Kabanata 53: Nagtangka

15 2 0
                                    




Kabanata 53

Nagtangka

Kumuha ako ng tissue sa bed side table, pinunas ko iyon sa aking mata. Katabi nito ang mga bagong damit at sapatos. Suot ko parin ang gown, kinuha ko ang bagong damit at nagpalit sa restroom. Nilagay ko sa plastik ang uniform at gown. Nakita ko sa gilid ng kama ang heels naroon.

Inaayos ko ang aking sarili bago binuksan ang pinto. Nabuga ko ang aking hininga nang nakita ang dalawang suit nagaabang sa tapat.

Lumapit sila dalawa sa harapan ko. Mabilis kinuha ang kaliwa kong braso. Naramdaman ko ang malamig na metal roon at tunog nang pagkandado.

"You need to go home right now. Your mom is waiting for you."

"Sasama ako. Bakit kailangan-"

"Your mom know what you did."

Humakbang ako kasabay ng kanyang paghakbang. Sinusundan ko ang isang nakasuit kung saan ang daan.

Pumasok kami sa sasakyan at saka niya kinalas ang posas saking braso.

Walang kaba saking dibdib habang nagmamanehong pauwi. Kung galit ang bubungad nila saking harapan, at papalayasin nila ako ay matutuwa ako. Sana nga gawin nila iyon at hindi ako magsasayang nang segundo makawala doon.

Pinagbuksan nila ako ng kotse at bumaba. Humakbang ako papasok sa loob. Hindi sila sumunod at sinara nila ang pinto galing sa labas.

"What are you thinking? Ha? What?" Lumakas ang takbo ng aking puso dahil sa bungad nang malakas na sigaw.

Nakatayo siya sa aking harapan. Gulong gulo ang ekspresyon. Tanging kami lamang nasa loob ng bahay.

"Wala akong ginagawang masama." Sagot ko.

"Wala? Ang akala mo ay hindi ko malalaman ang ginagawa mo doon? Nakatanggap ako nang tawag na tinangka mong magpamatay? Bakit?" Sigaw niya muli at napapikit ako sa lakas.

Bumaba ang tingin ko. Narinig ko ang bukas nang pintuan saking likod.

"What is happening here?"

"Your daughter . . . your daughter Emerson. Nagtangka magpakamatay!"

"Hindi ako magpapakamatay!" Sigaw ko.

"Leanna!" Suway ni Mr. Emerson.

"Wag kayong umasta na nagaalala kayo sa akin. Diba ang bubungad sana sakin ay panghihinayang? Siguro kaya nagagalit kayo dahil hindi ako natuluyan? Diba kaya galit kayo." Sambit ko.

"Leanna nagagalit ako dahil sa ginagawa mo! Hindi ako natutuwa!" Hikbi ni Ms. Rina.

Lumapit ang kanyang asawa dahil sa pagiiyak ni Rina. Niyakap siya nito, pero nanatili paring akong hinahaharap.

"Diba noon ay gusto niyo ako mawala? Bakit ngayon ay gusto niyo ako makasama? Dahil ba wala akong maayos na matirhan? Hindi nakakakain ng masarap? Hindi mabibili ang gusto? Naawa kayo, hindi ko kailangan may mag alaala sakin. Gusto ko binabalewa ako!"

"Anong ibig mong sabihin na gusto kita mawala? Leanna ano?" Sigaw niya. Tinutulak si Mr. Ortega para maharap ako. Umatras nalang ang kanyang asawa.

"Gusto niyo ako mawala. Gusto niyo ako tanggalan ng buhay. Gusto niyong hindi ko malanghap ang hangin dito sa lupa. Gusto niyo akong mamatay. Gusto niyo akong ipalaglag!" Bumagsak ang mga luha ko. Bumabalik nanaman ang alaala ko kung bakit ko tatapusin ang aking buhay.

"Walang may gusto mamatay ka Leanna!" Sigaw ni Mr. Ortega kaya napaatras ako at nanginig.

"Sinasabi mo bang kami nang papa mo may gustong mawala ka?"

The First Kiss of My Last Lover | CompleteWhere stories live. Discover now