uminom ng birth control pill. Sinimulan ko na iyon inumin nung unting unti na ako nahuhulog kay Craigan. Dahil alam kong kahit wala pa kami, mahilig na siyang humaplos sa katawan ko. Kaya sinugurado ko na, dahil hindi magtatagal ay dadating rin kami sa puntong iyon.

Hindi niya alam na umiinom ako non. Hindi ko pa nasasabi sa kanya. Hindi na siguro importante kung kailangan niya pang malaman na gumagamit ako ng pills.

Bumalik ako sa pag ta-trabaho sa Coffeehouse. Tinanggap naman nila kaagad ako sa pagbalik. Hindi naman ako pwede iasa nalang ang kailangan kay Craigan. Dahil gusto ko rin na may sariling pera. Itutulong ko rin 'to kay Natalia at kay tita.

Napalunok ako nang nabanggit sa aking isipan si tita. Pinatagal ko ang away naming dalawa. Hindi ko pa kaya siyang harapin pagkatapos nangyare. Hindi ako sigurado kung nakakapagusap pa ba kami ulit.

"Craigan nag renta ka ng dorm rito?" Tanong ko habang nag to-toothbrush siya. Kakatapos lang naming kumain.

"Dorm? Hindi ko na kailangan non, Leanna. Bakit?" Pununasan niya ang kanyang labi ng panyo habang nakatingin sa akin.

"Parang interesado lang akong tumira don, parang lang naman." Kibit balikat ko.

Tumaas panguso ang labi niya. "Gano'n ba? Hindi ka ba interesado na kasama ako? Di ka ba masaya?"

"Craigan hindi. Mas interesado akong kasama ka." Hinawakan ko ang palad niya.

Hinawakan niya ang aking ulo at iginiya ako sa kanyang labi. May bahid na takot at lungkot ang kanyang halik. Kaya hinaplos ko ang kanyang panga at mas hinalikan siya lalo.

"Tinanong ko lang iyon. Hindi ako lalayo sayo." Sabi ko.

"Leanna! Ikaw lang mag isa?" Umamba na sana akong tatayo sa mesa ngunit may tumakbo palapit sakin at umupo sa harapan ko. Hindi ko kasabay kumain si Craigan dahil maglalaro daw sila ng basketball. Susunod na sana ako pumunta don kaso hinarap ako ni Jarvis. Ngayon ko lang ulit siya napansin dito.

"Hi Jarvis! Ngayon lang kita ulit napansin. Hindi ka ba pumasok ng ilang araw?"

Umiling siya at ngumingiti sa akin. "Noon pa man ay hindi mo na ako napapansin talaga, e."

Napalunok ako. "Pasensya kung may mga araw na hindi kita napapansin."

"Ayos lang. At least ngayon ay hinanap mo pala ako." Tumawa siya.

"May laro sila Craigan sa basketball court. Hindi ka sumali sa kanila?"

"Wala akong gana at . . . marami rin akong gagawin. Manonood ka ba kapag sumali ako?"

Natawa ako sa kanyang tanong. "Manonood naman talaga ako. Dahil wala naman ako gagawin, manonood nalang ng laro."

Narinig kong may sunod-sunod tumikhim sa aking gilid. Bumaling ako at nakita ang pulang jersey na numerong 23. Umangat ako ng tingin at napagtanto si Craigan na nag titiim bagang habang nakayuko sa mesa namin.

"Pwede ko ba mahiram si Leanna?" Tanong niya. Mabilis na akong tumayo, hindi na hinintay si Jarvis.

"Craig, susunod na sana ako. Ngayon lang ako natapos kumain. Nahuli na ba ako?" Tumingin si Craigan sa akin. Ang kaninang matalim niyang mata ay nanlambot tumingin sakin.

The First Kiss of My Last Lover | CompleteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon