Kabanata 58: Depressed

17 2 0
                                    




Kabanata 58

Depressed

"Wag niyo sabihin kay Mama ang nakita niyo. Hayaan niyo kong humarap sa kanya." Sabi ko pagkasakay ng kotse. Papunta sa Coffeehouse. "Please!" Dagdag ko nang wala nagsalita sa kanila.

"Masusunod, Ms. Leanna." sumagot na rin sila sa wakas. Sana nga ay sundin nila ang gusto ko. Kahit sinabi ko yon ay hindi ako sigurado kung paano ko ipapaliwanag iyon kay Mama. Alam kong gusto nilang alamin ang tunay na relasyon namin ni Craigan. Ngunit di pa ako handa na ipaalam iyon sa kanila.

Nang nakarating sa Coffeehouse ay nagmadali akong pumasok sa loob at umupo sa dulo. Ni hindi magawang sumulyap sa paligid para hanapin si Jarvis.

Hindi ako sanay na may nagbabantay sakin. Bukod kay Craigan na palagi kong hinahanap ang pagbabantay niya.

Nasira ko ang tiwala ng mga magulang ko, dahil sa nangyare ay mas gugustuhin nilang ipabantay ako. Gusto ko na sana matigil ang pagbabantay sakin dahil kaya ko naman ang sarili ko at hindi gagawa nang hindi magugustuhan nila.

Kaunti lang ang costumer mga ganitong oras. Hindi ko mahanap si Jarvis sa paligid. Nauna siguro ako sa kanya. Nag order ako nang kape, ngunit kahit tikim ay di ko magawa.

Nakalubog ang tainga ko sa palad. Pinagmamasdan ang pader at hinahayaan maamoy ang umuusok na kape sa harapan.

"Leanna... hey?" Suminghap ako at hindi namalayang may kumakalabit sa aking likod. Hindi na ako nakalingon at umupo na sa aking harapan.

Inangat ko ang kape ang sumimsim roon para magising. Dahil pakiramdam ko ay kahit dilat ay nakatulog na ako.

"Are you okay?" Tanong ni Jarvis, may lumapit sa kanya na waitress. Binigay niya muna ang order bago humarap sakin.

Umiling ako. Ayaw ko na mag sinungaling ulit sa aking sarili.

"Nagaalala ka parin ba kay Craigan?"

Tumango ako. "Dahil ako may kasalanan kung bakit siya nalulungkot, ako may kasalanan kung bakit siya depressed."

"Leanna gaya nang sabi mo kanina ay may iba siyang pinoproblema. Hindi mo dapat sisihin ang sarili mo."

"Mahirap ipaliwanag. Ayaw ko na maalala ang nagawa kong mali." Dahil pakiramdam ko ay mas dobleng galit ang matatangap ko kay Craigan tuwing naalala ko ang nangyare sa condo.

"Craigan will understand soon." aniya na parang wala sa sarili dahil walang bakas ang aking sinabi.

"Hindi ako marunong lumaban ng patas. Nasaktan niya ako, tumigil na siya sa pananakit sakin pero binalikan ko parin ang nakaraan, hinarap ko siya para saktan ulit. Kasama ako sa dahilan niya."

"Leanna, Craigan always depressed. Marami siyang pinoproblema, gaya nang mga magulang niya, ginagamit siya. At si Craigan ay nanggagamit na rin." Umiwas siya ng tingin sakin.

"Gaano kayo magkakilala ni Craigan, Jarvis?"

Napalunok siya, hindi muli mapakali ang mga mata.

"Bakit sa maliit na bagay ay mabilis siyang magalit sayo? Bakit lahat nang bagay ay may kahulugan tuwing kasama kita noon? Bakit galit sayo si Craigan hanggang ngayon . . . anong kasalanan ni Craigan?"

"Kasalanan ko, kasalanan ko lahat." bumuntong hininga siya, naghahanap ng hangin. "Nagalit ako kay Craigan noon dahil naagaw niya ang babaeng gusto ko. Umiwas ako sa babae, na nagpapasaya palagi sakin. Magkaibigan na kami ni Craigan, bata pa kami. Dahil kaibigan ko siya, ako na mismong nagkumbaba. Nakikita kong masaya sila dalawa. Nakikita kong minahal siya ni Craigan. Pero nung isang araw, ay nahuli ko siyang umiiyak. Ang mahal ko na akala ko'y hindi niya sasaktan. Nagalit ako sa kanya, galit na galit. Nang nalaman na ginagamit na siya. Mas nagalit ako dahil ginamit siya ni Craigan para sa isang kompanya. Binigay niya lahat kay Craigan pero ang ginanti ni Craigan sa kanya ay pangggamit." Inangat niya ang kape at iniinom yon. "Nilagpasan ko yon, dahil nasa isip ko ay sinabi lang yon ni Craigan para saktan siya, pero hindi, naulit muli. Nalaman ko ang bago niyang babae ay may kompanya na pinangalan sa kanya. Nakilala ko siya, pinakilala siya sakin ni Craigan, sila na yon. Mabait yung babae, napakabait. Marami siyang kaibigan dahil sa kanyang pananalita na walang pananakit kahit siya ay sinasaktan. Ni wala nga kahit isang kaaway, dahil sa kabaitan marami siyang kakampi. Nahulog ang loob ko sa kanya, pero kaibigan ko lang siya dahil meron na nagmamayari sa kanya. Pero habang tumatagal ay nasasaktan ako, nasasaktan ako kung paano siya niloloko ni Craigan. Na hindi talaga siya mahal. Habang tumatagal ay umaangat ang kompanya ni Craigan dahil sa babae niya. Dahil sa galit ko, hinarap ko yung babae, sinabi ko sa kanya ang lahat. Na isa lang ang pakay ni Craigan sa kanya, ang kompanya nila. Hindi siya naniwala sakin. Hanggang sa nalaman niya ang totoo dahil inamin sa kanya ni Craigan. Nang nagkita kami ni Craigan ay bigla niya akong sinapak. Hindi ko na tinanong kung bakit, dahil ako ang gumawa nang mali. Gumanti ako sa kanya, nasira ang pangalan niya nang dahil sakin. Dumating si Aria, tinulungan siya ni Aria umangat muli at linisin ang kanilang pangalan. Kaya hanggang ngayon, galit parin si Craigan sakin."

The First Kiss of My Last Lover | CompleteOù les histoires vivent. Découvrez maintenant