Chapter 113

16 5 0
                                    

Chapter 113

"QING wangye?" Tawag ni Li Yong sa batang nagtatangkang pumasok sa loob ng silid ni Yi Jian. Mabuti na lamang at wala sa loob si Yi Jian dahil nasa loob ito na palikuran at naliligo. "Anong ginagawa mo dito at ano ang laman ng hawak mo?" Tukoy niya sa supot na hawak nito.

Bigla namang nataranta ang batang wangye, mabilis tinago sa likod ang hwak. "Kung ano man ang hawak ko ay wala ka ng pakialam! Isa ka lamang mababang-uri ng tagasilbi na panauhin ng aking ama, anong karapatan mong tanungin ako?"

"Tagasilbi?" Napikon si Li Yong sa tinawag nito sa kanya. "Hindi kami mga tagasilbi ni Yi Jian! Kaibigan niya kami na narito para protektahan siya sa ama mong hari! Kaya patingin ng hawak mo!" Pinipilit niyang kunin sa likod nito ang hawak pero matigas ito, kinagat pa nito ang braso niya na naging dahilan para mapasigaw siya. Nabitawan niya tuloy ito kaya nakatkbo.

"Yong shaoye! Anong problema?" Si Ouyang ay napalabas na rin ng silid matapos marinig ang sigaw niya.

"Tss, ang batang iyon kinagat niya ako!" Inis na sumbong niya kay Ouyang.

Napatingin naman si Ouyang kay Qing wangye na nasa malayo na at inaasar pa sila sa pamamagitan ng paglabas ng dila nito at pagpalo sa sariling puwet.

"Kung hindi lang siya wangye ng palasyong ito ay sa malamang nabatukan ko na siya!" Nainis na rin si Ouyang dahil hindi pa rin ito umaalis at patuloy pa rin silang inaasar.

"May hawak siya sa kanyang kamay. Nakita ko siyang palihim na  nagmamatyag, sa tingin ko ay balak niyang gamitin iyon sa silid ni Yi Jian. Kailangan natin makuha iyon."

Napatango si Ouyang sa sinabi ni Ouyang kaya naman sabay silang tumakbo at hinabol ang batang wangye. Si Qing wangye naman ay tuluyan nang nakalabas ng bakuran ni Yi Jian, tawa ito nang tawa habang nagpapahabol sa dalawa. Hanggang sa makarating sila sa bakuran ng hari, huminto si Qing wangye roon habang sa mga mata ay kitang-kita ang panghahamon nito sa kanila. Hamon na makakaya ba nilang pasukin ang bakuran nang mismong hari?

"Yong shaoye, huwag na lang natin patulan ang batang wangye. Natitiyak ko na kaya niya tayo dinala dito ay para magkaroon ng pagkakataon ang kanyang amang hari na mailayo tayo kay Yi shaoye. Hindi tayo dapat na mahulog sa patibong nila." Awat ni Ouyang kay Li Yong nang mapagtanto ang balak ng batang wangye sa kanila.
Nauyom naman ni Li Yong ang kamao, naaasar siya dahil pinaglalaruan lang sila ng isang bata. Gustong-gusto niyang hablutin ang leeg nito para sakalin! Pero hindi maaari, tama si Ouyang, baka nga isa itong patibong ni Haring Kai. Alam nito ang pagpoprotektang ginagawa nila kay Yi Jian kaya naman binabalak na silang dispatsahin sa pamamagitan ng batang wangye, sa oras na may mangyaring masama dito ay paniguradong sila ang mananagot. Kaya naman lumayo na sila at kinalimutan na ang panggigigil sa bata.

"Gusto ko lang makipaglaro! Bakit ayaw niyong samahan ako?"

"Qing wangye, pakiusap, huwag mo kaming linlangin. Ginagawa mo ang pang-asar na ito sa amin dahil gusto mong magalit kami sa 'yo. Sa oras na mangyari iyon ay kami ang mananagot sa hari, makakaya niyang paslangin kami anong kahit oras man niya gustuhin." Mahinanhong sbai ni Ouyang.

Nanahimik naman si Qing wangye at nasundan sila ng tingin. Mayamaya ay tumakbo ito papasok sa loob ng bakuran ng hari at doon nila narinig ang malakas na tili ng isang babae. Dahil sa kuryusidad ay sumilip sila at doon ay nakita nila ang namumutlang babae at si Qing wangye na nakaupo sa lupa. Kahit ang batang wangye ay kakikitaan din ng pamumutla.

"H-hindi ko sinasadya! Nakaharang ka sa daan at—"

Natigilan sa ibang sasabihin si Qing wangye nang biglang magsiluhuran ang mga tao sa kanyang paligid. Puno ng pangamba ang mga mata na lumingon siya, doon ay nakita niya ang kanyang amang hari.

Unwritten MemoriesWhere stories live. Discover now