Kabanata 35: Labi

17 2 0
                                    



Kabanata 35

Labi

Nakahilig ako sa tattoo ni Craigan, sa may kanyang dibdib. Ang kanyang kanang braso ay sinandalan ko.

Nakayap ako sa kanyang katawan, hinaplos iyon pababa at pataas, mahimbing parin siyang natutulog. Maaga nanaman akong nagising, hinawakan ko ang aking labi nang naalala ko ang labing dumapo sa akin kagabi.

Pumikit ako ng mariin nang naramdamang gumalaw ang braso ni Craigan, tumigil ang aking kamay sa kanyang dibdib, hinawakan niya ang aking likod, naradamang kong unting unti niya binabawi ang braso sa aking likod.

"Oh fuck! Fuck! Fucking no! Oh damn it!"

Nilapat ko ang aking palad sa aking mukha, bumangon kunwaring bagong gising.

Tumingin ako sa kanya, hindi ko alam kung ano nanamang bagay ang pinagmumura niya ngayon. Lasing parin ba siya hanggang ngayon?

Hawak niya ang kanyang buhok, ginugulo iyon, nakatitig siya sakin, kumurap kurap ang kanyang mata, mabilis ang kanyang hininga.

"Craigan okay ka lang ba?" Kumunot ang noo ko dahil sa itsura niya, umiwas siya ng tingin at parang sinasabunutan na ang sarili.

"Leanna . . . lasing ka rin ba kagabi . . . fuck wala ako masyado maalala. Damn . . . naalala ko lang yung labi mo."

Napatulala ako sa kanya.

Bumuntong hininga siya. "May nangyare ba kagabi?" Sabay yuko niya sa kama, na parang may hinanap saka umangat ng tingin. "Sorry. Wala ako maalala." Ginulo niya muli ang kanyang buhok." Fuck! Pananagutan na lang kita, sorry, sorry, sorry."

Gusto ko matawa pero mas pinili ko iawang ang aking labi. Shit lasing na lasing nga siya kagabi!

"Craig-"

"Yeah bubulyawan mo na ako, sorry please. Hayaan mo akong panagutan kita. Dapat hindi ka tumabi sakin, damn, wala ako maalala, nakapagbihis pa tayo?"

Hindi ko mapigilan ngumisi dahil naguguluhan siya.

"Damn! What are you smirking about?" Umiwas siya ng tingin. "Magaling ba ako?" Ngumisi siya nang napangiwi ako sa kanyang sinabi.

"Craigan . . ." Hindi ko mapigilang matawa. Nanlaki ang kanyang mata na parang naiinis dahil hindi ako nag seseryoso. "Wala nangyare kagabi. Na sobrahan ka lang sa alak."

Hinilamos niya ang kanyang palad. Naguguluhan, na parang hindi pa sapat na paliwanag ang sinabi ko.

"Pe-pero may sinabi ka kagabi at hinalikan kita . . . oh shit wrong move. Dapat di ko na binanggit." Tumayo siya sa kama, hindi umalis, nakatalikod sa akin.

Huminga ako ng malalim. "Uhm . . . masakit parin ulo mo?"

"Sa tingin mo pagkatapos ko magpigil kagabi ay hindi parin sasakit?"

Nanliit ang aking mata . . . what? Isa lang naman ang ulo, ah? Ano ibig niyang sabihing masakit? Anong pipigilan niya? Ano yung iba niyang tunutukoy?

"Gano'n ba? Magpahinga ka muna dito sa kwarto. Bilhan nalang kita ng gamot."

"Leanna, 'di ka galit nung hinalikan kita? Nahalikan ba kita? Bahala ka kung awayin mo ako, basta gusto ko malaman."

Kinagat ko ang aking labi. Naamoy ko galing don ang alak na hininga ni Craigan kagabi. Damn! Bakit ayaw iyon kalimutan ng labi ko? Tuwing naalala ko iyon ay nararamdaman ko paulit ulit.


The First Kiss of My Last Lover | CompleteWhere stories live. Discover now