Kabanata 65: Noon at Ngayon

46 2 0
                                    



Kabanata 65

Noon at Ngayon



Nang nakauwi ay nag madaling tanggalin ang gown. Humingi pa ako ng tulong sa kasambahay para tuluyan ko matanggal ang aking suot.

Hindi ko tinapos ang debut. Ang pinakaimportanteng araw na minsan nalang mangyare sa panahon ngayon. Pero sinayang ko, sinayang ko ang oras at hindi nag isip na talikuran. Nawalan ako ng gana para ipagpatuloy pa yon.

Dahil sa mga inamin ni Craigan sa akin. Nasasaktan ako, nasasaktan ako at hindi ko na kaya itayo ang sarili. Parang inamin niya kanina sa akin na hindi niya na ako mahal; hindi na niya ako kayang mahalin.

Lahat nang desisyon ko na nagawa, lahat nang binitawan na salita na hindi kaya panindigan ay isinusuka ko na ngayon din. Dahil ako nito ang naghihirapan sa lahat na hiling ko na nagkataong nangyare ay isang pagkakamali.

Kung hindi pumunta si Craigan kanina, siguro ay tinapos ko ang event. Kahit hindi ako gaanong nasisiyahan kasi hindi kompleto. Natapos ang oras, umalis siya na walang iniwan sa akin, kundi masakit na desisyon.

Galit ako sa kanya, dahil hindi niya kaya lumaban. Takot siyang ipaglaban ako. Kapag pumayag siyang pwede akong sumama sa kanya, gagawin ko. Sasama ako kahit bawal. Dahil kung saan ka sasaya, kung saan ka magiging malaya ay bawal. Ayaw kong makulong, ayaw kong magkamali ulit ng desisyon kaya desisdido akong sasama sa kanya. Dahil alam kong kaya niya parin ako mahalin.

Marami ko na siyang beses tinanggihan, sa mga pagtanggi ko ulit, sa sinabi; hindi siya susuko. Dahil ang kilala kong Craigan ay gagawin ang lahat para matanggap lahat ang galing sa kanya.

Naghahanap ako ng aking susuotin. Kahit ano na lamang ang pinili ko. May kumakatok sa pintuan. Kung sino man pipigil sa akin, hindi ako matitinag. Tinapos ko ang pagbihis at hinila ang pinto. Bumungad si mama sa akin nag aalala.

"Leanna sabihin mo sa akin kung ano problema?"

"Sino 'ho pumayag na papuntahin si Craigan at paasahin siya?"

"Nakiusap siya sa akin. Pumayag ako. Hindi ko sinasadya na masaktan ka sa paraan na nagawa ko."

"Ma hindi 'ho yon. Sinabi niyo kay Craigan na layuan ako. Dahil natatakot kayo na gamitin ako, gamitin ang pangalan natin, gamitin ang kompanya?"

"Leanna—"

"Ma iba si Craigan. Iba 'ho si Craigan." giit ko. Halos idiin na ang mga ngipin para ipilit na totoo yon.

"Yung papa mo ang nagsabi na layuan ka ni Craigan."

"Pero wala siyang karapan ma!" sabi ko na parang hindi sila kilalang magulang. "Hindi siya manggagamit."

"Leanna, magulang mo kami."

"Ma alam ko. Ilang beses ko na alam yan. Kinakalimutan ko ba?" Gusto ko ipaliwanag ang lahat. Pero di ko magawa, dahil kapag nagawa ko naman; hindi paniniwalaan.

"Nagagalit ka ngayon sa amin dahil nasaktan si Craigan sa aming nasabi. Pero ayokong mag dusa ka sa huli."

"Hindi ako nagdusa sa kanya—"

"Pero nagtangka ka magpakamatay dahil sa kanya. Siya ang rason Leanna kung bakit mo gusto tapusin ang buhay mo. Paano kung lokohin ka niya ulit? Ayaw kong mawala ka sa akin. Ikaw lang ang anak ko, Leanna. Ikaw lang." naiiyak na sabi ni mama.

Napaawang ang aking labi. Napapikit ng mariin. "Nawala ako sa sarili ko nung araw na yon. Wala na pumapasok sa utak. Tapos na yon—"

"Pero pwedeng mangyare ulit!" sigaw ni mama. "Please, Leanna. Hindi ako takot na mawala ang kompanya, takot ako na mawala ka."

The First Kiss of My Last Lover | CompleteWhere stories live. Discover now