Kabanata 55: Lust

23 2 0
                                    






Kabanata 55

Lust

No... No... No! Hindi na dapat ako umiiyak. Hindi ko na dapat iniiyakan ang mga salita galing kay Craigan. Huling pananakit na 'to. Hindi na ako masasaktan, kahit makita siya, sabihing mahal ako, sabihing wala akong kwenta, hinding hindi na ako matatamaan.

Pinuprotektahan ko na ang puso ko. Hindi basta titigil sa pagpintig. Hindi kaagad mabilis bumagsak. Hindi mabilis kumirot.

Hahanapin ko muli ang sarili ko. Si Leanna, ang Leanna na malakas. Na kaya harapin ang dumadaang problema. Pipilitin lagpasan. Pipilitin gumawa ng paraan. Dahil lahat may paraan para makalimot. Iisipin at uunahin ang sarili sumaya.

Masaya na ako na may pamilya. Kahit sila lang makasama ko habang buhay, hindi ako mahihinayang. Hindi ako mahihinayang sabihin na mahal ko sila. Dahil alam kong mamahalin nila ako pabalik. Na walang kapalit. Walang tinatago.

Huminga ako nang malalim ilang beses. Hindi nila ako pwedeng mahuling ganito. Dahil alam nilang maayos na ako. Napagtanto ko na hindi ko kayang mag sinungaling sa aking sarili.

Naghilamos ako at humarap sa salamin. Hindi na muli namamaga ang aking mga mata. Gagaling na 'to. Walang pagpapaiyak sa aking mata kahit ang maliit na bato tumama sakin.

Kinuha ko ang mga libro. Itinago sa dulo nang aking mga damit, sa loob nang kabinet. Hawak ko parin ang envelope. Nanginginig ang aking palad, hindi makapagisip kung ano ba dapat ang gawin sa bagay na 'to. Pumikit ako, kinuyom ko ang kanang palad. Narinig ko ang mariin na paglupot nang papel. Itinapon ko iyon sa basura na hindi nabubuklat ang mata.

Nabuksan ko ang aking mga mata nang wala na akong hawak. Hindi ganon kabilis makalimot. Kahit anong takbo mo sa leon, kahit anong bilis nang takbo mo ay babalik padin. Ngunit kailangan mo gumawa nang paraan para makatakas. Hindi lang sa pagtakbo, kundi lumiko sa ibang paraan, at doon mo itatago para hindi ka na habulin nang mga pananakit sayo.

Malakas na ako. Napalitan ko na ang ibang parte sa aking puso, kung saang parte ay wasak na. Sinabay ko na sila sa pagtabon at ngayon humilom na, sana.

"Ma." sabi ko nang nakapunta sa kusina. Siya na mismo magluluto ngayong tanghalian. Nakikita ko ang saya sa kanyang ekspresyon. Dahil nakangiti siya habang hinihiwa ang mga gulay. Saka nalang siya sumulyap sakin nang natapos iyon.

"What, sweetie?"

"Uhm gusto ko po sana nagpagupit, paikliin yung buhok ko. Hindi 'ho kasi ako sigurado kung tama lang ang pera ko. Ku-kung ayos lang sainyo, ma?"

Lumaki muli ang ngiti niya. "Sure. Sure sweetie. No problem. Gusto mo bang samahan kita?"

"Hindi na 'ho. Ayaw kong maistorbo kayo ngayon dahil sakin. Kaya ko."

"But please, umuwi ka kaagad ha? Gusto ko sabay-sabay tayong kumain."

"Sure po, ma. Magpapagumit lang po, uuwi po kaagad."

"Nasa kwarto ko, sa may kabinet. Kunin mo yung wallet don at dalhin mo, para kung may gusto ka. Bilhin mo lang hm?"

"Okay 'ho ma. Thank you."

Dumiretso ako muli sa taas. Maraming mga kwarto sa hallway. Napalunok ako. Hindi ako sigurado kung saan banda. Nakalimutan ko itanong. Nagmartsa ako sa unang pinto. Marahan ko yun binuksan at bumungad sakin si papa na nakaupo sa desk kaharap ang laptop.

"Yes, sweetheart?"

"Sorry 'ho pa. Akala ko kwarto ni mama. Di ko sinasadya."

"Its okay sweetheart. Aalis ka?"


The First Kiss of My Last Lover | CompleteWhere stories live. Discover now