Kabanata 10: Something

22 2 0
                                    


Kabanata 10

Something

Nag order ako ng isang cup ng coffee. Wala naman kasi ako magagawa kung dito lang ako tatambay. Mas mabuti nalang nandoon at least mapapanood ko ang kanilang laro.

Sumisimsim ako sa kape habang nag lalakad. Ilang hakbang nalang bago ako makarating sa basketball court ng school.

Nakaupo na ako sa front row ng court. Maraming mga babaeng nanonood.

Nakita ko si Craigan na walang suot na jersey tanging shorts lang. ilang beses siya talon ng talon sa ring para pa shoot niya iyon ng perpekto. Kahit di na siya tumalon ay kaya niya naman ma shoot ang bola doon.

Nakita ko si Jarvis na nakayuko sa bench sa kaliwang front row. May kinukuha sa loob ng bag.

Si Freidkin naman ay may mga kausap na babae at nakasuot siya na jersey. Meron paparating na tatlong lalaking naka jersey din. Sasali rin sa laro nila.

Mag isa lang akong nakaupo sa front row. Matagal sumimsim sa kape habang pinagmamasdan si Craigan na naglalaro.

Na shoot niya ang isang bola at dumiretso doon sa mga kasama kung naasan sila Jarvis at Freidkin.


Uminom siya ng tubig at tumingin siya patungo sa akin. Umiwas ako ng tingin at pinasadahan ang hawak na kape.


Matagal pa naman ang susunod naming klase. Kaya't marami din siguro nag lalaro.


Binalik ko muli ang paningin kay Craigan. May kausap siyang babae. Nakatalikod iyon sa kanya at may kinuha sa isang bag na siguro ay kanya iyon. Nilabas ng babae ang puting towel. Umiling si Craigan at hinawakan ng babaeng estudyante ang kanyang braso na pinipilit na tumalikod. Tumalikod na lamang si Craigan. Nakaharap siya sa akin habang pinupunasan ang kanyang likod.


Oh! Girlfriend niya siguro iyon. Imposible namang hindi. Mga couple lang naman ang gumagawa ng ganoon. Nag kibit balikat ako at inubos na iyong hawak na kape.


Di parin ang sisimula ang laro. Nag uusap pa ang mga grupo nila. Nag pa-plano ba sila? Siguro.

Nahagip ko ang pagtitig ni Craigan. Hindi ako umiwas ng tingin. Nakatitig din ako sa kanyang mga mata. Nang nalaman niyang di ako umiiwas ay siya mismo ang umiwas ng tingin. Kumunot ang noo ko. Bakit siya umiiwas ng tingin?


Humarap na iyong babae sa kanya. Umambang pupunasan naman ang kanyang katawan. Ngunit hinawakan niya ang braso ng babae at kinuha sa palad ang puting towel.


Umiling si Craigan sa kanya at pinunasan na ni Craigan ang kanyang dibdib. Tinalikuran ng babae si Craigan at umupo ulit kung saan siya kanina.


Binaba ko ang plastik coffee cup na kanina pang ubos. Nakita ko na patungo na sa akin si Craigan. Tumakbo siya patungo sa akin. At nag lakad na nang tatlong hakbang na lamang bago siya makarating sa inuupuan ko.


Yumuko ako at bumuntong hininga. Hindi ba sila maglalaro?


"Hey!" Umupo si Craigan sa tabi ko. Tumingin ako muli sa basketball court. Pinagmasdan na lamang sila Jarvis.


"H-hey." Malambot kong sabi. "Tapos na ba ang laro? Hindi siguro ako nakaabot."


"Not yet. Inaantay pa namin sila. Fourty five minutes pa naman bago mag simula ang susunod nating klase."

"Oh! Great!" Hindi parin ako bumabaling sa kanya. "May something ba kayo ni-"

"Yung babae kanina? Wala. Leanna. Wala. She's just my friend."


The First Kiss of My Last Lover | CompleteWhere stories live. Discover now