Kabanata 29: Desisyon

23 2 0
                                    





Kabanata 29

Desisyon

Nakatulog ako sa pag desisiyon-desisyong ang gusto ko mangyare ngayon, at ayaw ko na patagalin pa. Alam kong masasaktan ako dito, hindi talaga para sakin ang pangarap ko. Hindi para sakin ang ginugusto ko.

Hindi talaga para sakin ang gusto ko maranasan. Nakapagdesisyunan ko nang tumigil ang pagaaral. Hindi sapat ang trabaho ko ngayon para doon, at ayaw ko na rin iyon pagipunan pa. Makikiusap ako bukas, tatapusin ko ang araw ng natitirang trabaho ko.


Wala na ako lakas ng loob para tumuloy, lahat ng salitang nagpapalakas sakin, nagtutulak para sa gusto kong pangarap ay nawala na isang iglap. Masama ang loob ko, hanggang ngayon, hindi ko alam kung mawawala ang nararamdaman ko. Minutong mawawala, ngunit bumalik kapag naalala na ang mga gusto ko mangyare sakin, lahat ng planong gusto.


Dahil sa salitang binaggit ni tita Nira, nawalan na ako ng loob, nanghina na ako, nawalan na ako ng lakas lumaban sa gusto kong pangarap. Gusto ko kalimutan iyong narinig ko, pero hindi ko magawa dahil napakasakit parin sakin ang tungkol don. Nakahilig parin ako sa dibdib ni Craigan, alam kong tulog na siya dahil sa mahaba kong pagiisip at iyon na ang huli kong desisyon.


Nag desisyon na rin akong uuwi sa probinsya, hindi para mag aral, kung sana pwede ko doon maalis ang sama ng aking loob. Doon muna ako nina Lola at Lolo, sila nalang ang tangi kong makakasama. Tumulo ang isang patak kong luha sa kanyang balat bago ko binagsak ang aking mga mata para matulog na rin.


Naramdaman kong may buga'ng hininga saking noo. Maaga akong nagigising pero sasanayin ko ang aking sarili na hindi na ganitong oras magiging-kahit anong oras na lang dahil wala na ako magagawa sa buhay ko ngayon.


Natigilan ako nang naramdaman ang aking palad na-nasa gitna ng pants ni Craigan roon. Nanlaki ang aking mata nang ngayon ko lamang naramdaman ang kanyang umbok doon.


Halos gusto ko nag mura, nanlamig ang aking sikmura at inalis ko ng dahan dahan ang aking kamay. Naramdaman ko ang kamay ni Craigan nanatiling nasa likod ko-hanggang ngayon ay mahimbing parin siyang natutulog.


Marahan kong binagsak ang aking kamay sa kanyang dibdib. Napalunok ako. Nahirapan ako gumalaw dahil sa kamay niya, lumipat iyon saking bewang.

Nanliit ang aking mata, ito yung una kong may makasama sa kwarto-makasama sa ibang taong kwarto, at sa mismong lalaking kwarto pa. Ito rin ang unang lalaking, iniyakan ko ng mga problema ko. Napakagat ako ng labi sa mga narealize ko. Kung nakadamit siya ngayon, siguro ay bakat ang mga patak ng luha ko roon.


"Craigan." Tinapik ko ang kanyang dibdib, hindi siya umimik. Nanatiling tulog. "Craigan, gising na." Tinapik ko ang kanyang collar bone.


"Leanna matulog ka lang!" Iritado niyang sabi. Gusto ko umangat ng tingin para tignan siya. Hindi ko alam bakit gusto ko pa humiga, sa katawan niya, inangat ko ang aking ulo at hinawi ang kanyang kamay saking likuran.

Nanatili parin siyang tulog. "Craigan may pasok tayo-" hindi na pala ako mag aaral. "May pasok ka pa." Pagtatama ko.


"Just sleep okay." Kinuha niya ang kumot at nilapag iyon sa kanyang katawan.


Bumuntong hininga na lang ako at kinuha ang susuoting damit sa bagahe, halos lahat nang iyon ay magulo saka ko na ayusin ang mga gamit ko kapag unting unti na humupa ang problema ko, ngayon ko lahat tatapusin iyon, at doon na ako sa probinsya para makasama na rin sina Lolo at Lola.


Naaala ko nang umalis ako doon-ang pilit na ngiti ni Lola Linda. Ang pagiiwas ng tingin ni Lolo Pab sa amin at hindi pa araw iyon ng alis namin. Nag aayos pa kami non, bago ako umalis ay pinilit kong hindi ma miss sila. Sabi ni Lola ay uuwi pa naman ako doon at wag ko siya laging aalalanin dahil mawawala ang focus ko sa ibang bagay kapag sila lang inaalala ko, ngunit sa kalagayan ko ngayon, sila na lang ngayon ang inaalala ko.


The First Kiss of My Last Lover | CompleteWhere stories live. Discover now