Chapter 108

16 6 0
                                    

Chapter 108

"BATID ko na kanina ka pa nakikinig sa aming usapan, Liu Xue. Lumabas ka na." Mayamaya ay narinig ni Liu Xue na sabi ng ama. Agad naman siyang lumabas sa pinagtataguan at humingi ng tawad dahil sa pakikinig ng lihim.

"Ama, bakit hindi niyo sinabi ang totoong dahilan kung bakit niyo siya hinahanap? Binigyan mo pa siya ng isang napakagandang regalo." Hindi niya maiwasang magalit dahil sa inis at inggit na nararamdaman. Akala niya kasi ay mapapagalitan ito, gusto niya sanang asarin ito kinabukasan pero kabaliktaran ang nangyari.

"Para ano at pagagalitan ko siya?"

"Pero sinabi sa inyo ng kawal na tagapagbantay ni Dou Ji na sumama siya sa dati niyang kaibigan na si Shu at—" biglang nag-iba ang timpla nito.

"Ang batang iyon. Binalaan ko na siya na huwag lalapit kay Dou Ji pero matigas ang ulo niya." Kuyom ang kamao na sabi nito. Tumingin ito sa kanya. "Alam kong narinig mo ang mga sinabi ng kawal na nag-ulat sa akin kaya akala mo ay pagagalitan ko si Dou Ji, tama ba?"

Natahimik naman si Liu Xue. Akala niya ay siya ang pagagalitan nito dahil sa ginawa niya pero inaya siya nitong umupo. "Ang paniniktik at pagkakaroon ng mga mata at tainga sa paligid, kailangan mo pang paghusayang mabuti dahil kulang-kulang ang mga impormasyong nakakarating sa 'yo."

Napatitig na lang siya sa ama. Narinig niya ang ulat na sumama si Dou Ji kay Shu at nalaman din niya na naghalikan daw ang dalawa at muntik nang may mangyari sa mga ito. Pero base kay Dou Ji na dumating na problemado ay sa tingin niya ay tama ang kanyang ama na kailangan pa niyang husayan ang paniniktik na ginagawa niya.

"Ama, matagal ko na itong gustong malaman. Bakit napakahalaga sa 'yo ni Dou Ji? Hinayaan mo pa siyang tawagin kang ama matapos mo siyang ampunin. At noong unang magpakita si Shu sa entrada ng palasyo, bakit ipinautos mo na itikom ang aming bibig para hindi malaman ni Dou Ji na dumatimg ang kanyang kaibigan? Matagal na niya itong hinahanap, 'di ba?"

"Ang batang iyon ay masamang impluwensya kay Dou Ji. Isa siyang immoral at nakakadiring nilalang. Ayokong idamay niya si Dou Ji sa misirableng buhay meron ito dahil magiging kahihiyan iyon sa aking reputasyon." Gigil na sabi nito. "Liu Xue, gusto mo bang malaman kung pinoprotektahan ko si Dou Ji?" Tumango siya bilang sagot. "Anak siya ng nakakabata kong kapatid na matagal nawalay sa ating pamilya nang dukutin ito noon. Siya ay pamangkin ko at iyong pinsan."

Ilang ulit na napakurap si Liu Xue, ina-annalize ang narinig sa ama. "Totoo ba?"

Tumango ito. "Ang lihim na ito ay hindi nararapat na malaman ni Dou Ji. Alam kong maraming katangungan ang maglalaro sa isip niya at ayokong guluhin ang isip niya." Napalunok na lang si Liu Xue. Hindi siya makapaniwala sa mga narinig. "Ngayong alam mo na ay inuutos ko na palagi mong samahan si Dou Ji sa lahat ng lakad niya. Huwag mong hayaan na makalapit sa kanya si Shu. May mga kawal din na lihim na susunod sa inyo at sa oras na makita si Shu ay agad na dadamputin. Kailangan na tuluyang mawala ang batang iyon, naiintindihan mo ang ibig kong sabihin, hindi ba, Liu Xue?"

"Naiintindihan ko, ama."
_____

MARAMI ang humanga sa espadang iniregalo ni Ming Jiangjun kay Dou Ji. Sa tuwing mag-e-ensayo siya gamit ito para masanay siya sa may kabigatang espada ay hindi maiwasang titigan siya ng ibang mga kawal at tagasilbi. Bagay na bagay daw sa kanya ang kulay ng espada at nailalabas daw ng bawat wasiwas niya ng talim ang galing niya sa paghawak nito. Ayaw niyang maniwala, hindi siya ganoon kagaling sa paghawak ng espada at alam niya na marami pa siyang dapat na matutunan.

Nahihiya si Dou Ji sa tuwing pupurihin siya kaya minsan ay iniwan niya ang espada sa kanyang silid at ibang espdang ang ginamit niya pero nalaman iyon ni ama at pinagalitan siya. Pinarusahan siya nitong basahin ang isang libro ng mga tula para i-memorya at isalin ang kahulugan ng bawat tula. Dalawang araw siyang nagkulong sa kanyang silid para memoryahin iyon at kahapon lang siya nakalabas dahil ipinatawag na siya ng ama para i-recite ang mga nabasa niya.

Unwritten MemoriesWhere stories live. Discover now