Kabanata 24: Silver

18 2 0
                                    



Kabanata 24

Silver

Sa Accounting Office ako nagtungo. Nabili ko ang lahat ng libro at kulang pa ang pera para mabarayan pa ng buo ang tution fee kaya saka ko nalang iyon babayaran. Kailangan ko daw hulugaan iyon monthly o bayaran na ng buo. Gagawin ko rin iyon kung makapagipon na ng mataas. Nasa bahay ang tirang pera, hindi ko na dinadala baka kasi magastos ko.


Hindi ko alam kung bakit hindi nakisali si Craigan sa groupong yon. Tahimik nanaman siyang mag isa. Pero nakakapagtaka, bakit ako lang ang may board doon. Hindi naman siguro na ako lang meron, yon lang kasi ang napasin ko.

Nang nakalabas sa Accounting Office sinalubong ako ng hindi pamilyar ng mga babae. "Leanna! Sana mapili ka!" Yung isa roon ay natandaan ko, yung kumausap sakin noon sa rest room.

"Kami mag bu-boto sayo."

"Yeah! Marami namang boys diyan sa labas diba?"


Tumango ako at pilit sila nginitian lahat.


"Sila. Sila-sila yung bu-boto sayo!"

"Salamat." Tangi kong nasabi. Nang hingi pa nga sila ng selfie, wala na akong nagawa kung hindi makipagpicture nalang rin.

Dumiretso ako sa locker para ilagay lahat ng libro. Nakangiti ako habang tinintingnan iyon isa-isa. Na kompleto ko rin itong bilhin. Tangi ko nalang po-problemahin ay iyong tution fee o ano pang bayaran.


May naramdaman akong tumikhim saking likod. Alam ko nanaman na may aabot kung ano sakin. Nag patuloy parin ako sa pag aayos.


"You look happy huh?" Nang napagtannto ko iyon kung sino, unting unti napawi ang ngiti ko. Tono iyon ni Craigan! Natatandaan ko dahil madalas siyang kumakausap sakin.

"Oh . . . . you don't look happy to see me huh . . . hmmm?" Kinuha ko sa plastik bag ang kakailanganin kong libro at pinasok na ng diretso iyong plastik na may laman pa. Saka ko na lang ito aayusin ang pagkalagay.

"May kailangan ka ba?"

"Hmm . . . yeah!"

Lumingon ako sa kanya at napaawang ang bibig nang nakita sa kanan niyang palad ang tatlong stem ng pulang roses, sa kaliwang palad ay meron siyang hawak na hugis parisukat na kahon at nakabalot iyon ng pulang papel at may malaking puting rose na nasa gitna nito.

Ngumiti siya ng sandali at ngumuwi dahil rin agad dahil hindi umiba ang aking ekspresyon, nanatiling nakaawang ang labi.

"Uhm . . . wow!" tamad at walang ibang ekspresyon ang tono nang sinabi iyon. Kailangan ko 'to tanggapin kahit . . . . ngayon lang.


"Craigan . . ." Ngumiti siya at luminaw ang ekspresyon, humakbang pa ng isang beses. Natamaan ng dibdib ko yung roses na inaabot niya. Napalunok ako. "Gusto kong sabihin na-"

"Na ano?" Ngumiti siya lalo. Nag salubong ang kilay ko.

"Ngayon lang 'to. Ngayon lang ako tatanggap ng ganito. Bukas, hindi na."

Suminghap siya. "Alright. Sure. No problem." tumango siya. "Tatanggapin mo?"

"Oo. Ngayon lang." kinagat ko ang aking labi. Ngumisi siya at tinanggap ang kanyang inaabot. Nakita kong unting unti namula ang kanyang pisnge.

Sa kanan kong palad tinanggap ang tatlong roses. Inabot niya sa kaliwang kamay ko ang pulang box, naramdaman ko ang bigat ng laman non. Kumunot ang noo ko.

"Anong laman nito?" Nanatili siyang nakangiti sakin.

"Uhm . . . Alamin mo." Ngumisi siya.

The First Kiss of My Last Lover | CompleteWhere stories live. Discover now