Kabanata 40: Ideya

23 2 0
                                    


Kabanata 40

Ideya

Nang dumating ng lunes ay doon na ako ang ayos para sa araw ng aking pasukan. Nasabi ko na kay Natalia ang paguwi ko na nandito na ako sa maynila. Gusto niyang magkita kami pagkatapos ng klase. Sinabi ko lang ang paguwi ko, hindi ko pa sinasabi ang tungkol sa amin ni Craigan.

Paglabas ko ng kwarto, bumungad sakin si Craigan na may suot na salamin, nakayuko sa kanyang libro habang hawak iyon. Kumunot ang noo ko nang napansin ko ang kanyang salamin. Ngayon ko lamang siyang napansin ulit na gumamit non. Nanlalabo na ba ang kanyang mga mata?

Humakbang ako palapit sa kanya, ngunit parang wala siya narinig kahit ang aking hakbang dahil nanatili ang kanyang mga mata roon.

"Hindi mo sinabi sakin na nanlalabo na pala ang mga mata mo?" Tumas ang kilay ko.

Umangat siya ng tingin att ngumiti. Nanlaki ang aking mata dahil mas nagugustuhan ko pagmasdan ang kanyang mukha kapag may suot siyang salamin. Bumaba ang tingin ko sa kanyang labi, naalala ko kung paano ko hinalikan iyon at bumulong sa utak ko ang kanyang daing. Napalunok ako.

"Hindi malabo mga mata ko. Dahil kapag suot ko ang salamin doon ako nakakapagisip ng mabuti at nag seseryoso. Pero 'tong mga mata ko, kahit saan man nakatingin sayo lang nag seseryoso." Kumindat siya.

Ngumisi ako, ramdam ko ang pag init ng aking tainga. Ngumiti siya at parang gusto ko kagatin ang kanyang labi dahil don.

"Pumasok na tayo, baka mahuli pa tayo."

"Hmm . . . kailan mo ako balak papasukin sayo?" Lumapit siya at binagsak ang libro sa sofa. Tinanggal niya ang kanyang salamin kaya nanliit ang aking mata dahil seryoso siyang nakatitig sa akin.

"Craig . . ." Pagbabanta ko.

Nagkamot siya ng ulo at umiwas ng tingin. "Kakainin muna kita bago umalis."

Hinawakan niya ang aking leeg at marahang hinalikan ang aking labi. Tanging labi sa labi lang, pinapakiramdaman kung maiinit o malalig. Ramdam ko ang lamig, tumigil siya sa paghalik at dinilaan ang kanyang labi.

"Kakain muna tayo bago umalis." Pag tatama niya.

Natigilan ako, halos lahat ng parte nang katawan ko ay tumigil. Parang konontrol ng utak kong hindi makagalaw para malaya siyang makahalik sa akin.

"Na-nagluto ka?" Hindi ko kaya mag tagal ang titig ko sa kanya.

"Hindi na ako nakapagluto . . . uhm gusto mo matikman ngayon ang luto ko?"

Ikaw ang gusto ko matikman, Craig. Ngumisi ako sa sinasabi sa aking isipan. Kapag sinabi ko iyon sa kanya ngayon ng harapan at sigurado akong hindi na kami makakaalis pa.

Umiling ako. "Sa school ako kumakain. Mauuna na akong aalis, antayin nalang kita don." Humakbang ako at kailangan ko pigilan ang aking sarili dahil parang tinutulak ako patungo sa labi ni Craigan.

"Leanna sasabay ka sakin." Hinawakan niya ang braso ko kaya napatigil ang aking pagabang humakbang ulit.

Tumango nalang akong hindi lumilingon sa kanya.

Kahit nasa kotse hanggang nakarating sa school, umiiwas ako sa labi ni Craigan. Mabuti na lamang ay tahimik lang siya kapag nag ba-byahe. Seryoso lang ang mga mata sa daan.

Hindi ko mapigilang pagmasdan ang paaralan habang nakatingin sa salamin. Hindi ko inaakalang huling apak na iyon. Hindi ako makapaniwalang makakatungtung pa ako ulit rito.

The First Kiss of My Last Lover | CompleteWhere stories live. Discover now