Chapter 74

24 6 0
                                    

Chapter 74

MABILIS kumalat sa buong kapitolyo ng Han ang tungkol sa halimaw na kulay pula na kumakain ng tao. Pinangalanan pa nga ito ng mga tao na Shi Ren Zu (bloody cannival). Kaya naman nagpunta ang ilang tao doon sa gubat para mahuli si Ren Zu pero dahil sa mga delikadong hayop na nasa loob ng gubat ay may ibang mga tao ang hindi na nakabalik pa nang buhay. Ang ibang nakaligtas ay sinasabi na inutusan daw ni Ren Zu ang mga hayop para salakayin ang mga tao. Bawat araw na nagdaan ay padagdag nang padagdag ang mga sinasabi ng mga tao patungkol sa halimaw.

"Humihingi ako nang lubos na paumanhin sa nangyayari ngayon sa inyong kaharian, kamahalan." Nakayuko niyang sabi. "Nang dahil sa pag-aakala nilang halimaw ako ay nagsipuntahan ang mga tao sa gubat para paslangin ang halimaw pero napapahamak sila dahil sa mga hayop na nadoon."

Naikwento na ni Dou Ji at Lie Feng ang totoong nangyari sa loob ng gubat ng Yesheng. Nabalitaan na rin kasi nito ang tungkol sa halimaw, binabalak pa nga na magpadala ng hukbo para tugisin si Ren Zu. Mabuti na lang at napigilan nila ito.

"Huwag mo nang alalahanin iyon, Jiangjun. Ang totoo niyan ay pinaplano ko na rin na patigilin ang mga tao sa pagpasok sa gubat na iyon pero dahil sa tradisyon ng mga ito sa tuwing sasapit ang tag-init ay hindi ko maibaba ang aking mga plano. Maraming mga mababangis na hayop doon, bukod pa ang nakalaban mong malaking ahas. Ngayon ay may dahilan na akong maibibigay para hindi na sila pumasok sa gubat na iyon."

"Maraming salamat sa malawak niyong pag-unawa, kamahalan."

Ilang araw pa ang lumipas at nagbaba na nga ng anunsyo si Emperador Hen Hao. Ipinagbawal na nito ang pangangaso sa loob ng gubat ng Yesheng. Sinabi rin nito na nagpakita daw sa emperador ang diwata ng gubat at sinabi na nagagalit daw ito dahil sa pagpatay sa mga hayop kaya pinalabas nito ang pulang halimaw para kainin ang mga magtatangkang pumasok sa loob ng gubat. Dagdag pa nito na hindi manunugod o lalabas ng gubat ang pulang halimaw dahil ang tangi lang nitong gustong protektahan ay ang mga hayop sa loob ng gubat.

Sumang-ayon naman ang lahat ng tao sa binabang utos ni Emperador Hen Hao. Kaya bilang paghingi ng tawad sa diwata ng gubat ay nag-alay ng dasal at mga pagkain ang mga tao sa bungad ng gubat pagkatapos ay nagtayo rebulto at naglagay din ng harang bilang babala sa mga magtatangkang pumasok sa loob.

"Saan mo nakuha ang manikang 'yan?"

Natigil sa paglalakad si Dou Ji nang makarinig ng kwentuhan ng dalawang kawal. Kasalukuyan kasi ay papunta siya sa silid-aklatan kung saan naroon si Sui Hao. Gusto niya sana itong kausapin tungkol sa binabalak niyang pagtakas papunta sa kaharian ng Yu.

"Pinabili ko ito sa isa kong kaibigan sa kapitolyo ng Yu. May mga banyagang nagpupunta sa dalampasigan at ibinebenta ang mga ito. Binibili ito ng mga kawal na inutusan ng hari doon." Kwento nito saka tinaas ang manika na gawa sa porselana at may magandang banyagang damit. "Ireregalo ko ito sa nalalapit na kaarawan ng aking anak."

Nagsimula na sina Xian Mu sa balak nila...

Gagawa na lang siya ng sarili niyang paraan para makabalik ngayong gabi sa kaharian. Kapag nakabalik siya ay una niyang pupuntahan ang dalampasigan at pag-aaralan kung ano ba talaga ang nangyayari. May kutob siya na hindi lang basta pagbebenta ng manika o kung ano pang banyagang bagay ang nagaganap doon. Lalo pa at nasa kaharian ng Yu ang mga pulang bulaklak na iyon.

"Isa ng alamat at panakot sa mga bata si Ren Zu," sabi ni Lie Feng. Nagulat pa si Dou Ji nang biglang nagsalita mula sa likod niya ang binatilyo.

"Ginulat mo ako. Bakit ba bigla kang sumusulpot sa likod ko?"

"Binabantayan kita."

Napahugot na lang nang malalim na buntong-hininga si Dou Ji. Sa sitwasyon na ito ay hindi siya makakatakas, lalo na kung si Lie Feng ang nagbabantay sa kanya. Muli ay naglakad siya habang nag-iisip kung paano niya ito malalansi.

Unwritten MemoriesWhere stories live. Discover now