Chapter 75

30 6 0
                                    

Chapter 75

NAPANGISI na lang si Dou Ji habang pinagmamasdan si Liu Xue na natatarantang tumatakbo palapit sa kubo nito. Bumalik si Dou Ji sa ibabaw ng bundok para malaya niyang makita ang mga nangyayari sa ibaba. At nakuha niya ang gustong mangyari. Patuloy pa rin na nasusunog ang kubo habang sumasabog ang mga kagamitan sa loob. Malalakas ang pagsabog at rinig na rinig iyon sa buong kaharian. Inaasahan niya talaga na pupunta si Liu Xue dito.

Ilang sandali pa ay nakita niyang bumalik ito sa dalampasigan, hindi nito kinaya na makita ang mga armas na pinaghirapan nitong maiangkat ay tuluyan nang maging abo. Kitang-kita niya ang galit sa mukha nito, wala itong ibang mapagbuntungan ng galit kaya sinalakay nito ang mga kasama. Napailing na lang siya habang pinapanood ito na isa-isang pinapaslang ang mga kasama.

Ibang-iba ka na talaga, Liu Xue. Kahit na kailan ay hindi ko inasahan na makikita ka sa ganitong estado. Nakakaawa ka.

Umalis na Dou Ji sa bundok, sunod naman niyang pupuntahan ang bayan ng Zhuliu para tingnan ang mga tinuturuan ni Liu Xue. Naabutan niya ang ilang mga lalaki na nag-aayos sa mga armas. Nagpakita siya sa mga ito at kinumbinsi na bumaliktad kay Liu Xue pero hindi pumayag ang mga ito, sinugod siya kaya wala siyang nagawa kundi ang labanan ang mga ito. Pero dahil may baril ang mga ito ay nahirapan siya, nadaplisan siya ng bala sa kanyang kanang braso. Sa huli ay nagawa naman niyang paslangin ang mga ito.

Napailing na lang siya nang makita ang mga patay na katawan nito. Hindi niya gustong paslangin ang mga ito pero wala siyang magawa. Kung magiging mabait siya ay siguradong siya ang papaslangin ng mga ito.

"Ji Jiangjun!" May tatlong lalaki ang lumapit sa kanya, pawang may mga tabing na itim na tela ang mga sumbrero nito.

Mabilis siyang naghanda para kung susugurin man siya ng mga ito ay mabilis siyang makakalaban. Pero hindi na pala kailangan dahil hinubad na ng mga ito ang suot na sumbero.

"Lao Gang!" Binalik niya ang espada sa lalagyan at lumapit sa mga ito.
Hindi naman maipaliwanag ang tuwang nakikita ni Dou Ji sa mga mata ni Lao Gang. Hinawakan nito ang magkabila niyang braso at sinuri ang kalagayan niya. Mayamaya ay niyakap siya.

"Isang taon at mahigit na ang nakakaraan mula nang makita ka namin. Mabuti at maayos na ang kalagayan mo."

Ngumiti si Dou Ji. "Lao Gang, malaki rin ang pasasalamat ko sa ginawa niyo para maitakas ako nina Lie Feng papunta sa palasyo ng Han. Naikwento sa akin ni Sui Hao ang lahat ng pangyayari habang wala akong malay.

Napatango-tango naman ito.

"Siyanga pala, anong ginagawa niyo rito sa Zhuliu?"

"Balak namin sugurin ang kutang ito para makuha ang rasyon nila ng pagkain at tubig. Ang rasyon ng pagkain at tubig na matagal nating iniimbak sa lihim na kutang binigay mo ay matagal nang naubos. Ang tanging paraan na lamang namin para patuloy na mabuhay ay ang magnakaw ng pagkain mula sa kapitolyo."

Hindi na nakapagtataka na mabilis naubos ang rasyon na iyon. Anim na buwan palang silang nakakapag-imbak pagkatapos ay halos higit pa sa isang taon siyang nawala.

Napailing ito. "Jiangjun, napakahirap na ng ating kaharian! Ang dating masaganang agrikultura ay bumagsak. Ang malulusog na lupain para sa mga pagkaing maaaring makain ay napalitan na ng mga pulang bulaklak! Wala nang pagkain para sa mga tao."

"Lao Gang, ibabalik ko sa dati ang kahariang ito! Pangako, muli kayong makakain ng pagkaing galing sa mga lupain at makakainom ng tubig mula sa sarili niyong balon!"

Napatango-tango naman ito. Ilang sandali pa at nagpasya si Dou Ji na tingnan ang kalagayan ng mga inilikas na mga tao sa Qingrong, matapos na kunin ang mga rasyon ng pagkain sa kuta ng mga nag-e-ensayo ay umalis na sila.

Unwritten MemoriesWhere stories live. Discover now