Kabanata 11: Topic

21 2 0
                                    


Kabanata 11

Topic

Dumiretso ako sa locker ko. Nag hahabol ng hininga nang nakarating roon. Binuklat ko ang locker ko kahit wala naman ako kukunin ay iyon ang hinarap ko.


Lumunok ako nang naalala ko muli iyon. Naalala ko ang puting boxer ni Craigan. Naalala ko din ang kanyang itim na pants na malapit na iyon matanggal. Naalala ko rin ang kanyang mabilis na pag galaw doon.



Bumuntong hininga ako at pumikit ng mariin. Pinipilit na makalimutan ang nakita. Paano niya nagawa iyon? I mean . . . Saan siya nakakuha ng lakas ng loob gawin ang bagay na iyon dito? Sa old library? Hindi ba sila natatakot na mahuli sila kung sino man pumasok doon.


Pinilig ko ang aking ulo. Shit! Shit! Bakit ko ba iyon ang iniisip? Yung notebook ko nandoon! Naiwan ko! Kung alam ko lang dapat iniwan ko nalang iyon dito. Bukas ko na lang iyon lilinisin. Bahala na kung mapagalitan!



"Leanna . . ." Napatalon ako nang may biglang humawak sa aking balikat. Marahas ko na isara ang locker at mabilis humarap. Nakita ko si Craigan. Mapupungay ang kanyang nga mata. Lumunok siya nang nakita ako. Hindi ko mabasa ang kanyang ekspresyon.


"Oh! Craig! Hmm . . . Hi! B-bakit!" Masaya ang aking tono. Pinapakitang wala akong nakita at hindi ako nandoon. Sana hindi nila napansin ang notebook ko! Crap!


Umigting ang kanyang panga. Magulo at mabasa ang kanyang buhok. May pawis pa ang kanyang leeg. Nakita ko ang pagtulo ng pawis niya sa kanyang pisge. Pinahid niya kaagad iyon at umiiwas ng titig sa akin.


Bumaba ang aking paningin. Ang kanyang palad ay nakita ko doon ang aking notebook. Natigilan ako at naramdaman ko ang lakas ng pintig ng aking dibdib. Naramdaman ko din ang pintig sa aking mga daliri. Natakot ako ng nakita ko iyon. Bakit nga pala ako matatakot? E, hindi naman ako iyong may kung ano ginagawa doon.


"Leanna . . " Ulit niya. "N-naiwan mo sa library yung notebook mo." Umangat ang kanyang palad para iabot sa akin iyon. Kinuha ko kaagad sa kanyang kamay.


Tango lamang aking sagot. Umamba akong aalis na sa kanyang harap. Naramdaman ko ang palad niya na dumapo sa aking baywang, kaagad ko iyon hinawi.


"Craig . . ." May pagbabanta ang aking boses. Mas lalong lumakas ang pintig ng aking daliri at mas pinisil ko ang notebook. Baka mamaya manginig ang aking kamay. Bakit niya ginawa iyon?


"N-nakita m-mo i-iyon? Fuck!" Tanong niya at sa huling salita ay binulong niya ang mura. Tumingin ako sa kanya. Hindi umiiwas at hindi pinapakitang natatakot ako sa kanya.


Nakatingin siya sa locker. Umigting ang kanyang panga nang hindi siya sinasagot. Kinagat niya ang kanyang labi.


"Y-yung?" Nanginig na rin ang aking labi. Shit!

"Sa library, Leanna. Wag mong ipakitang wala ka nakita. Alam kong nandoon ka."


"Alam mo naman pala. Bakit kailangan ko pa sagutin mga tanong mo?"


"Sorry . . . Hindi ko-"

"Craig. Kung gusto mo lang ipakita sa akin na tunay kang lalaki. Hindi mo naman kailangan ipakita sa akin ng harapan iyon. Wala naman ako sinabing gay ka. Kaya please, kung gusto mo ng patunay. Wag ang ganoong paraan. Naniniwala naman ako na lalaki ka." Bulong ko para wala makarinig sa sinabi ko.

"Leanna . . . Sorry. H-hindi ko alam na pumunta ka doon."


"Hindi ko rin alam na may tao doon. Sorry."


The First Kiss of My Last Lover | CompleteWhere stories live. Discover now