Chapter 65

14 6 0
                                    

Chapter 65

HINDI mapigilan ni Yi Jian ang mamangha sa napakagandang tanawin na nakikita niya ngayon. Isang malawak na ilog na maihahalintulad niya sa salamin dahil sa sobrang linis ay makikita na ang kung ano ang nasa ilalim, may mga malalaking bato sa gilid na naliligiran naman ng mga damo, meron din water falls siyang nakikita at napakasarap sa pandinig ang pagbagsak ng tubig. Napatingin siya sa taas, bale dalawang ilog pala ang nandito. Pinanood niya ang daloy ng tubig, papunta iyon sa kanlurang bahagi ng palasyo.

"Dito mo ba ako balak dalhin kung sakali na napatulog mo ako?" Nakangiting tanong niya kay Li Yong nang balingan niya ito.

Napakamot na tumango naman si Li Yong pagkuway bumaba ng kabayo at itinali iyon sa puno.

"Mabuti na lang at hindi mo ako napatulog. Ang ganda ng lugar na ito, sayang kung hindi ko makikita." Sinadya niyang huwag sabihin kay Li Yong na nakaratimg na siya dito noon. Bumaba na rin siya ng kabayo at ibinigay iyon kay Li Yong para itali ang renda sa puno. Lumapit siya sa mga bulaklak at hinaplos iyon. Hindi alam ni Yi Jian pero nakaramdam siya ng saya matapos niyang haplusin ang mga iyon.

"Nagustuhan mo ba ang lugar na ito?"
Napalingon si Dou Ji dito. "Oo." Simple niyang sagot na ikinangiti naman nito.

Ilang sandai pa ang lumipas at nagpasya silang sumuong sa ilog para manghuli ng isda. Hinubad niya ang sapatos at bahagyang itinaas ang trousers niya para hindi mabasa. Huhulihin niya sana iyon gamit ang kamay niya pero mabilis na nakawala ito agad. Nang bigla ay dumating si Li Yong, may dala-dala itong pana at palaso. Sumuong din ito sa tubig pagkuway tinarget na ang isda. Dalawang isda ang nahuli nito. Nilinisan iyon ni Yi Jian pagkuway inihaw na nila iyon.

"Ngayon na tayong dalawa na lang ang nandito. Anong gusto mong sabihin sa akin?" tanong ni Yi Jian habang inaayos ang kahoy na nagbabaga.

Napatitig ito sa kanya pagkuway napalunok. Pero nag-iwas din ng tingin nang balingan niya ito. "Gusto mo na bang bumalik ng palasyo?"

Natawa si Yi Jian. "Hindi naman kaya lang ay umalis tayo ng palasyo na hindi nagpapaalam kay Lie Feng, siguradong hahanapin niya tayo."

"Tss, ikaw lang ang hahanapin niya." Nakasimangot nitong sabi pagkuway binaliktad ang nakatuhog na isda sa ibabaw ng mga baga. "Yi Jian, gusto kong malaman kung bakit hindi ka nagalit sa hari noong halikan ka niya?"

Napakurap siya. "Ang tinutukoy mo ba ay noong nakabihis babae ako. Iyon ba ang dahilan kaya nasabi mong galit ka sa akin?" Hindi ito sumagot, napayuko na lang. "Huwag mong sabihin na may pagtingin ka sa hari kaya ka nagalit sa akin?" Mangha niyang sabi.

"Hindi siya ang gusto ko!" Pasigaw na sagot nito. "Sagutin mo na lang ang tanong ko."

Natawa si Yi Jian sa naging reaksyon nito. "Hindi ako nagalit."

"Bakit?"

"Noong una akala ay simpleng paghanga lang ang nararamdaman ko pero hindi pala, mas malalim pa doon. Mahirap ipaliwanag."

"Kung ganoon, mahal mo siya?"

Napakamot ng ulo si Yi Jian. "Parang ganoon na nga." Alanganin siyang tumawa pero hindi dahil naiilang siya sa pinag-uusapan nila kundi dahil sa hindi niya maintindihan kung saan papunta itong usapan nila. "Bakit mo ba ako tinatanong ng tungkol doon?"

"Dahil gusto kita."

Biglang napatingin si Yi Jian kay Li Yong. "Ha?"

"Gusto kita. Ikaw ang gusto ko. Iyon ang nais kong sabihin sa 'yo." Buo ang boses na sabi nito sa kanya habang titig na titig sa kanyang mga mata.
Napangiti na lang si Yi Jian sa narinig mula kay Li Yong. Ngayon ay naiintindihan na niya ang dahilan kung bakit ito galit sa kanya. Hindi ito literal na galit sa kanya kundi galit ito dahil sa nararamdamang kakaiba para sa kanya. Tumayo siya at tumabi kay Li Yong pagkuway ginulo ang buhok nitong maayos na nakapusod.

Unwritten MemoriesOnde as histórias ganham vida. Descobre agora