Chapter 95

19 5 0
                                    

Chapter 95

NAPABALIKWAS ng bangon si Yi Jian. Habol ang hininga niya habang hawak-hawak ang kanyang dibdib. Napalinga siya sa paligid, ganoon pa rin ang hitsura at wala naman nabago. Umupo siya sa gilid ng kama pagkuway hinawakan ang kanyang ulo.

Panaginip. Isang masamang panaginip.

Naipikit niya nang mariin ang kanyang mga mata. Hanggang ngayon ay hindi pa rin mawaglit sa isip niya ang bangungot na iyon. Mabilis niya ipinagpag ang hindi magandang panaginip sa utak niya. Kahit na kailan, hinding-hindi siya papayag na may mangyaring masama sa mga kaibigan niya.

Ilang sandali pa at inayos na niya ang sarili, pagkatapos maligo at magbihis ay lumabas na siya. Hindi na siya kumain dahil pakiramdam niya iluluwa niya rin iyon. Kaya naman siya naglakad-lakad para magpahangin. Shit, kahit anong gawin niya ay iyon at iyon pa rin naglalaro sa utak niya. Mayamaya ay nakasalubong niya si Ouyang at Li Yong. May sasabihin sana ang mga ito nang bigla siyang lumapit at kinapa ang dibdib ni Ouyang. Hinawakan niya rin ang mukha nito, may nararamdaman siyang init doon. Takang-taka ito sa ginagawa niya. Pati si Li Yong ay hindi nakaligtas sa pagtse-check niya, hinaplos niya ang likod nito pagkuway hinawakan ang leeg, may pulso siyang nararamdaman.

"Y-yi Jian, ano bang ginagawa mo?" Namumula ang tainga na tanong ni Li Yong.

Nag-cross arm si Yi Jian. "Salamat at buhay pa kayo."

Nagtatakang nagkatinginan na lang sina Ouyang at Li Yong.

"Yi shaoye, ayos ka lang ba? Mukhang hindi ka nakatulog nang maayos."

"Ayos lang ako," sabi na lang niya sa mga ito pagkuway nagpaalam na. Gusto niyang makita ngayon si Lie Feng kaya dadaanan niya ito sa tahanan nito. Pagkarating niya doon ay naabutan niya si Bei Yiqi na kausap ang hari. Nagtama ang mata nila ng wangye pero tinanguan lang siya nito. Pinalapit siya ni Lie Feng para maupo sa bakanteng upuan, ang tagasilbi nito ay agad siyang hinahinan ng tsaa. Patuloy na nag-uusap ang mga ito pero wala doon ang atensyon niya kundi nasa dalawang bisita ni Lie Feng. Tinititigan niya lang ang mga ito.

Mukha namang nakahalata si Bei Yiqi. "Meron ka bang nakikitang dumi sa aking mukha?"

Umiling na lang siya bilang sagot. Nasa reyalidad na siya at wala panaginip. Kinuha niya ang tsaa at ininom iyon.

"Yi Jian, gusto mo bang isama sina Bei wangye at Jin Yao sa pagpunta niyo sa Daocheng?" tanong ni Lie Feng sa kanya.

"Gusto kong makatulong at mapatunayan na sa hari at emperador ang kakayahan ko." Matatag na sabi Bei Yiqi.

Napatingin si Yi Jian kay Bei Yiqi. "Hindi isang pagsubok sa kakayahan mong pamunuan ang isang kaharian ang gagawin natin sa Daocheng. Kung sasama ka lamang para magpakitang-gilas sa emperador ay maiwan ka na lamang dito."

"Anong sinabi mo?" Nainis naman si Bei Yiqi sa tono ng pananalita niya. "Sinabi mo sa akin na dapat maging karapat-dapat ako! Ang pagsama ko sa Daocheng ay magpapakita lang ng kakayahan ko at—"

"Hindi lang pisikal na kakayahan ang pinag-uusapan natin dito, Bei wangye. Sabihin na natin na kaya mong tumulong para makabangon ang Daocheng pero kaya mo ba ang bawat saloobin ng bawat tao doon?"

Napakurap ito sa huling sinabi niya. Kahit paano ay nakukuha na nito ang gusto niyang sabihin.

"Naalala mo ba ang nangyaring pagsunog sa bahay-pagumutan noong kasagsagan ng pagkalat ng sakit? Si Lie Feng ay palihim na tinutulungan ang mga tao, halos isakripisyo na niya ang buhay niya para lang masiguro na walang bata na mapapahamak. Pero naririnig mo ba ang sinasabi ng mga tao sa kanyang likod? Hinahamak, minumura at sinisisi ang hari." Pagak na natawa si Yi Jian pagkuway nilapag ang wala nang laman na baso. "Hindi pa alam ng mga tao ang totoong pangyayari at bumase lang sa narinig nila iisang tao." Tumingin siya kay Bei Yiqi. "Kaya mo bang sikmurain iyon at magpanggap na hindi mo narinig ang mga iyon? Kaya mo bang kalimutan na isa kang hari para yumuko at magpakumbaba sa mga taong nasasakupan mo?"

Unwritten MemoriesWhere stories live. Discover now