Kabanata 56: Often

20 2 0
                                    



Kabanata 56

Often

Wala na akong nararamdamang panghihinayang, pagsisi, takot, pagkabigo, galit pagkatapos non. Masaya ako dahil nasisimulan ko na baguhin ang aking nararamdaman. Na parang wala lang lahat. Isang pagkakamali na mabilis mabura at makalimutan.

Mag-isa akong umuwi. Nag taxi ako at bumalik ang takot nang narinig ang malakas na boses galing sa loob habang nasa tapat na ng pinto. Kumatok ako kasabay ng pagbukas.

"Hindi ba binilin ko siya sainyo? Bakit hinayaan niyo siyang mag-isa? Napakahirap bang gawin yon?" Tono iyon ni Mama at napagtanto na nasa mesa sila.

"Mrs. Ortega pinayagan kami kumain ni Miss Leanna. At siya na mismong nagsabi na antayin namin siya sa may parking lot baka matagal siya—"

"Diba sinabi ko kahit ang anino niya at bantayan niyo? Na hindi siya nawawala sa paningin niyo. Anong ginagawa niyo dito? Nagsusumbong embes maghanap?"

"Mrs Ortega may pinadala kami ibang kasama. Nagtungo kami rito para ipaalam ang nangyare. Dahil kami lamang ang makakapaliwanag ng maayos."

"Kayo nakakaalam kung saan una nawala bakit di nalang—Oh god!"

"Ma." Halos bulong ko na nasabi iyon nang nanginiginig maglakad palapit. Nakatayo si Mama habang ang dalawa na kinakausap niya ay nakayuko. Nahuli ko pang umiiling si Papa.

"Leanna!" Bumungad si Mama sakin nang nakangiti. Napilitan rin akong ngumiti pabalik, at yumuko. "Sorry 'ho hindi ako nakauwi kaagad. May nangyare kasi sa kaibigan ko na nasa parking lot kaya tinulungan ko. Pasensya 'ho talaga. Di na mauulit." Huminga ako nang malalim para tumingin sa kanya. "Ako 'ho ang may kasalanan. Dahil biglaan lang akong nawala."

"Mag ayos ka na. Kakain na tayo." Sambit ni Papa sa iritadong tono.

"Sorry pa, sorry ma." Hindi na muli ako sumulyap ng isang beses. Nakayuko akong naglakad paakyat sa hagdan.

Napapikit ako nang nakarating sa kwarto. Binilisan ko kaagad ang pagpalit. Saka nalang ako maliligo pagkatapos naming kumain.

Bumuntong hininga ako at umupo sa mesa. Kinakabahan ako dahil katahimikan ang bumabalot samin. Wala na ang dalawang bodyguard sa paligid. Taging kami tatlo lamang sa mesa. May lumapit na kasambahay at nilagyan ng tubig ang aking baso, ngumiti ako para sa pagsasalamat.

"Eat." ani ni papa kaya nagmadali akong kumuha ng pagkain na hindi sigurado kung ano mga yon. Kaharap ko si mama na nagsisimula na kumain. Habang si papa nakaupo sa dulong harapan.

"Sinong kaibigan yan, sweetie?" tanong ni Mama.

"Uhm schoolmate." Sagot ko.

"Schoolmate huh?" mausisang tanong ni Papa kaya bumaling ako sa kanya.

"Yes—"

"Ano ba talagang nangyare at mukhang tumakas ka?"

"Marami siyang bitbit. At na pilayan yung paa niya, nadulas daw siya. Kaya napagdesisyunan kong tulungan siya kasi nagpupumilit siyang gamitin ang kotse na hindi pala ayos yung paa." Paliwanag ko kay Papa na hindi winawala ang mata para hindi mahalata ang aking pagsisinungaling.

"Oh it's okay. Emerson, tinulungan lang pala niya ang kaibigan—"

"Gusto ko lang nang paliwanag. Gusto ko, bago dumaan sayo ang lalaki ay sa akin muna siya magsisimula hmm?" ani ni papa na hindi pinapatapos si Mama. Ngumingiti lang sakin si Mama na nagsasabi ang ekspresyon na um-oo nalang.

Napalunok ako. Kahit hindi naman sakin sabihin iyon ay wala na akong balak pumasok pa sa isang relasyon. Saka na muna iyon. Dahil masisira lang ang ideya ko sa buhay kapag sinaktan ako. Nadala na ako, kaya di na ako uulit pa. "Oo naman 'ho, pa. Sorry talaga kasi pinaantay ko kayo."

The First Kiss of My Last Lover | CompleteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon