Chapter 24

74 10 14
                                    

Chapter 24

"SA wakas at nagising ka rin," bungad na sabi ni Dou Ji nang makitang bumangon na si Liu Xue mula sa kinahihigaan nito. Nandito sila ngayon sa malaking kuwarto na ipinaokupa sa kanila ng palasyo. Katapat lang ng kanilang tirahan ay ang tinitirhan ng hari at sa tabi ng hari ay ang kay Xian Mu naman.

Napahawak sa sariling ulo si Liu Xue, hinihilot-hilot ang sintidong nananakit. Hindi niya ito pinansin, patuloy lang siya sa pagpupunas ng kanyang espada.

"Anong nangyari kahapon?" tanong nito nang makalapit sa kanya.

Ibinalik niya sa scabbard ang espada. "Naglasing ka kahapon at muntik mo nang ipahamak ang ating kaharian." Kumunot ang noo nito. "Sinugod mo si Lie Feng. Mabuti na lang at napigilan kita kung hindi ay siguradong magbubunga iyon ng hidwaan ng kaharian natin at ng Han. Alam mong maaari natin kalabanin ang lahat pero hindi ang Han."

Naupo ito sa katapat niyang upuan pagkuway natawa na lang bigla. "Naalala ko na ang ginawa ko. Pasensya ka na, hindi ko lang talaga nakontrol ang sarili ko kahapon."

Pagak siyang natawa. "Pero hindi mo talaga natanggap ang pagkatalo mo kay Lie Feng, 'di ba?"

Masama itong tumingin sa kanya. "Hindi siya karapat-dapat na makalaban mo. Sa paghahamon na ginagawa niya sa 'yo ay parang minamaliit niya lahat ng mga nakalaban mo. Ang taas ng tingin niya sa kanyang sarili. Akala ba niya ay matatalo ka niya? Tss, may araw din siya sa akin."

Napailing na lang si Dou Ji. "Tigilan mo na si Lie Feng. Isa pa ay hindi niya intensyon na talunin ako, gusto niya lang malaman kung gaano na siya kalakas at gusto niya lang din na matuto mula sa akin."

"Pero—"

"Malinaw na tinalo ka niya. Napanood ko nang buo ang naging laban niyo. Kahit ilang beses na siyang bumagsak ay patuloy pa rin siya sa pagtayo, lumalaban pa rin siya kahit sugatan na siya. Natalo ka dahil mas pinairal mo ang pagkainis mo sa kanya. Napakabata pa niya pero ipinakita niya agad sa atin ang kalidad na isang tunay na mandirigma."

"Hinahangaan mo ang batang iyon?" Seryosong tanong nito.

Napangiti siya. "Bakit hindi?"

"Mas matagal mo akong nakasama pero mas hinangaan mo pa siya kaysa sa akin. Tss, hindi ko gusto ang taong iyon."

"Bahala ka. Siyanga pala, mag-ayos ka na dahil balak ni Emperador Hen Hao na ipasyal ang mga hari sa buong kapitolyo."

"Ipasyal?" Napangisi ito. "Tss, parang bata."

"Dahil bata pa naman talaga ang emperador." Binatukan niya ito. "Mag-ayos ka na. Hihintayin kita sa labas."

"Ji, mabuti na lang talaga at napigilan mo ako."

Napangiti si Dou Ji. "Kontrolin mo ang iyong emosyon. Nasa sentro tayo ng kapitolyo kaya nararapat lang na umayos tayo."

Pagak na natawa si Liu Xue. "Nagsalita ang magaling komontrol ng kanyang emosyon. Alam natin pareho na sa ating dalawa ay ikaw ang mas nangangailangan na kontrolin ang sariling emosyon."

"Tss, hangga't wala akong nakikitang mali sa aking paligid ay wala ka dapat ipangamba."

Ilang sandali pa ang lumipas at nasa malawak na hardin na ang mga hari at emperador, naroon na rin ang mga kabayo na gagamitin ng mga ito sa gagawing pamamasyal sa buong kapitolyo. Gusto ng batang emperador na ipakita sa mga ito ang mga nagawa nitong proyekto. Para na rin maisipan ng mga ito na mag-angkat ng mga gamit mula sa Han.

Napatingin si Dou Ji kay Xian Mu. Nakangisi ito habang nakatingin sa batang emperador. Sa tingin niya ay ngayon na nito gagawin ang binabalak na masama laban dito. Nauna nang sumakay si Emperador Hen Hao sa kabayo, kasunod nito si Lie Feng at Yue Guang. Nagsipagsunuran na sila dito.

Unwritten MemoriesWhere stories live. Discover now