Kabanata 32: Aso

21 2 0
                                    


Kabanata 32

Aso

Nasa labas, nakatingin sa kawalan. Pinapakiramdaman ang hangin at tunog ng alon ng dagat. Nanatili parin ako sa barko, pangalawang araw na ako dito. Ilang oras na lang siguro ay makakarating na ako sa aking pupuntahan. Mabagal ang oras dahil nung patungo kami ni Natalia sa maynila ay parang mabilis na oras at ayaw pa naming bumuba ng barko dahil gusto namin ikutin, makita ang dagat at maramdaman ang lamig at init ng hangin. Pero ngayon, parang gusto ko na bumaba rito, kaso mabagal ang oras, dahil sa binabantayan ko kaya tumatagal.



Nag tungo ako sa cabin. Nang naupo sa kama, hindi ko parin maiwasang isipin ang halik ni Craigan saking labi, naalala ko tuwing may dumadapong hangin sa aking labi ay parang nararamdaman ko ang kanyang hininga. Marahas ang kanyang halik na pwede iyon sanhi ng pagkawala ko ng hininga. Naalala ko ang kanyang sinabi "Hindi pa naman ako gano'n ka desperado para maangkin ka." Napapikit ako, mukhang desperado na siya sa akin. Hindi niya ako biglang hahalikan at hihingi siya ng permiso kapag gagawin niya iyon, ngunit hindi. Bigla na lamang siya lumapit sa akin.


Hindi ko maintindihan minsan ang aking sarili. Hindi man lang ako nainis habang ginagawa niya iyon. Hinahayaan ko siya pagbigyan hanggang sa tumigil, parang iyon ang nagawa ko. Tumakas lang ako at hindi man lang siya sinumbatan. Dahil nanghina ako sa kanyang ginawa at wala na akong hangin, saan ko pa kukunin ang lakas ng boses kung hingal na hingal ka pa?


Kailangan ko na iyon balewalain. Kailangan ko na iyon kalimutan, hindi pwede hanggang sa makababa ng barko ay iyon parin ang tangi kong iniisip.


Hindi ko maiwasan isipin ang tungkol sa tunay kong magulang. Bakit ngayon lang ako nakakapagisip ng mga ganito, dahil ba magisa lang ako, tahimik at presko ang hangin sa labas kaya ako nakakapagisip ng maayos?


Naalala ko nung bata pa ako, lumaki ako na parang tunuring kong nanay si Lola. Palagi kasi siya nandyan sa aking tabi, at hinayaan niya akong sabihan siya bilang aking ina. Pero dumating rin ng araw nang kinausap nila ako. Sinasabi sa akin na hindi ko tunay na ina si Lola Linda, dahil Lola ko siya at mama siya ng hindi ko kilalang ina. Hindi ko na tinawag si Lola Linda na 'mama' kahit hindi niya naman ako pinagbawalaan dahil naiilang na ako.

Nang dumating ng high school para itanong ulit ang tungkol sa nanay ko, sa tunay kong nanay. Dahil matagal ko siyang inantay at naisipan kong mag tanong. Naiilang pa silang tumingin sakin nang tinanong ko kung saan ang tunay kong nanay. Kahit alam kong masasaktan ako sa sagot ay gusto ko parin marinig iyon galing sa kanila. Sinabi nilang iniwan na ako ng nanay ko sa kanila. Iyon ang nakuha kong sagot. Pero may tanong parin akong gusto malaman. Ano ang tunay nilang pangalan, hindi para tanungin o hanapin sila dahil gaya ng sabi ni tita ay gusto nila ako ipalaglag. At ang sagot kaya nila ako iniwan sa kanila, hindi sa inwian kung hindi para iligtas ako sa gustong pumatay sa akin, at ang masakit ay ang mga magulang ko pa. Pangalan lang ang gusto ko malaman, hindi ako interesado kung ano takbo ng kanilang buhay, kung buhay pa ba sila o hindi na. Dahil kapag nalaman nilang buhay ang kanilang anak, parang patayin na nila ako kahit naiisip ko palang ang titig nila.



Bakit ko ba naiisip ang napapasakit sa mga damdamin ko. Kaya nga ako umuwi para kalimutan iyon ngunit mas pinili parin iyon isipin. Dahil pa sa pagusisa ko, huli na 'to. Huling tanong na lamang kung ano ang kanilang pangalan. Iyon lang.



Hanggang sa nakababa ng barko, hindi man lang ako naiyak sa kanina ko pang iniisip. Hindi na ako magtaka, dahil nasawa na ang aking mga mata sa kakaiyak sa parehong dahilan.



Nag tricycle ako patungo sa lugar namin, na miss ko na ang amoy ng dahon sa palagid, lambot ng putik sa daan tuwing naapakan, halos lahat na miss ko na parang ilang taon ako bago ako nakapunta rito. At mas miss ko na sina Lola at Lolo. Wala nga lang ako pasalubong sa kanila, at alam kong pwede silang magtaka sa paguwi ko ng maaga. At kailangan ko handain ang mga tanong nila na hindi masasali ang aking problema ngayon.



The First Kiss of My Last Lover | CompleteWhere stories live. Discover now