Kabanata 25: Later

19 2 0
                                    


Kabanata 25

Later

Habang nag mamartsa pabalik sa hallway, tinatabunan ko ng aking palad yung singsing na nasa daliri ko parin. Ngunit di ko mapigilang sumulyap palagi roon. Sa ganda pa naman ng sising parang ayaw mo na maalis ang mga mata mo roon.


Binuksan ko ang locker para kunin yung gagamiting libro. Sandaliang gamit lang naman 'tong singsing. Hindi akong papayag na maging akin at mauwi ito.


Binuksan ko ang bag, kinuha ang dalawang novel ng libro. Nakangiti kong pinagmasdan iyon, hindi ko alam kung ilang taon na ako hindi nagbabasa ng ganito. Dahil kapag nabibitin ako sa storya, kahit anong makitang libro na-iintresan ko na at gusto na iyon bilhin. Sana ay hindi maulit iyon dahil ayoko nanamang gumastos ng novels.

Yung isang novel ay iniwan ko saking braso. Yung isa binalik, babasahin ko 'to at yung isa iiwan ko na lang sa bag ko. Baka kasi hindi abutan ng isang araw ang pagbabasa ko nito.

"Leanna!" Bumaling ako sa tumawag at nakita si Jarvis na may hawak ng roses. Lumapit siya sakin nang matapos ko ng ayusin mga gamit ko sa loob ng locker at bag.

"Hi Jarvis!" Bungad ko sa kanya.

"Nakita kong marami kanina nag aabot sayo ng, " nag kibit balikat siya at nagpatuloy. "Roses, hindi na ako nakisawsaw baka kasi naiinis ka na non." May bahid na hiya sa kanyang tono.

"Hindi naman. Ngayon lang ako tumatanggap ng mga ganoon. Kaya kinuha ko na lang."

"Pwede pa ba ako makaabot sayo nito?" Ngumuso siya sa hawak na roses saka diretsong tumingin sakin.

"Oo naman, Jarvis." Sabi ko at tinanggap ang pagbigay niyang roses. Dinapo ko iyon sa aking ilong at inamoy iyon ng sandali. "Thank you!"

Tumango siya at ngumiti sakin. "You're welcome, Leanna."

Kumunot ang kanyang noo at ngayon ko lang na realize na gamit kong pagkuha ng roses ay naroon ang singsing. Umasta ako ng parang wala, dahil magtataka siya kapag kakabahan ako o magtataka nang dahil nakita niya iyon.

"Engaged ka na?" Tumaas ang kilay ni Jarvis sakin.

Nalaglag ang aking panga at mariing napalunok.

"Engaged? Anong engaged? Hindi ako engaged!" Tumaas na ang tono ko dahil sa gulat ng kanyang sinabi. Kinagat ko ang aking labi. "Sorry. Nagulat lang ako. Wala lang 'tong singsing . . . . uhm . . . di diretso na ako sa classroom."

Marahang tumawa si Jarvis. "Okay. See you there."

Nag martsyang patalikod sakin si Jarvis. Sunundan ko ng tingin ang kanyang hakbang at nakita ko sa gilid ng aking mga si Craigan at mabilis kong tinuon ang aking mga mata.

Kaharap niya si Aria na nakahalukipkip. Nag kamot siya ng ulo at napansin ko sa kanyang likod ang hawak na roses. Umiling na lamang siya at inabot kay Aria yung hawak, na parang napilitan lang siyang gawin ang bagay na iyon.

Tinanggap ni Aria ang pagbigay niya ng rose. Sumandal si Craigan sa locker at napansin niya na kanina ko pa sila pinagmamasdan. Mabilis kong iniba ang lugar ng aking paningin.


Pwede siyang magtaka sakin, na nag mumukha akong intresado kung anong meron man namamagitan sa kanila. Pero ang totoo ay wala akong pakealam sa mga nasa aking paligid.

Nang nakarating sa silid ay madali kong binuklat ang novel. Parang hindi na makapagantay ang aking mga daliri at ang mga aking mata na mabasa ang bawat salita sa libro. Wala pa naman ang aming guro at nasa huling row ako. Kaya't may oras pa akong mabasa kahit saglit lang.

The First Kiss of My Last Lover | CompleteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon